Chapter 17

839 36 9
                                    


May mga bagay talaga na nagpapasaya sayo pero.. Tuwing masaya ka may kapalit naman na kalungkutan, sakit at minsan umaabot pa sa punto ng kamatayan...

At sa sitwasyon ko ngayon.. Masaya ako, sobra pa sa sobra.. Pero may part sa puso at isip ko na takot.. Takot para sa taong mahal ko..

Masaya ako ngayon dahil kami na ni Jeydie at alam na ng mga kaklase ko. Masaya sila para sa amin lalo na sa akin dahil nga daw may puso na Daw ako -_-  Anong akala nila sa akin robot na walang puso? -_-

"Ang saya! May love team na tayo sa section natin!" masayang saad ni Calyx.. Buhay pa pala sya -,- 

"Shut up Calyx. Hindi uso ang Love team dito sa HU. If you want love team thingi' you shouldn't transferred here." sabat ni Venus.. Buhay pa din pala ang isang ito? -,-

"Chillax lang nga kayong dalawa dyan.. Baka kayo pa magkatuluyan bandang huli" pagbibiro ni Jeydie na ikina irap ni Venus at si Calyx eh ayun namumula -,-

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag salita ngayon.. Feeling ko kasi may nagmamatyag na sa mga kilos ko... Na paparanoid na ata ako dahil sa ayokong mapahamak si Jeydie at ang mga kaklase dahil sa paghihiganti ko sa daddy ko..

"Uy Demonise KO bakit ang tahimik mo dyan??"

Nawala ako sa malalim kong iniisip ng kalabitin ako ni Jeydie.. Hays..

"Wala naman Jeydie may iniisip lang" saad ko..

"*pout* bakit Jeydie lang tawag mo sa akin? Dapat Jeydie KO" naka ngusong saad ni Jeydie..

"Ahaha adik! Ang corny mo Jeydie ahahaha" natatawang wika ko.. Ang cute nya pag naka pout..

Tawa lang ako ng tawa hanggang sa maramdaman kong naka tingin sa akin ang mga kaklase ko na gulat na gulat ang mukha.. Kaya naman napatigil ako sa pagtawa... Problema nila?

"Oh bakit kayo naka tingin sa akin??" tanong ko..

"For the first time hindi lang ngumiti si Kiana, tumawa pa syaaa!" sigaw ng Vpres namin na ikina poker face ko.. Big deal ba talaga sa kanila ang pagtawa at pag ngiti ko?

Nagulat ako ng biglang tumayo si Jeydie sa upuan at may sinigaw.. -,-

"Ako! Ako lang ang pwedeng makakita ng pag ngiti at pagtawa ni Demonise KO! Selfish ako pag dating sa kanya so kapag ngumiti o tumawa sya, mag pretend kayo na hindi nyo nakita or narinig.. Are we clear?!!" sigaw nya na ikina tawa ko pati ng mga kaklase ko..

Ang selfish ng jeydie KO ahh! Ahaha ang saya ko ngayon.. Ngayon nararamdaman ko na ang salita 'love' hindi lang sa nararamdaman, nararanasan ko na din ito and Im happy..

"Yah! Demonise KO! Wag mo akong tatawanan kung ayaw mong mahalikan sa harap nila" pagbabanta nya sa akin kaya naman tumigil ako sa pagtawa at ngumiti sa kanya. .

"Opo Jeydie KO! Titigil na po" naka ngiti kong saad sa kanya.. At si Jeydie? Ayun namumula ang mukha! Wahaha ang cute cute nya pala talaga pag nag bublush ^_^

Sunod sunod naman ang tili ng mga kaklase ko..

"Wahh! Ayyiieeee! Jey-Kia shipper akooo!"

"Yiieee! Ako din! JeyKia "

"Wahaha! Mga pre namumula si Jeydie ohh!"

"JeyKia yieee! Ang cuteeee!"

"Yiieeee! Forever na ba ang JeyKia???!!"

Halos mabingi ako sa mga tilian ng kaklase ko pero tumahimik sila ng sumigaw si Naomi..

"Tumigil na nga kayo!! Baka may makarinig pa ng mga sinasabi nyo at malaman nila yan!!"

Hell University (Hell Gangster) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon