Chapter 19

653 32 22
                                        


Nagising ako na sobrang hapdi ng mga mata ko dahil sa kaka iyak kahapon..

Hindi pa rin maalis ang sakit dito sa puso ko, pero mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko..

Hindi ko man inaasahan na plano lang ni Jeydie ang lahat, nag papasalamat ako dahil kaharap ko na ngayon ang taong pumatay sa ama ko at ang grupo nya..

Napabaling ako sa pinto ng bumukas ito.. Umaga na at hanggang ngayon wala pa rin silang ginagawang pagpapahirap sa akin.. Ano ba talagang plano nila?!

"Oh! Kumain ka muna dahil mamaya siguradong manghihina ka sa Laban! Ha ha ha!" saad ng isang miyembro ng Exodus sabay lapag ng pagkain at inumin at tsaka umalis..

Mabilis ko namang kinuha at kinain ang dala ng lalaki dahil tama sya maraming mangyayari ngayong araw kaya kailangan kong magpalakas..

Makalipas ng ilang minuto ay may pumasok na naman sa pinto.. Biglang kumuyom ang kamao ko..

"Anong kailangan mo??" seryosong tanong ko..

Hindi nya ako sinagot at lumapit lang sa akin habang naka tingin ng diretsyo sa mga mata ko...

"S-shorry D-demonise KO... M-mahal na m-mahal kita" malungkot na sabi nya sa akin...

Lasing ba sya?!

Nang maka lapit sya sa akin ay tsaka ko lang nakumpirma na lasing nga ang loko!

"Lasing ka lang Jeydie.." serysong saad ko at tinulak sya ng malakas kaya naman napa upo sya..

"A-ano naman k-kung l-lashing a-ako?! T-tsaka i-tsatakas k-kwita d-dito!!" lasing na wika nya..

Napa ngisi ako sa galit, "Ako? Ako itatakas mo dito?! Eh ikaw nga mismo ang nagdala sa akin dito!!" galit na sigaw ko sa kanya..

"H-hhindi ko s-shinashadya D-demonise KO... M-mahal K-kita.." saad nya bago nawalan ng malay dahil sa kalasingan..

"Mahal mo ako? Tinanong kita kung minahal mo ako pero ang sinabi mo HINDI! Isa akong malaking Tang* dahil naniwala ako sa lahat ng sinabi at pinakita mo!" inis na wika ko sabay tinadyakan sa sikmura kaya napa ubo sya kahit walang malay..

"Hoy! Anong ginawa mo kay Boss?!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.. Isang miyembro lang pala ng Exodus -_-

"Wala akong ginawa.. Naka tulog sa sobrang kalasingan" poker na sagot ko..

Inirapan nya lang ako at tumawag ng ibang kasamahan para buhatin si Jeydie at ilagay sa kama na hinigaan ko..

"Tara sumama ka sa amin!" saad ng isang lalaki.. Hmm.. Matanda na siguro sila -,-

Hindi na ako tumutol at sinundan na lang sila... Para saan pa at magpupumiglas ako? Kung lalabanan ko sila ngayon makakarating ito kay Caesar at baka mapatay ako ng walang laban -_-

"Oh! Demonise ng Anak ko! Ha ha ha! Buhay ka pa pala?! Akala ko hindi mo na kinaya ang pag wasak dyan sa puso mo eh!" sarcastic na saad ni Caesar.. -_-

Nginisihan ko sya, "Hindi ako tang* para magpakamatay ng dahil sa Anak mo.. Tama na ang sakit na nadulot nya sa akin.." naka ngising saad ko at ngumisi din sya..

"Matapang ka talagang bata ka... Pero tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo" ngising saad nya at sinenyasan ang mga tauhan nya na labanan ako..

Isa isa silang lumapit sa akin hawak ang mga kahoy at kutsilyo..

Ako na ang unang sumugod at sinipa ko ang malapit sa akin at agad namang nakatulog sa sipa ko.. Weak -_-

Kinuha ko ang kahoy na hawak nya pinagpapalo ang mga tauhan ni Caesar.. Mga vital parts ang pinapatamaan ko para makutulog sila..

Hell University (Hell Gangster) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon