KABANATA 14

142 8 3
                                    

•KABANATA 14:
Gusto kong Pumitik


Paggising ko nasa isang puting kwarto ako, puti lahat ang kulay ng karamihan sa paligid ko at nilibot ko ng tingin ang paligid may ilaw na kulay puti sa itataas ng bubida at sa palagay ko nasa ospital na nga ako.

Babangon na sana ako sa kama pero naramdaman kong may nakahawak ng mahigpit sa kamay kong nakabalot ng panyong itim o ang panyo ni Pryle.

Nilingon ko ang natutulog na si Stint sa tabi ko, nakahawak sya ng mahigpit sa kamay ko na para bang ayaw nya akong mawala at doon lumabas ang ngiti mula sa labi ko. Nakayuko si Stint sa kamang hinihigaan ko, tuluyan na akong umupo sa kama habang na kay Stint ang kanan kong kamay.

Nilibot ko ng tingin ang paligid at nakita ko si Pryle na natutulog ng nakaupo sa sofa na malaki at si Chan na nasa tabi ni Pryle na natutulog rin at nakahiga sa sofa.

Hinawakan ko ang tagiliran ko ng nakaramdam ako ng pagkakirot mula dito, tinaas ko ang suot kong jacket na kulay asul at nakita ko ang sugat kong nakabalot ng benda. Teka 'tong jacket na to suot to ni Stint kagabi ah. Siguro sinuot nya muna sa'kin.

Tinanggal ko ang kamay ni Stint na nakapatong sa kanan kong kamay at bumaba ako sa kama. Naglakad ako ng dahan-dahan papuntang bintana at nasa ika-apat na palapag kami ng ospital na 'to.

Mula sa labas nakita ko si Cain na may kasamang pulis at nagkausap sila. Isa lang ibig sabihin nito. Sa iisang lugar o ospital lang kami ng kinaroroonan.

“Uya'!” dinig kong sabi sa'kin ng kapatid kong si Chan kaya agad ko syang nilingon.

“Utom,” saad nya at hinawakan nya ang kanyang tyan. Napailing ako at napaisip.

Lumapit ako kay Chan, “Saglit lang.” kalmado kong sabi kay Chan.

“Curt. Gising ka na! Wag ka munang maglakad-lakad, naka dumugo uli yang sugat mo. Ako na lang muna bahala kay Chan,” tugon ni Stint na nakatayo sa tabi ko.

Tinignan ko sya ng seryuso at ngumiti ako, hindi ko alam pero may pumilit sa katawan ko na yakapin si Stint kaya niyakap ko sya ng mahigpit, siguro bilang isang pasasalamat sa lahat ng tulong at kabutihan nya sa pamilya ko, naging parte na sila ngayun ng pamilya ko.

Tumango na lang ako at umupo sa kama. Binuhat ni Stint si Chan at lumingon sya sa akin. “Dadalhin ko muna si Chan sa kwarto ni Tito Angelo, dito ka lang 'King ah,” tugon nya habang nakahawak na sa doorknob.

“Teka! Kamusta pala si Da'? Ok lang ba sya? O ano na?” naguguluhang tanong ko kaya Stint.

Ngumiti sya at tiningnan nya ako ng kakaibang tingin. Hindi ko ma-explain pero basta kakaibang tingin. “Ok lang sya, wala kang dapat ikatakot,” buntong hiningang sagot nya at tuluyan ng lumabas ng pinto.

Paglabas nya ng pinto, gumawa ng ingay ang pagsara ng pinto kaya nagising si Pryle. “Papatayin kita! G*go ka!” sigaw ni Pryle at napatalon pa sya sa kinauupuan nya.

“Good Moring'!” salubong ko sa kanya at tiningnan nya ako ng mabuti habang pinupusan nya ang labi at mata nya.

“Si Stint at Chan, nasan?” tanong na seryusong tono ng boses nya.

“Lumabas lang saglit eh!” kalmado kong batid.

“Ganun ba! Text ko muna si Kuya Pit na magdala ng mga makakain,” aniya at tumango na lang ako habang kinakalikot nya ang cellphone nya.

Teka! Oo nga pala! Yung cellphone ko nasaan? Oh no! Kinapa ko ang bulsa ko pero wala, maski walet o baryang laman ang bulsa ko. Kailangan ko ang cellphone ko hindi pwedeng wala 'yun sa'kin baka may makanood na iba. Hindi pwede.

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon