KABANATA 29

152 7 0
                                    

KABANATA 29:
Ang bagbabalik ni Boss

Third Person PoV.

Napuno ng galit ang isipan ni Thalia dahil sa ginawa ni Stint sa kanya, Hindi na nya malubos maisip ang gagawin nya dahil sa sobrang galit.

Marahang nagtitinginan ang dalawa at parehas na masama ang tingin sa isat-isa habang si Curter na napakapa sa bulsa nya mukhang hinahanap nya ang kanyang palalim.

Napailing si Curter ng makita nya ang patalim na nakatusok ng sobra sa wala pa ring malay na si Kartner, Nakita rin ni Curter na gumagalaw pa si Echo at Gerrence sa oras na to.

Umagaw ng pansin nya ang shotgun na nasa tapat ng kinahigaan ni Gerrence kaya naisipan nya itong gapangin, Bago bumaba sa sofa tiningnan nya muna si Stint at gumapang na.

“Bagay yan sa kamay mo!” buntong hiningang galit na sabi ni Stint kay Thalia kaya napasigaw ang dalaga. “Mas bagay to sa'yo! G*go!” sigaw ng dalagang si Thalia kay Stint.

Agad pinulot ni Thalia ang baril na nahulog nya sa sahig para tapusin ang sinimulan ng kanyang ama. “Isa ka lang lamok sa akin, Isang hampasan ka lang.” saad ni Thalia at napangiti ng may halong galit kay Stint.

“Kung isang hampasan lang ako, Isang ihipan ka lang.” banat naman ni Stint at agad tinutok ni Thalia ang baril nya kay Stint.

Lumapit si Thalia kay Stint ng sobra kaya napatigil si Stint sa kanyang pagyayabang dahil dito. “Sorry, Pero ang babae talaga ay para sa lalaki.” pagtatama ni Thalia at kinalabit na nya ang baril nya at tumama ang isang bala sa balikat ni Stint.

Napasandal si Stint sa pader habang dinadaing nya ang sakit. “Oh, Sige na para na kayo sa isat-isa. Wala na rin lang akong laban dahil mahal nyo ang isat-isa. Patayin muna ako!” maluha-luhang pagsuko ni Stint kay Thalia.

Napatigil si Curter ng marinig nya ang mga iniwang salita ni Stint habang kausap si Thalia. “Stint, Hindi.” bulong ni Curter habang inabot ng kanan nyang kamay ang shotgun sa sahig.

Natigilan mas lalo si Curter ng may umapak sa shotgun na kukunin nya dapat, ang sapatos na pamilyar sa mga mata nya, Ang suot ng taong pumatay sa lahat. Agad tumingala si Curter at nakita nya ang duguang mukha ni Kartner.

“Patawad 'Kuya Curter. Papatayin nya ako kapag hindi ko sya pinakawalan sa tali.” pagpapaumanhin ni Pelegie kay Curter ng makita sya nito habang umiiyak sa soluk.

“Ang bagal!” sigaw ni Stint kay Thalia na para bang gustong-gusto na nyang mamatay, Tinutok ni Thalia ang baril sa gitnang noo ni Stint habang umiiyak ito.

“Say’ bye bye!” nakangiting saad ni Thalia sa harapan ni Stint at ang hintuturo nyang pakalabit na sa baril kasabay pa nun ang pagbitaw ni Stint sa hawak nyang palakul.

Dahan-dahan namang tinanggal ni  Kartner ang patalim na nakabaon sa bandang dibdib nya at matapos nun lumabas ang dugo nya na pumatak pa sa mukha ni Curter.

Nilingon ni Curter ang dalawang nagkakagulo doon pero huli na ng isang malakas na pagputok ng baril ang muling umalingaw-ngaw sa loob ng mansion kasabay pa nun ang pagbaon ng isang patalim sa dibdib ni Curter.

“Ang sabi ko linisin mo ang kalat ko!, Pero anong ginawa mo? Mas lalo mong kinalat” galit na bigkas ni Kartner matapos nyang ibaon sa dibdib ni Curter ang kotsilyo.

Hindi na alam ni Curter ang gagawin nya lalo't napakasakit na ng kanyang dibdib dahil ang sarili nyang kotsilyo ang nakasaksak ngayun sa kanya.

Nakahinga ng maluwag si Stint sa harap ng babaeng kiniinisan nya si Thalia, Dahil ang bala ng baril na dapat tatama sa noo nya ay tumama sa pader na may isang dangkal lang ang layo sa ulo nya.

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon