Chapter 18

700 42 17
                                        


Galit na galit ako ngayon! Si Caesar ang taong pumatay sa ama ko, ngayon ay nagparamdam na sya! Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nagkita kami... Ang gusto ko lang ay patayin sya! Patayin sya sa sarili kong mga kam-------------

"Demonise KO may problema ba?? Na lukot mo na yang libro.."

Napatigil ako sa pag iisip ko dahil biglang syang nagsalita.. Sinamaan ko sya ng tingin..

"Si Caesar..." naka yukom kamaong saad ko sa kanya..

Nanlaki naman bigla ang mata nya,  "Sya ang tumawag sayo??" seryosong tanong nya..

"Oo" tiim bagang na sagot ko at mas lalo pang yumukom ang kamao ko dahil sa galit..

Biglang tumayo at mabilis na tumakbo si Jeydie palabas ng room namin kaya walang nagawa ang teacher naming nag didiscuss sa harap..

Ayoko mang mag hinala sa lahat ng tao pero hindi ko maiwasan lalo na sa mga motibong ipinapakita nila sa akin...

At mas lalong ayokong maghinala kay Naomi, Jeydie, Venus at Calyx.... Ayoko... Sana lang mali ang mga hinala ko sa kanila dahil hindi ko makakaya.. Hindi ko makakaya kung isa sa kanila ang kasali sa Exodus... Hindi ko kaya...

Natapos ang dissmisal ay wala la ding bumabalik na Jeydie sa tabi ko kaya mas lalo akong naghihinala sa kanya...

'Bakit sya umalis nung malaman nya ang tungkol kay Caesar? May alam ba si Jeydie?'

Parang sasabog na ang utak ko sa lahat ng iniisip ko.. Gulong gulo na ako at halos gusto ko na ding sumuko... Pero may part sa akin na sinasabing ipagpatuloy ko pa dahil pakiramdam ko malapit na ako sa inaantay kong hustisya sa aking ama..

"Ang lalim naman ng iniisip mo Kiana.."

Napatingin ako sa kasama ko ngayon.. Si Calyx, tss -_-

"Pake mo ba?" mataray na tanong ko.. Wala ako sa mood mag salita pero dahil sa budoy na ito mukhang mapapahaba pa ang pagsasalita ko -,-

"Ang sungit mo naman Kiana >,> Palibhasa wala dito yung Jeydie mo ginaganito mo na ako" dramatic na wika ni Calyx..

Simula ng mag transfer sya dito naging madaldal na sya -,- Mas lalo tuloy umingay sa room namin..

"Shut up! Ikuha mo na lang ako ng malamig na tubig" utos ko na ikina nguso naman ni Calyx sabay tayo..

*Jeydie's Calling....*

Napatitig ako sa phone ko ng mag ring ito.... Si Jeydie....

Agad ko namang sinagot ang tawag nya..

"Bakit?" tanong ko..

"D-demonise K-Ko..." hingal at utal na saad nya... Bigla akong kinabahan sa pananalita nya..

"B-bakit Jeydie?? Anong nangyari?? Nasan ka??" kabadong tanong ko..

"N-nahuli n-nila a-ako.." hirap na sagot nya..

Nanlamig ang parehas kong mga kamay sa sinabi nya..

"W-wag kang mag biro ng ganyan Jeydie!!" galit na sigaw ko sa kanya.. Sh*t! Sh*t!

"S-sana nga n-nagbibiro l-lang ako D-Demonise K-Ko..." utal utal na saad nya..

"Nasaan ka??" seryosong tanong ko..

"W-wag mo n-ng a-alamin Demonise K-Ko.. A-ayokong map----------" hindi ko na sya pinatapos ng sigawan ko sya..

"Shut Up Jeydie! Sabihin mo kung nasaan ka!!" hysterical na tanong ko...

"....G-ghine Street... M-mahal kita Demonise KO" sagot nya...

*toooott...tooott..tooot..*

Sasagot pa sana ako ng namatay ng linya nya.. Sh*t!

Hell University (Hell Gangster) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon