Chapter 24

981 32 9
                                    


A/N: Pag bibigyan ko si Calyx na magkaroon ng Pov's Hahaha.. Skl

____________

Calyx Pov's

Agad agad akong bumaba sa sasakyan ko ng makita ko si Venus na bumaba din sa sasakyan at agad na nakipag putukan..

'Ano bang nangyayari?' gulong gulo na tanong ko sa sarili ko..

*Bang! Bang! Bang! Bang!*

Mga putok ng baril lang ang maririnig dito sa HighWay.. At ang totoo nito ay natatakot ako.. Hindi sa mangyayari sakin kundi sa nangyari kila Kiana at Jeydie..

"Calyx!!"

Napabalik ako sa realidad ng may biglang sumigaw sa pangalan ko at agad kaming napadapa..

"Hindi ka ba tumitingin sa mga kalaban mo huh?! Mababaril ka na kanina!!" galit na wika ni Venus..

Napatingin ako sa lahat na nandito.. Mga kaklase ko na may iba't iba na ding tama sa katawan pero ubos na ang mga kalaban..

"S-sorry naguguluhan lang ako sa nangyayari.." lutang na wika ko..

Hindi nya na pinansin ang sinabi ko at agad syang tumayo at tumakbo papunta sa direksyon nila Jeydie..

Mabilis din akong tumayo at sinundan sya..

Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakikita ko.. B-bakit??

B-bakit hawak ni Naomi sa leeg si Jeydie??

"H-hey Naomi anong ginagawa mo?!!" kinakabahan na tanong ng isa sa kaklase ko..

Ngumisi naman si Naomi na parang isang baliw.. "Anong ginagawa ko??" baliw na tanong nya, "Papatayin ko silang dalawa...... Sunod kayo!!!"

Napa atras ako sa takot.. Never kong naranasan na makipag away, lumaban para sa sariling buhay at sa minamahal... Pero ngayon, dahil sa HU naranasan ko ito..

"Baliw ka na Naomi!!!" sabay na sigaw ng mga kaklase ko.. Nag iba ang expression nya.. Mas nagiging seryoso at nakakatakot..

"Baliw ako Oo, pero kayo! Mga uto-uto kayo! Alam nyo ba kung sino ang may ari ng HU?! Ang gustong gusto nyong makalaban para makuha ang university at mapalaya ang mga estudyante!! Alam nyo kung sino sya huh?!! Sya yun! Si Kiana Demonise Montefalco!!!" galit na wika nya at hinigpitan pa ang pagkakasakal kay Jeydie..

"Alam naming lahat yon.." seryosong sagot ni Jannin isa sa mga kaklase ko..

"Oo alam namin yon at alam din namin ang dahilan nya.." pagsang ayon ni Venus..

Humalakhak ng malakas si Naomi.. "Ha ha ha ha!! Alam nyo?! Alam nyo pero wala kayong ginawa?! Grabe kayo! Mga tang*!!"

Napayukom ako sa galit... Kahit bago ako dito alam ko na may mali sa section namin.. Alam ko na kahit malakas kami eh may pinoprotektahan sila.. At ngayon alam ko na kung sino.. Hindi ko hinusgahan si Kiana dahil wala akong masabi sa lakas ng loob nya.. May itinatago syang bait na tanging kaming mga kaklase nya lang ang nakakakita..

Umabante ako at seryosong tinignan si Naomi, "Hindi kami tang* Naomi.. May ginawa kami, alam mo kung ano?? Protektahan si Kiana dahil alam namin ang dahilan nya na hinding hindi mo maiintindihan dahil baliw ka!!!" sigaw ko at agad na itinutok sa kanya ang dala kong baril...

Naka poker lang si Naomi na tumingin sakin, "Ows? Pinoprotektahan nyo sya? Haha! Nagpapatawa ka Calyx! Kung pinoprotektahan nyo sya.. Bakit sya nakahandusay dun sa lupa at duguan??"

Nanlamig bigla ang mga kamay ko ng dumako ang mga mata ko sa punong may warak at sa lupa na umaagos ang mga dugo ni Kiana...

Hindi lang ako ang nagulat, natakot at nangamba kay Kiana.. Halos lahat kaming magkakaklase..

Hell University (Hell Gangster) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon