Jeydie's Pov's
(A/N: Eto po yung time na nakikipag bakbakan pa lang po si Kiana sa mga tauhan ni Caesar)
Nagising ako at ang sakit ng ulo ko.. Arrgghh! Next time hindi na talaga ako maglalasing..
Teka? Bigla nag flash sa isip ko ang nangyari kanina bago ako mawalan ng malay dahil sa kalasingan...
Sh*t! Si Demonise KO nasa panganib! Agad kong tinawagan si Calyx..
*calling Calyx...*
Naka ilang ring ang phone ko bago nya sinagot..
"Hello Jeydie?" wika ni Calyx ng sagutin nya..
"Hello Calyx! Makinig ka ng mabuto okay? Nasa panganib ngayon si Demonise KO.. Bilisan nyang pumunta dito sa Ghine Street!" sunod sunod na saad ko..
"O-oi! Teka Jeydie! Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?!" tarantang tanong nya..
"Oo Calyx! So dalian nyo! Hindi kaya ni Demonise KO ang lahat ng kalaban! Sabihan mo din si Melissa na nasa panganib ngayon ang pinsan nya!" galit na sigaw ko bago ko binaba ang tawag..
Nagmadali akong lumabas sa bodega at mabilis na tinakbo ang kwarto ni daddy..
Pagkarating ko sa kwarto nya ay mabilis kong hinanap ang baril na stock nya..
Hindi na ako magpapa gamit kay daddy! Hindi ko na hahayaan na mamatay na naman ang taong mahal ko.. Tinanggap ko ang pag patay nya sa mommy ko pero hinding hindi ko matatanggap na papatayin nya ang taong mahal ko higit pa sa buhay ko!!
Inaamin ko na may kasalanan ako kay Demonise KO pero kaya ko lang ginawa yon ay para mawala ang pag dududa sa akin ng demonyo kong daddy.. Ng tumawag si Daddy kay Demonise alam kong gagawa na sya ng plano para mapapatay si Demonise KO kaya naman agad akong pumunta dito at sinabing ako na ang magpapapunta sa kanya dito at ako ang papatay.. Agad naman syang pumayag ng sabihin ko din na hindi ko sya minahal kahit ang totoo ay mahal na mahal ko sya higit pa sa buhay ko..
Nang makita ko na ang mga baril ay nanguha ako ng dalawa sabay alis sa kwarto ni dad..
Mabilis akong pumunta sa pinaglalabanan nila Demonise KO at ng mga tauhan ni dad..
Nang maka rating ako ay napa ngisi ako sa saya dahil sa mga nakikita ko.. Ang lakas talaga ni Demonise KO.. Hinding hindi sya nagpapatalo..... Pero napawi ang ngisi ko ng matamaan sya braso nya.. Susugod na sana ako pero bigla kong naalala na hindi pa ngayon ang oras..
Pinalo ni Demonise KO sa ulo ang sumaksak sa braso nya na agad namang naka handusay..
Nagsabay sabay na sumugod ang tauhan ni Dad kay Demonise KO pero parang wala lang sa kanya iyon at mataas na tumalon hanggang malagpasan nya ang mga ulo ng kalaban nya at malakas na pinalo sa mga ito...
Naka handusay na ang sa tingin ko ay one fourth na tauhan ni Dad.. Napa atras naman ang iba sa ginawa ni Demonise KO sa kasamahan nila.. Mabilis namang pinulot ni Demonise KO ang mga kutsilyo sa mga naka handusay na tauhan ni Dad..
Sunod sunod ulit na sumugod kay Demonise KO ang mga tauhan ni Dad.. At gaya ng ginawa nya kanina ay tumalon sya ng mataas pero mas mataas ito kumpara kanina.. Nang makatalon na sya ng mas mataas ay kinuha nya ang mga kutsilyong nakuha nya kanina at mabilis na pina ulanan ito sa mga ulo ng kalaban nya..
Napa atras ang lahat ng tauhan nya at gulat na gulat sa ginawa ni Demonise KO..
"Hindi nyo talaga ako kilala ano?" naka ngising tanong ni Demonise KO sa kanila..
Kita sa mga mata nila ang takot at parang gusto na nilang sumuko pero lumakas ang loob nila ng mag salita si Dad..
"Matatakot kayo sa isang bata?! Bata lang yan!! At kung sino ang makapatay sa kanya triple ang sahod na makukuha nyo!!" sigaw ni Dad...
BINABASA MO ANG
Hell University (Hell Gangster)
Gizem / GerilimHELL UNIVERSITY.. Maraming mamamatay sa paaralang ito.. Para sa malalakas, "Ang mahihina ay kailangang mamatay" at tanging silang malalakas lamang ang dapat mabuhay sa paaralang ito dahil sila lamang ang may kakayahang lumaban para sa kanilang buhay...
