PANIMULA

1.3K 33 6
                                    

This story is unedited... Expect: Errors, Maling pagbabaybay at balarila.

     NAGSIMULA ANG LAHAT NOONG UNA KO S'YANG NAKILALA, grade 6. Isa siya sa babaeng nangongopya sa akin, isa siya sa babaeng pinakamaingay, isa siya sa babaeng palaaway, isa siya sa babaeng hinahangaan ko at isa siya o siya lang ang babaeng mamahalin ko.

Grade 7 ako noon nang naging close kami sa isa't-isa 'yung tipong parehas kayo ng bibilhing pagkain sa canteen at pagdating naman sa hapon parehas kami nang kulay ng damit. Minsan black, blue, green, red at pink. Wala sa vocabulary ko ang kulay na pink pero dahil sa kanya ginawa't nagsuot ako.

Grade 8 ako noon nang dumating sa puntong nakilala niya si Bloves ang lalaking pabibo at tinitilian ng mga bading. Eh kasi meron siyang six pact abs 'yon nga lang payat ako wala ako noon. Sige sabihin na nating nagseselos ako dahil naging close sila!

Gusto kong magwala, sumigaw, tumambling, magpasagasa, maguidance, manigarilyo, malasing, manood ng porn, magkasakit, bumagsak, sumuntok, manipa, kumurot, pumitik, magboxing, rumambol, sumaksak, pumatay at mamatay nang nalaman kong nililigawan na siya ni Bloves.

Teka't sandali! Tama ba ang nararamdaman ko bakit ako nagseselos? Bakit ako nasasaktan pagnakikita kong sila lang magkasama? Bakit ako naiinis pag ang topic 'yang Bloves na 'yan? Alam n'yo na! May feelings na ako para sa babaeng yun? Mahal ko na s'ya! 'Yon 'yung araw na narealize ko na.

Grade 9 noon nang hindi ko sya naging kaklase alam mo na matalino ako at nasa section 1 pa. Ang problema malabo ko na syang makatawanan at makakwentuhan lalo't may agwat o hati na ang mundo namin, Siya nandoon sa section 3 ako nasa section 1 oh diba? May agwat section 2. Magkakatabi kasi bawat classroom ng every grade at nakahilera to 'no.

Mas nagselos ako nang mapansin na 'yung ginagawa namin dati, tulad ng parehas ng sabay pagkain, parehas ng damit sa hapon ay si Bloves na ngayun ang dating ako sa buhay nya. Kita mo nataboy ako agad. Gusto ko uli magwala, sumigaw, tumambling, magpasagasa, maguidance, manigarilyo, malasing, manood ng porn, magkasakit, bumagsak, sumuntok, manipa, kumurot, pumitik, makiboxing, rumambol, sumaksak, pumatay at mamatay.

Grade 10 nang mas, sobra, pinaka, super-duper-mas-sobrang-pinaka gustong-gusto ko nang magwala, sumigaw, tumambling, magpasagasa, maguidance, manigarilyo, malasing, manood ng porn, magkasakit, bumagsak, sumuntok, manipa, kumurot, pumitik, makiboxing, romambol, sumaksak, pumatay at mamatay nang ang laki ng paghihinayang ko ng hindi ko sya uli naging kaklase, sayang na sayang ang tatlong subjects na ginawa kong panungkit para lang magging kaklase sya. Mathematics-75, Science-75, at English-75. Nasa section 6 ako ang laki ng binaba at siya nasa section 2. Nilalayo ba kami ng tadhana sa isat-isa? Di talaga sya ang taong tatawagin kung mine?

Hanggang umabot sa pinaka malupit na paalam sa isa't-isa ang tinatawag na graduation o ang completion. Ito ang pagtatapos mo bilang isang Junior High Students at dadako ka na sa ikatlong kabanata ng buhay mo ang maging Senior High Students.

Pagkatapos nang completion, kinapalan ko ang mukha ko para lapitan sya para sa isang malaseryeng picture. Gusto ko kasi na magkaroon kami ng first at baka last picture na naming dalawa. Kaso ng e-cliclick na ng photographer ang camera sumingit si Bloves.


Ito ang kwento ko. Ang kwento nang kabaliwan na may naiibang misteryo. Ang kwento kung paano ako nahulog sa kanya. Ang kwento ng katangahan ko. Ito ang kwento kung paano ko nahanap ang taong tatanggap sa half na lang na dalawang middle finger ko.

- - - - - - - - - - - - -

PATALIM NI CURTER

Written by: creepiestkreeper

Genres: Mystery|Thriller, Drama, Humor and Romance.

© All Right Reserved

Plagiarism is a crime

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon