BM 10: VERONICA

3.4K 101 2
                                    


Lia's POV

Hating gabi na pero hindi parin bumabalik si Shou. Halos malibot ko na ang Mansion sa kahahanap sa kanya pero, wala.
Dito ko na siya sa garden hinintay tutal may mga bench naman sa paligid.

Hindi ko alam kung ilang beses naba akong bumuntong hininga simula kanina. Nag aalala na ako pero wala akong magawa.

Dinadalaw na ako ng antok pero tiniis ko dahil gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman kung bakit bigla nalang nag bago ang mood niya at gusto ko ring itanong kung may mali ba akong ginawa na ikinagalit niya.

Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla nalang iyong manikip.

"Aaaah!"
Nagsimula na akong hindi mapakali sa kinauupuan ko. Anong nangyayari?!
At mas lalo pa akong napahiyaw ng mas tumindi ang sakin.

"AAAAAHHHHH! T-tama na!!!"
Napasalampak na ako sa sahig sa sobrang pamimilipit. Hindi ko na kaya. Nararamdaman ko ang unti-unting pag hina ng pintig ng puso ko.

_________

Anna's POV

"AAAAAHHHHH! T-tama na!!!"

Agad akong naalarma ng marinig ko ang boses ni ate Eve. Madali akong nakalabas ng bahay at nag punta sa garden kung saan nang galing ang sigaw niya.

Malayo palang ako nakita ko na siyang nakasalampak sa sahig at namimilipit sa sobrang sakit. Patuloy lang siya sa paghiyaw.
Nilibot ko ng tingin ang paligid para hanapin ang kung sino mang may gawa non.

"MOM!"
Sigaw ko ng Maramdaman ko ang presensya niya sa paligid at mula sa dilim ay lumabas si mom na napakaseryoso ng itsura.

"Mom tama na!" Agad ko siyang nilapitan at pinigilan. "Baka mapatay ko si Ate Eve!"

"Ate eve? Kilala mo siya?"
Singhal sakin ni mom. Tumango naman ako.
Tumakbo ako sa dereksyon ni ate eve.

"Ate eve!"
Niyugyog ko siya pero hindi na siya nag reresponse.Inilapat ko ang palad ko sa Dibdib niya sa may parteng puso at nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko pa ang pintig ng puso niya pero mahina na ito.

"Oh gosh!" Mabilis akong napalingon kay mom
"Muntik mo na siyang mapatay mom!"
Hindi ko mapigilang mag taas ng boses. I know she's my mom but muntik na siyang makapatay ng inosente!

"Who's that girl? Why she's here?"
Tanong niya na masama ang tingin sakin.

"She's ate eve."
Sagot ko. Hindi ko masagot kung bakit siya nandito dahil maging ako hindi ko rin alam. Bigla nalang siyang dinala dito ni kuya at hindi na ako nagtanong sa kanya kung bakit.

"What she's doing here?"
Tanong pa niya.

"Si kuya nalang po ang tanungin mo mom"
Nakita kong napailing siya.

"What's Happening here?"
Napalingon ako kay kuya shou na seryosong nakatingin samin. Gumala ang paningin niya and i guess kay ate eve na nakatuan niya dahil bigla nalang nawala ang pagkaseryoso niya at napalitan ng sobrang pagkabahala.

Sa isang iglap nasa tabi na siya ni ate eve.

"What did you do to her?!"
Galit niyang tanong at tinignan kami ni mom. Tumayo na ako at tumabi kay mom.

"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito."
Seryosong tanong ni mom na parang walang pakialam sa galit ni kuya.

"I said, What did you do to her!!!"
Halos mapapitlag ako sa lakas ng sigaw ni kuya. Talagang galit na galit na ito dahil mas naging dark green ang kulay ng mga mata niya.

"How dare you para sigawan ako?! Baka nakakalimutan mong mommy mo ang kausap mo!"
Singhal ni mom na galit na din.

"Pag may nangyaring masama sa kanya, hindi ko alam kung anong magagawa ko."
Malamig pa sa yelong sabi niya na agad binuhat si ate eve at bigla nalang silang nawala.

BUY ME (Fantaseries #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon