Jeydie's Pov's*One Year Later*
Isang taon na simula ng masunog ang hospital kung saan naandon si Demonise KO.. Isang taon na din ang lumipas simula ng mawala sya sakin.. Masakit. Sobrang. Sakit.
Pero hanggang ngayon umaasa pa din ako na buhay pa si Demonise KO.. Bakit? Dahil walang nakitang bangkay nya pagkatapos ng sunog.. Nagbabakasakali ako na may nakapag ligtas sa kanya..
Nandito ako ngayon sa room namin.. Ang HU? Eto mas lumala pa dahil wala na si Demonise KO.. Hindi sa humina kami pero Rank2 na lamang kami..
Wala ng Demonise na kinakatakutan kaya halos lahat sila masayang kumikitil ng buhay..
Maraming nagbago sa HU.. Pero ang tita pa rin ni Demonise KO ang may hawak nito.. Alam na ng lahat na si Demonise KO ang may ari nito kaya masaya sila dahil wala na sya pero ako... galit na galit sa mga nag sasabi nun.. Hindi pa patay ang Demonise KO.. Nararamdaman ko yun..
"D-dre.. Tulala ka na naman.."
Napa balik ako sa realidad ng madinig ko ang boses ni Calyx.. Sa loob ng isang taon halos kaming tatlo na lang nila Venus at Calyx ang magkakasama.. Wala na ding Melissa at Vash na nagpakita simula ng sunog sa hospital..
"Ayos lang ako dre, may naalala lang.." naka ngiting wika ko kahit na ang totoo ay nasasaktan ako hanggang ngayon..
"Sure ka dre?? Tara labas muna tayo dito sa HU gusto mo??" pagtatanong sakin ni Calyx at agad ko namang sinang ayunan...
Laging ganito.. Sa oras ng naaalala ko si Demonise KO lagi kaming lumalabas sa HU.. Hindi ko alam kung bakit pa nga ba ako lumalabas dito ehh nandito lahat ng alala ni Demonise KO.. Nandito lahat kung paano ulit kami nag kita at nagka kilala....
"Woi dre tara na.. Tulala ka na naman hayst.."
Hindi ko na sinagot si Calyx at agad ng naglakad palabas ng room... Palabas ng HU...
"Ang bilis mong mag lakad Jeydie woii!! Ngayon ka lang ata nagmadali sa paglalakad ahh!!"
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sigaw ni Calyx..
Mabilis? Mabilis ba ang paglalakad ko ngayon??
Nilingon ko sila sa likod at tama nga sya.. Halos malapit na ako sa sikretong labasan dito sa HU samantalang silang dalawa ni Venus ay papasok pa lamang sa sikretong labasan...
Napa buntong hiniga ako.. Ano nga bang meron ngayon at parang atat na akong lumabas sa HU?? Pero kanina naka tulala lang ako at iniisip ko si Demonise ko..
"Bilisan nyo!!" sigaw ko sa kanila at nakita ko namang nagmadali sila sa paglalakad..
"Ang bilis mong mag lakad ngayon ahh.." pabirong saad ni Calyx..
"Hindi ko din alam.." saad ko at naglakad ng mabagal..
'Tandaan mo Edie.. Kapag may mga bagay kang hindi mo inaasahang magawa, merong dahilan yon'
'Dahilan?? Yun ba yung saktan ako Demonise Ko?? Huhuhu'
'Hindi Edie.. Para yun sa ikakasaya mo.. Kaya kung ano man ang mga hindi mo inaasahang ginagawa sigurado ako magiging masaya ka ^_^'
'Ehh pano kung hindi ako maging masaya??'
She smiled.. 'You will..'
Napahinto ako sa paglalakad ng maalala ko ang mga katagang sinabi sa akin ni Demonise KO.. Mga bagay na hindi ko nagagawa ang magpapasaya sakin?? Gaya ba nitong paglalakad ko ng mabilis na hindi ko masyadong nagagawa...
BINABASA MO ANG
Hell University (Hell Gangster)
Misterio / SuspensoHELL UNIVERSITY.. Maraming mamamatay sa paaralang ito.. Para sa malalakas, "Ang mahihina ay kailangang mamatay" at tanging silang malalakas lamang ang dapat mabuhay sa paaralang ito dahil sila lamang ang may kakayahang lumaban para sa kanilang buhay...