KABANATA 24

108 7 0
                                    

KABANATA 24:
Ang totoo nan'!

CURTER PoV.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Stint dahil matapos nyang mgkwento bigla na lang syang umiyak nang umiyak.

Ang akala ko pa naman sa lahat sya ang may pinakamasayang kwento pero bakit ko ba naging akala yun e hindi nga naman, kung sa totoo lang hindi nga sya pala salita, pala tawa, pala ngiti pero swerte nga ako kasi nakita at narinig ko ang boses, tawa, ngiti at kung pano sya maging masaya.

Habang umiiyak sya natigilan ako nang bigla nyang kinuha ang tela ng suot kong damit na nasa bandang tyan ko at dito sya umiyak pa nang sobra, nakayuko sya habang umiiyak kaya naisipan kong pakalmahin sya.

“Tama na yan! Sige ka mawawala yang bituin sa langit kapag umiyak ka.” hindi ko alam pero mukhang pangbata naman ata yung moves o sinabi ko sa kanya kaya mas lalo parin syang naiyak.

“Hawakan mo na lang yang abs ko.” suhesyon ko sa kanya kaya bigla syang napatigil sa kakaiyak. Ayun' I got you!


Hinawakan nga nya. “Alam mo ang saya ko kasi alam mo, alam ko ang kwento mo at ang kwento ko.” nakangiting tugon ko at napabitaw sya sa akin.

“Ibig kong sabihin, Wala na tayong nililihim sa isat-isa.” maligayang pagtatama ko sa kanya pero napailing sya na para bang hindi sya sangayun sa sinabi ko.

“Oh, Bakit? Nawala ba abs ko?” nakakunot noong tanong ko sa kanya.

“Hindi' meron pa! May hindi pa ako alam tungkol sa'yo!” naging seryuso ang tono nang pananalita nya kaya nanigas ako.

“Ano naman?” kunot noong tanong ko uli habang pinagmamasdan sya.

“Hindi ko alam kung saan galing yung dugo sa kotsilyo mo, Yung dugo sa damit mo, at Yung dugo sa Jacket mo” seryusong batid nya.

“Yung mga bagay na may dugo at nilapag ni Tito Angelo sa lamesa noong matapos ang handaan sa birthday nating mga Deaths.” dagdag nya pa.

Napalunok ako dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo kay Stint, Baka maging gaya rin sya ni Cain na kainisan ako at baka hindi sila maniwala.

Ayukong magsinungaling kay Stint sya na mismo ang nagsabi na ayaw nya sa taong sinungaling kaya kapag nagsinungaling ako baka hindi na nya ako magustuhan para sa puso nya.

Masmabuti sigurong sabihin ko na ngayun ang lahat, Ang totoo noong araw na namatay si Tita Melanie.

Noong araw na umuwi ako na pawis na pawis, nanginginig, natatakot at may bahid nang dugo sa katawan, Noong araw na nakita ni Da' na may dugo ako sa noo.

“King, Ano' wala ka bang balak sabihin sa akin kung kaninong dugo ba ang mga yun?” muling nagtatakang tanong ni Stint sa akin.

Napangisi ako bago sumagot sa tanong nya. “Syempre, kailangan mo ring malaman.” sagot ko kaya naging seryuso ang mukha nya.

[FLASHBACK]

Napangisi ako at agad bumalik sa kwarto ito na siguro ang dakilang oras, pagkakataon, at pinakahihintay ko sa lahat. Dahan-dahan kong inabot ang kotsilyo ko sa taas nang cabinet ko at inikot-ikot ko ito habang pinagmamasdan ang makintab nitong patalim.

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon