"Alam mo nga ang salitang love pero hindi mo naman alam ang pakiramdam nito.. Demonise salita lang ang alam mo about sa love pero yung feelings about love hindi mo alam.." seryosong saad nya at nauna na saking umalis...
Napatulala ako sa sinabi nya... Tama sya hindi ko alam ang pakiramdam ng love na yan at tanging salita ang alam ko pero masisisi nya ba ako na kaya wala akong pakialam sa love na yan dahil para sakin hindi pa ito ang tamang oras at maggamit ng kalaban ko ang salitang love na yan para pabagsakin ako....
Pumunta ako sa room namin ng tulala at wala sa wisyo.. Kaasar naman kase ang salitang love yan! Aba pasensya na kung wala akong time para dyan, wala din namang time sakin si love eh..
Tsaka naranasan ko na din ang magmahal.. Hindi nga lang sa ibang tao kundi sa daddy ko.. Mahal na mahal ko sya kaya nga ipaghihignti ko sya ehh.. Ipaghihiganti ko ang pagka matay nya..
***
Pagkadating ko sa room namin ang gulo.. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay si Jeydie na hawak hawak ang leeg ni Calyx..
"Jeydie!! Anong ginagawa mo?!" sigaw ko sa kanya at tumakbo sa pwesto nila..
Napalingon sya sakin na blanko ang expression nya..
"Anong pakialam mo sa ginagawa ko sa kanya huh Demonise?! Wala ka namang pake kahit kanino eh! Kaya wag mo akong papakialaman dito!" sigaw nya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak nya sa leeg ni Calyx
"*cough* a-ano bang nang y-yayari s-sayo J-jeydie?" nahihirapang tanong ni Calyx..
"Nabalitaan ko lang naman na ang kuya mo ay pinatay ang pinsan kong walang kalaban laban!" sigaw nya dito at mas hinigpitan pa ang sakal nya kay Calyx..
"TUMIGIL KA NA NGA JEYDIE!! BITAWAN MO NA SI CALYX NGAYON DIN MISMO!!" maotoridad na sigaw ko sa kanila..
Halos lahat ng kaklase ko ay napaka tahimik at walang ni isa man ang nagsasalita o bumubulong.. Pero si Jeydie wala man lang katinag tinag sa sigaw ko... Mukhang handa na nya ngang patayin si Calyx..
Aatakihin ko na sana sya para mabitawan nya na si Calyx ng may kutsilyong lumipad papunta sa kanya.. Nadaplisan si Jeydie sa braso nya kaya napabitaw sya kay Calyx..
"Wtf is that?!" inis na sigaw ni Jeydie at nilingon kung sino ang bumato sa kanya ng kutsilyo..
Pati ako ay hinanap ko ang naghagis ng kutsilyo na iyon at nagulat ako ng makita kong si Venus na nakatayo sa likod ko at may hawak na kutsilyo..
"Isa pang hawak sa kanya Jeydie hindi lang yang braso mo ang masusugatan" cold na saad nya habang pinapa ikot ikot ang isa pang kutsilo na hawak nya..
Napangisi ako sa naisip kong dahilan kung bakit nya tinulungan at sinabi ang mga katagang iyon para kay Calyx..
"Kaano ano mo ba ito huh Venus at tinutulungan mo sya?! Diba wala ka namang pakialam sa mga bagay bagay kagaya ni Demonise?!" inis na sigaw nya at akmang susugod kay Venus ng magsalita ako...
"One more step Jeydie and I'll kill you" cold na babala ko na ikinahinto nya..
Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba ang nakita ko.. Pero ng huminto sya nakita ko sa mata nya ang galit at lungkot..
"Magagawa mo talaga sakin yan huh Deminise? Ako na matagal mo ng kasama sa lahat handa mo akong patayin para lang sa walang kwentang tao?!" sigaw nya..
"Oo Jeydie kaya kong gawin yan pag hindi ka pa tumigil dyan sa kahibangan mo" seryosong banta ko.. Napangisi sya sa sinabi ko...
"Huh! Ano nga naman ba ako sayo! Tsaka wala ka naman talagang puso eh DEMONise! Kung alam mo lang kung gaano mo ako nasasaktan sa mga sinasabi at ginagawa mo ngayon..." halos pumiyok na sya sa pagsasalita...
Naglakad sya palabas ng room namin... Napatulala ako sa sinabi nya.. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa sinabi nya.. Ganun ba ako kawalang puso para sa kanya? Hindi nya man lang ba naisip na kaklase namin si Calyx at dapat hindi kami nagkakasakitan dahil kakampi namin ang isat isa..
"salamat sa pag liligtas sakin Venus.. Demonise" saad ni Calyx.. Hindi ko sila, sya matignan dahil sa mga sinabi ni Jeydie sakin..
Kanina about sa love ngayon kung ano sya sakin at kung gaano ako kawalang puso... Bakit ako naapektuhan sa lahat ng mga sinasabi ni Jeydie.. Bakit??
"Ayos ka lang ba Demonise??" nag aalalang tanong ni Naomi.. Na space out ba ako kaya di ko man lang naramdaman si Naomi sa tabi ko??
"Ayos lang ako Naomi salamat.. Pero di na muna ako aattend ng klase ngayong araw, nawala ako sa mood.." wala sa sariling saad ko sabay alis sa room..
Ano bang nangyayari sakin? Bakit ganito ako naapektuhan sa pinagsasasabi ni Jeydie? Sh*t! Bakit ba lagi ko na lang sya iniisip ngayong araw?! Imposibleng namang may nararamdaman ako sa kanya kase kung may nararamdaman ako sa kanya hindi ko sya masasagot kanina! Tsaka hindi ko naman talaga alam ang feeling ng mainlove ehh -,-
Napahinto ako sa pag iisip ng maramdaman ko ang paglakas ng hangin at pagkatingin ko nasa isang paraiso ako.. Oo tama sa paraiso ng Hell University dahil sa lahat ng lugar dito sa HU wala kang makikita kundi patay na halaman, puno at sobrang dilim dito dahil natatabungan ng bubong ang lahat dito as in kulob na kulob.. Pero dito sa paraiso na nasa loob nitong HU kabaliktaran ang lahat.. Buhay na buhay ang mga halaman at puno, may malinis na ilog din dito..
Napa upo dito sa damuhan.. Ibang iba ito sa malaimpyernong HU na ito.. Hindi aakalain ng iba na may paraiso dito sa HU..
Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko.. "Anong ginagawa mo dito Demonise" naka kunot noong tanong ni Jeydie.. Oo nga pala minsan na namin itong naging tambayan tuwing beast mode kami..
"Nagpapahangin." hindi makatingin saad ko.. Napa atras ako ng umupo sa tabi ko si Jeydie.. Sh*t! Ano ba tong reaction ko!
"Sorry sa sinabi at inasal ko kanina Demonise.." naka yukong saad nya.. Napatingin ako sa kanya.. Nag sorry sya?
*Dug..Duggg..Duggg*
Napahawak ako sa puso ko ng tumibok ito ng mabilis... A-anong nangyayari sakin? Nag sorry lang naman sya pero bakit ganito maka react ang puso ko??
"Ayos ka lang ba Demonise? Bakit parang naka kita ka ng multo??" tanong nya..
Hindi ko alam kung bakit pero ng akmang hahawakan nya ako ay napaatras ako at tumakbo palayo sa kanya habang hawak hawak ko ang puso kong tumutibok ng sobrang bilis! Anong nangyayari sakin?!
__________________
A/N:
Hello guyss! So eto na yung update ko! Ahaha natuwa ako sa nag comment kanina ehh kaya nag update na ako kahit wala pang 20 votes pero dahil sa comments kaya eto nag update ako! Hope you enjoy! HAHAHA labyou guys!
Dont forget to vote and comment.. 20 votes and 50 comments again guyss pleaseee! Kamsa!
BINABASA MO ANG
Hell University (Hell Gangster)
Mystery / ThrillerHELL UNIVERSITY.. Maraming mamamatay sa paaralang ito.. Para sa malalakas, "Ang mahihina ay kailangang mamatay" at tanging silang malalakas lamang ang dapat mabuhay sa paaralang ito dahil sila lamang ang may kakayahang lumaban para sa kanilang buhay...
