Chapter 23

802 34 13
                                    


Kiana Demonise Pov's

Nandito ako kwarto at nag aayos para sa date namin ni Jeydie.. Nakalabas na ako sa hospital kaya eto nag aya na nga sya agad mag date kami -_-

And about kila Venus and Calyx.. I think meron din sila dahil nga nung nagkunyari kami eh tinotoo ni Calyx kaya walang nagawa si Venus..

"Demonise KO ang tagal mo naman dyan sa kwarto mo!! Naiinip na akooo" pagmamaktol ni Jeydie at napa irap ako kahit alam kong di nya makikita..

"Shut Up Ydie! Medyo masakit pa kaya ang katawan ko! Ikaw lang ang nagpupumilit dyan!" sigaw ko kahit na ang totoo ay hindi ko talaga alam ang susuotin ko..

"Ehhh~ Demonise KO mag iisang oras ka na dyan" patuloy na pagmamaktol ni Jeydie kaya naman kinuha ko na lang ang isang palda na above the knee at at long sleeve na kulay pink at mabilisang sinuot..

Hindi ko na masyadong inayos ang buhok ko at nag light make up na lang..

"Hindi ka pa din ba tapos Demonise KO?? Nakaka ngawit tumayo dito!!" inip na inip na wika nya..

Agad agad ko namang nilagay ang phone and wallet ko sa shoulder bag ko at agad na binuksan ang pinto..

"Eto na ako oh eto na tss" naka kunot na saad ko..

Agad akong ni head to foot ni Jeydie at natulala ng matapos akong tignan..

"Oy okay ka lang Jeydie? Hindi ba ayos pakiramdam mo? Wag na kaya tayong tumuloy?" kinakabahang tanong ko..

Nang marinig nya ang sinabi ko ay parang natauhan sya at mabilis na umiling..

"Ayos lang ako Demonise KO.. Natulala lang ako kasi ngayon lang kita ulit nakitang nag suot ng girly clothes.. Bagay sayo ^_^ " naka ngiting saad nya at agad namang namula ang pisngi ko.. Aish! Dahil lang dun kinikilig agad ako :-3 Bumababaw na ang kaligayahan ko dahil kay Jeydie..

"T-tss.. Tara na nga" pinipigilang ngiting wika ko at naunang maglakad palabas..

Nandito kami ngayon sa bahay namin kung saan kami unang nagkita at nagka kilala ni Jeydie.. Wala kami sa HU dahil nga date namin ngayon -,- Wala pa kaming balita kung ano ng nangyayari sa loob ng HU pero para sa akin walang dapat ipangamba..

Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Jeydie at hinila palapit sa kanya..

"Ooppss! Tatama ka pa sa pader ay Demonise KO!"

Napa irap ako sa kanya, "Anong pake mo?" mataray na tanong ko..

Nakita ko namang tumawa sya ng bahagya, "Nako si Demonise KO nagtampo agad dahil lang sa sinabi kong naka suot ka ng pang girly" tumatawang wika nya..

"Shut up Ydie" saad ko at pumasok na sa front seat at sumakay naman sya sa driver seat..

"Alam mo Demonise KO.. Ang laki ng ipinagbago mo.." saad nya habang mabilis na binuksan ang kotse at pinaandar..

"Anong ipinagbago ka dyan.. Eto pa din ako noh, yung Demonise mo d-_-b" poker na wika ko..

"Hindi kaya.. Yung Demonise Ko dati nung mga bata pa lang kami eh masayahin, matulungin sa tao, masipag, matalino at magalang. Eh yung Demonise KO ngayon, masungit, tamad, laging nag cucut, at kinakatakutan ng lahat" mahabang wika nya..

Napatingin ako sa kanya ng seryoso.. "Pero anong mas gusto mo... Ang dating ako.. O ang Baging ako??" tanong ko sa kanya..

Inihinto naman ni Jeydie ang sasakyan at tumingin din sakin ng seryoso..

"Gusto ko yung dating ikaw Demonise KO.." napanguso ako sa sinabi nya.. "Pero mahal ko ang Demonise KO ngayon" naka ngiting saad nya at hindi ko na naiwasang mamula ang mga pisngi ko sa kilig.. Aish! Itong si Ydie napaka pilyo!

Hell University (Hell Gangster) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon