KABANATA 18

113 8 0
                                    

•KABANATA 18:
Gusto kong Pumatay

Nagising ako ng hindi ko malamang dahilan, Dahil ba nagsasalita ng tulog tong si Prince o dahil umaga na.

Naramdaman kong nakasuksok sa loob ng damit ko si Stint, nasa loob sya ng jacket na suot ko at ramdam ko ang paghinga nya mula sa dibdib ko pati na rin ang pagdikit ng balat namin sa isat-isa.

“Magandang umaga, Curter!” natigilan ako dahil may tao palang nasa loob ng kwarto si Pelegie.

“Kanina ka pa nandyan?” tanong ko habang nakahiga at nakahiga sa akin si Stint.

“Hindi kakarating ko lang naman. Pinapagising lang kayo sa akin ni Kuya Echo.” saad nya. “Ang cute nyo palang matulog ng prinsepe mo,” maarteng tugon ni Pele at niyakap nya ang sarili nya.

“At tsaka sabi ni Kuya bilisan nyo daw kasi may pupuntahan ata kayo!” banggit nya bago lumabas ng kwarto at yakap-yakap nya ang sarili nya.

“Stint. Stint, Gising na,” saad ko habang kinukulbit ko sya. Narinig kong napailing sya. “Hala! King! Nasaan ako?” buntong hiningang tanong nya habang nakahiga sya sa dibdib ko.

“Nasa loob ka ng Jacket ko!” natatawang sagot ko.

“Hala!” aniya habang umaalis sya sa loob. Pagkaalis nya tiningnan nya ako at pumikit sya ng dalawang beses hindi nakasuot sa mata nya ang salamin.

“Yung salamin ko nasan?” buntong hiningang tanong nya. “Nasa loob ata ng suot ko. Teka!” saad ko habang akma ko ng kukunin pero napatigil ako ng hawakan nya ang ano ko.

“Hala!” aniya ulit ng mahawakan nga nya ito. “Hindi sa loob nan, hotdog laman nan eh’ dito!” tugon ko at kinuha ko ang kamay nya at pinasok ko sa jacket na suot ko papuntang dibdib ko.

Nang makuha nya na narinig kung natawa sya ng mahina. Tinanggal ko ang zipper ng jacket ko habang sinusuot nya ang eyeglass nya.

Kagabi kasi tinanggal ko ang t-shirt ko sa loob ng jacket ko dahil na ngangati ako sa t-shirt na 'yun kaya nakajacket na lang ako ngayun.

“Hala! King' Sorry ah” buntong hiningang tugon nya.

“Sanay na akong katabi mong matulog. Nangyayakap ka talaga at nang hahawak ka pa nga ng kung ano-ano eh!” nakangiting tugon ko sa kanya habang nakaupo ako gaya nya.

“Hala! Hindi ko yun sinasadya!” seryusong tugon nya. Ngumiti ako sa kanya kasi mukha na syang nagagalit.

“Ok lang kahit sadyain mo, gusto ko naman! Ito naman' hindi mabiro!” banggit ko kaya natawa sya muli habang nakatingin sya sa abs ko.

Naiepektuhan ng pagngiti't pagtawa nya ang modo ko kaya nadadala ako, kahit sa paanong paraan napapangiti ko sya napapangiti nya ako.

Lumapit ako sa kanya at inamoy ko ang leeg nya. “Ooopppsss. Iba din! Huwawets ka!” tugon ko habang nagtataka sya kung bakit ko sya inamoy, inamoy ko rin ang kili-kili ko. “Ohh, ayun. Buong gabi ka nakasuksok sa akin kaya magkaamoy na tayo!” dagdag ko pa kaya mas natawa sya.

“Ok lang mabango ka naman e,” aniya. Hindi ko alam pero biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi nya at ngumiti ako ng sobra.

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon