Nagising ako sa katok ni Naomi.. Nasa dorm kami ngayon hindi kami lumabas ng HU dahil na din sa maraming nangyari kahapon at pagod kami parehas na bumyahe..
"Kiana bilisan mo malapit ng mag umpisa ang klase.." saad ni Naomi..
"Yes!! Tekaa lang maliligo na ako!" sigaw ko at sabay punta sa cr para maligo syempre -,-
***
Pagkayari kong maligo ay nag ayos na ako.. All black ang suot ko as always.. I love black.. Hindi ito creepy para sa akin...
Pagka ayos ko ay lumabas na aako sa kwarto ko at pumunta na sa kusina pero pagdating ko dun bumungad agad sa akin ang mukha ni Jeydie na naka ngisi.. Para sa akin pagnaka ngisi sya nang iinis yan kaya inirapan ko na lang sya..
"Ang aga aga naka simangot ka na naman Demonise.. Gayahin mo ako laging naka ngiti.." proud na sabi nya kaya lalo akong napa irap..
"Paanong hindi ako sisimangot kung yang mukha mo agad ang nakikita ko?" nakasimangot na tanong ko sa kanya..
"Wala namang ganyan Demonise! Ikaw na lang itong sinusundo ko ikaw pa galit" pacute na saad nya na lalong ikina irita ko..
"Bakit may sinabi ba akong sunduin mo ako dito? diba wala naman huh?!" inis na tanong ko sa kanya sabay irap.. Sasagot pa sana sya ng magsalita sa likod ko si Naomi na mukhang natatawa sa sagutan namin ngayon..
"Oh tama na yan malalate na tayo.. Kumain na kayo.. Mauuna na ako ahh pinapatawag ako ng tita mo ehh" saad nya at nagmadaling umalis..
Tss! Very nice naman ang timing ni tita.. Sinadya ba ito o nagkataon lang? kase kung sinadya aba malilintikan sila sa akin -.-
"Kumain ka na Demonise malalate na tayo" saad ni Jeydie habang ngumunguya.. Aba ang bilis nya ahh..
Umupo na ako sa upuan at kumuha ng kanin at ulam para kumain na din ng magsalita si Jeydie..
"Demonise bakit mo nga ba hindi pa binubuksan itong HU sa gobyerno??" tanong nya na nakapag patigil sa pagkain ko.. Tumingin ako sa kanya na nakatingin na din pala sya sakin kanina pa..
"alam mo ang sagot dyan Jeydie." cold na sagot ko.. Tsss
"Dahil ano? Dahil iniisip mo na dito nag aaral ang ibang kasali sa grupong pumatay sa ama mo?" seryosong tanong nya..
"Alam mo naman pala ehh bakit mo pa tinanong? Nakakawala ka ng gana alam mo ba yun?" cold na sabi ko sabay tayo..
"O-oyy demonise nagbibiro lang ako bumalik ka dito di ka pa tapos kumain!!!!" sigaw nya pero di ko sya pinakinggan at tuloy lang ako sa paglalakad..
Maghihiganti ako sa kanila... Maghihiganti ako mag antay lang sila.. Pagnakilala ko sila tatapusin ko sila.. Hindi dapat nabubuhay ang katulad nila.. Pinatay nila ang tatay ko kaya lahat ng kasali sa grupong Exodus ay ma-------
"A-aray?! Ano ba?! Bitawan mo nga ako Jeydie!!" pagmumupiglas ko pero mas lalo nya lang hinigpitan ang hawak sa braso ko at kinaladkad papuntang canteen.. CANTEEN??!!
"Anong gagawin natin dito huh Jeydie?! Late na tayo sa first class natin!!!" sigaw ko sa kanya.. Nakaka inis naman ehh!!
"Shut Up!! Umupo ka dyan bibili ako ng pagkain natin! Hayaan mo na yung first class natin di ka rin naman nakikinig dun ehh!!" inis na sabi nya at pumila sa counter..
Anyare dun?! Sya pa talaga ang galit ahh! Aba sya! Iumpog ko kaya sya sa pader?. _.
"Oh kumain ka na.. Bilisan mo kung gusto mong wag late sa 2nd class natin.." seryosong saad nya kaya naman napatingin ako sa kanya... Tsss..
"Busog ako" tipid na sabi ko..
Nagulat ako ng hampasin nya ang lamesa kaya napatingin din ang iba sa kanya..
"Kumain ka Demonise! Alam kong di ka nag dinner kagabi! At tignan mo yang itsura mo puro pasa! Hindi mo manlang nilagyan ng band aid or ginamot muna bago ka natulog! Tsk! Careless!" inis na saad nya.. Napatulala naman ako sa reaction nya at sa sinabi nya.. Ano bang pake nya sakin?? -,-
Di na lang ako nagsalita at kumain na lang.. At grabe.. Di nga ako gutom nito ano? Naka tatlong kanin ako.. Bat ba ang sarap ng pagkain ngayon sa canteen? Oh baka naman sadyang gutom lang ako -.-
"Tsk! See? Gutom na gutom ka oh tas sasabihin mo busog ka? Dont lie to me Demonise" seryosong saad nya..
"Oo na sige panalo ka na kaya pwede ba bawas bwasan mo ang daldal mo? Nakaka irita ehh" pailing iling na saad ko.. Totoo naman kase nakakairita yung boses nya lalo na pag puro sermon ang sasabihin nya sakin..
"Tss. Oo na Demonise.. Tara dito lumapit ka sakin saglit.." utos nya.. Aba inuutusan ako ng loko -.-
"Inuutusan mo ba ako?" iritang tanong ko..
"Di ba obvious?" bored na sabi nya..
Susuntukin ko na sana sya ng maharangan nya ito.. "Tss. Tsaka mo na ako suntukin pag galing na yang mga sugat mo sa kamay,braso at sa mukha mong di naman kagandahan" saad nya.. Aba nanlait si Loko..
"Excuse me? Ako pangit? Are you blind? Kung pangit pala ako edi sana walang nagpapantasya na maging gf ako.. Tsk!" saad ko na ikinatawa nya ng bahagya..
'Maganda ka naman talaga.. Kaya nga gusto kita ehh' bulong nya..
"Ano yun Jeydie? Ano yung binubulong bulong mo dyan?" tanong ko..
"Wala! Sabi pangit ka talaga!" saad nya habang tumatawa...
Tignan mo tong lokong toh kanina naiinis at seryosong seryoso ngayon naman tumatawa kahit walang nakakatawa.. Nagdodroga ba toh??
"Ge oo na lang.. Tara na malapit ng matapos ang 1st class.." saad ko at tumayo..
Nagulat ako ng hawakan nya braso ko.. "Anong ginagawa mo?" tanong ko..
"Di ba obvious na nilalagyan ko ng band aid ang sugot mo?? Kelan ka pa naging slow huh Demonise??"naiiling na tanong nya.. Napairap ako sa sinabi nya.. wengya!
"Alam ko yan tuleg! What I mean is bakit ikaw pa ang naglalagay? Pede namang ako na lang, pede din namang bigyan mo na lang ako ng band aid.. Tss" saad ko sabay irap sa kanya..
"Alam mo Demonise? Wala ka talagang kasweetan sa katawan mo ano? Di ka man lang naiilang sakin or kinikilig? Uso ba sayo ang ang salitang Love at kilig?" seryosong tanong nya... Aba anong kinalaman ng love at kilig sa band aid? Tss..
"Oh tapos? anong kinalaman nyan sa band aid?" tanong ko at napa poker face naman sya sa tanong ko..
"Tsk! Never mind na nga lang! Ang slow mo din minsan ahh... Bat ko pa ba tinanong sayo yan alam ko naman na di mo alam ang salitang love ehh" naiiling na saad nya..
"Hoy Jeydie alam ko kaya yung salitang love na yan!" saad ko.. Pero naiiiling sya sa sinabi ko...
"Alam mo nga ang salitang love pero hindi mo naman alam ang pakiramdam nito.. Demonise salita lang ang alam mo about sa love pero yung feelings about love hindi mo alam.." seryosong saad nya at nauna na saking umalis...
Napatulala ako sa sinabi nya... Tama sya hindi ko alam ang pakiramdam ng love na yan at tanging salita ang alam ko pero masisisi nya ba ako na kaya wala akong pakialam sa love na yan dahil para sakin hindi pa ito ang tamang oras at maggamit ng kalaban ko ang salitang love na yan para pabagsakin ako....
________________________
A/N:
Hello Guys!! Im so sad dahil yung last update ko ay hindi man lang umabot sa 20 votes at 50 comments pero dahil mahal ko kaya nag update na ako!! HAHAHAHA
I hope guys magustuhan nyo itong update ko and more power! HAHAHA! Labyou guys!
At itong chapter na ito ay para sa mga hindi alam ang feeling ng love Ahahahaha! Try nyo minsan magmahal masarap yun sa puso pero syempre di maiiwasan ang sakit! HAHAHAHA
All I need is 20 votes and 50 comment para mag update ulit ako ^^
Yun lang guys! Hope you enjoy! Please vote and comment! Kamsa!!
![](https://img.wattpad.com/cover/121750322-288-k632349.jpg)
BINABASA MO ANG
Hell University (Hell Gangster)
Mystery / ThrillerHELL UNIVERSITY.. Maraming mamamatay sa paaralang ito.. Para sa malalakas, "Ang mahihina ay kailangang mamatay" at tanging silang malalakas lamang ang dapat mabuhay sa paaralang ito dahil sila lamang ang may kakayahang lumaban para sa kanilang buhay...