Kiana Demonise Pov's
Kasalukuyang naka pikit ang mga mata ko pero gising na ang diwa ko.. Alam kong nandito sila Jeydie, Calyx, Venus at Melissa dahil ang ingay nila -_-
"Waahhh!! Miss ko na si Kiana.. Miss ko na yung pag tataray nya sa akin" madramang wika ni Calyx.. 'Isip bata talaga -_-'
"Shut Up Calyx! Wala kang karapatan ma miss si Demonise KO" galit na wika ni Jeydie..
"Ang ingay nyo! Ang sakit nyo sa tenga alam nyo ba?! Para kayong mga bata!!" galit na sigaw ni Venus sa kanila..
Naaalala ko na ang lahat nung bata pa ako.. Nagsisisi ako dahil hindi ko agad naalala ang dapat kong maalala.. Im sure nasaktan ko si Jeydie dahil ang sabi ko hindi ko sya kakalimutan pero eto ako naka limutan ko sya..
Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko kahit naka pikit ako.. Gusto kong maging bata na lang ulit kami.. Walang problema at mahal namin ang isa't isa..
"Umiiyak ka na naman Demonise KO.. Alam ko na ako ang may dahilan nya.. Pero ang totoo Demonise KO mahal na mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko simula pa lang ng bata pa tayo.." maalungkot na saad ni Jeydie habang pinupunasan ang mga luha ko pero mas lalo akong napa hagulgol sa iyak at hindi na napigilan pa na yakapin sya at mag panggap na tulog..
"Y-ydie *sob* " umiiyak na wika ko.. Naramdaman ko naman natigilan sya sa sinabi ko..
"Y-y-ydie KO! *sob* *sob* " malakas na iyak ko at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya..
"Shhh.. Nandito lang ako Demonise KO.. Hinding hindi na kita iiwan ulit.." pag aalo sa akin ni Jeydie at mas hinigpitan pa ang yakap..
"S-sorry *sob* s-sorry sa paglimot ko s-sayo *sob*" umiiyak pa din na wika ko..
"Sshhhhhh.. Okay lang Demonise KO.. Ang importante naaalala mo na ako.. Tama na.. Wag ka ng umiyak nasasaktan ako pag umiiyak ka..." pagpapatahan nya..
Agad naman ko namang itinigil ang pag iyak ko dahil sa takot na masaktan ko ulit sya.. Alam ko na ang dahilan kung bakit nagawa akong ipain ni Jeydie sa ama at nagpapasalamat ako dahil mas napaaga ang pagkikita namin ng dahil sa kanya.. Pero at the same time ay naawa ako kay Ydie dahil si Caesar na lang pamilya nya..
"H-hindi ka na ba g-galit sa akin??" kinakabahang tanong nya at pinag harap ang mga mukha namin..
Ngumiti ako sa kanya at mabilis syang kiniss sa pisngi, "Hindi.. Bakit ako magagalit kay Ydie KO??" naka ngising wika ko..
Namula naman sya sa sinabi ko, "S-sabagay! Haha ikaw pa nga ay may kasalanan sa ating dalawa eh.. Tsaka wag mo na akong tawaging Y-ydie pang bata lang ang pangalan na yon ehh" naka ngusong usal nya habang namumula ang pisnge..
Sasagot pa sana ako ng biglang tumikhim si Venus..
"Ehem! May iba pang tao dito kung alam nyo lang.." mataray na saad nya at inirapan kami.. Ang taray talaga -_-
"Alam ko -_- " seryoso kong sagot sa kanya.. Aba kung magtatarayan kaming dalawa sa isa't isa panalo na ako dahil mataray ako sa lahat lalo na sa lalapit at magbabalak na agawin sakin ang Jeydie KO..
"Wow! Ang bilis mag iba ng mood mo Kiana!" manghang sabi ni Calyx at inirapan ko sya..
"Hindi lang paiba iba ng mood ang kaya kong gawin.. Kaya kong gawin ang lahat para sa taong mahal ko.."seryosong saad ko at tumingin kay Jeydie..
"Wushuu! Ang corny mo na cous ahh! Hindi bagay sayo" naka ngiwing saad ni Melissa.. Panira ng trip -,-
"Tss wag naman panira ng moment Mel pwede?" sarcastic na wika ko..
BINABASA MO ANG
Hell University (Hell Gangster)
Mystery / ThrillerHELL UNIVERSITY.. Maraming mamamatay sa paaralang ito.. Para sa malalakas, "Ang mahihina ay kailangang mamatay" at tanging silang malalakas lamang ang dapat mabuhay sa paaralang ito dahil sila lamang ang may kakayahang lumaban para sa kanilang buhay...
