Chapter 15

877 41 0
                                    


Eto pa din ako nasa mga bisig ni Jeydie.. At sya naman naglalakad papuntang tunnel ng HU na tanging kami lang ang nakaka alam at ang matataas na ranggo..

"Jeydie sa dorm mo na lang ako dalhin" pangungulit ko.. Kanina ko pa sya kinukulit simula ng buhatin nya ako at maglakad sya..

"No! Mas lalong titindi yang pangagati mo na iyan kapag hindi naagapan ng maaga" serysong sagot nya..

Hays! Give up na ako ayoko na di naman ako mananalo kasi ganto ang lagay ko.. Tsaka mas lalo pa akong nilalamig kahit hindi naman malamig -,-

Ng nasa tunnel na kami ay bigla akong naka ramdam ng antok kaya naman ipinikit ko muna ang mga mata ko..

***

Nagising ako sa isang malambot na higaan.. Ang nakikita ng mga mata ko ngayon ay puting kisame..

Dahan dahan akong bumangon sa pagkaka higa ko at tinignan ang buong paligid.. At nasa hospital na ako -,- Napatingin ako sa gilid ko ng maramdaman kong may gumalaw.. Ang likot talagang matulog ng loko -,- Si Jeydie nasa upuan habang naka dukdok ang mukha dito sa hinihigaan ko..

"Pstt Jeydie.." tawag ko kay Jeydie at ang loko no response..

Kinalabit ko sya at muling tinawag.. "Psstt Jeydieee!"

"Hmmmm?" - Jeydie

"Uy Jeydie! Nagugutom ako..." saad ko sakanya habang kinakalabit pa din..

Nang marinig nya ang sinabi ko ay napa bangon sya bigla..

"Gising ka na pala Demonise!" gulat na gulat na tanong nya.. Lokong adik -.-

"Hindi ba halata Jeydie?" poker na tanong ko...

"Sorry naman kasi naman mtutulog ka na lang nga ilang oras ka pang natulog!" angal nya.. Teka.. Ang pagkaka alala ko mga lang ay nasa tunnel pa kami ng makatulog ako at ngayon nasa hospital na ako.. Eh mahigit 2hrs ang byahe papuntang hospital dito..

"Ilang oras akong naka tulog Jeydie??" tanong ko..

"Mahigit 5hr na Demonise.. Kaya nga pinahidan ka na ng pampawala ng kati sa katawan.. At kanina may sinat ka na pala nun! Kaya kailangan mong kumain teka bibili lang ako ng pagkain dito sa baba para maka inom ka ng gamot" mahabang saad nya at nag madaling umalis..

5hrs? Sinat? Grabe! Ilang taon akong hindi nagkasakit o kahit na sinat ngayon na lang ulit.. Dahil lang sa curry sininat ako -,- Masyado akong na Ooayan sa sarili ko -.-

Tinignan ko ang braso ko at may mga pantal pa din akong nakikita >_< Kailan ba mawawala ito?! Pero buti na lang hindi na makati hindi kagaya kanina na halos mapudpod na ang kuko ko kaka kamot -,-

"Demonisee!!! Eto na oh kumain ka na!" nagmamadaling saad ni Jeydie.. Anyare sa kanya at madaling madali sya? -.-

Hindi ko sya singot dahil busy sya sa paglalagay ng pagkain sa plato..

"Dont worry Demonise sabi ng doctor pwede ka pa din kumain ng kahit ano wag lang ang kahit anong curry." pagpapliwanag nya..

"Alam ko naman yun >.>"

"Oh alam mo pala eh, eto na kain ka na susubuan kita"

"T-teka lang! Bakit k-kailangan mo pa akong s-subuan?!" kanda utal utal na tanong ko..

"Basta susubuan kita! Hindi ka pa nakakabawi ng lakas noh!" pasigaw na wika nya..

"Ah ganon Jeydie? Eh kung suntukin kaya kita at tignan mo kung hindi pa ako nakaka bawi ng lakas" sarkastikong saad ko.. At ang loko ay napangiwi sa sinabi ko..

Hell University (Hell Gangster) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon