KABANATA 22

116 6 2
                                    

•KABANATA 22:
Hawakan mo lang


Nakatali sa leeg ni Echo ang manggas ng suot nyang damit na pinunit ni Stint para mapigilan ang pagdudugo nito.

Ngayun nakasakay na kaming tatlo sa kotse at ako ang nagmamaniho papunta sa bahay nila Echo dahil sabi nga nya na kaya syang gamutin ni Papa Michigan.

Si Stint na nakaupo sa tabi ko nahindi mapakali sa kanyang kinauupuan mukhang sya pa ang may sugat. Iwan ko ba kung galit pa rin sya sa babaeng manyakis o naawa sya kay Echo.

“Wag kang magalala malapit na tayo!” Batid ko habang binibilisan ko na ang pagmamaniho dahil nasa loob na kami ng kagubatan papasok sa mansion ng De Malapitan.

Pagkahinto nang kotse agad sumalubong si Pelegie sa aming tatlo agad ding bumaba si Echo para pumunta kay Papa Michigan. Takang-taka ang mukha ni Pele nang makita nya ang Kuya Echo nya.

“Anong nangyari kay Kuya Echo?” natatakot na nagtatakang tanong ni Pele kay Stint nang makababa na kami ng kotse.

“Mahabang kwento” maikling sagot sa kanya ni Stint na pumasok na sa loob ng mansion dala ang bonet ko sa ulo.

“Kasalanan mo to!” buntong hiningang saad ko kay Pele kaya naging seryuso ang mukha nya habang nakatingin sa akin.

“Kung hindi ka humarang sa daan gaya nang ginawa mo sa amin ni Prince, Hindi sana nandito si Echo, Hindi sana sya lumaking magnanakaw!” galit na batid ko at napakurap sa akin si Pele na mukhang nasaktan sa mga ibinitang kong salita sa kanya.

“Hindi ko yun' ginusto. Curter, Hindi ko ginustong gawin yun. Pinagpilitan sa akin ni Itay na gawin ko ang buwis buhay na pagnanakaw para lang sa ikakabuhay ng bunso kong kapatid, Alam mo ang masakit si Itay nakulong dahil alam nyang mali ginawa nya pa rin kasabay pa nun ang pagkamatay ng bunso kong kapatid” pagpapaliwanag nya tsaka sya tuluyang pumasok sa loob habang umiiyak.

Hindi ko naman alam na lahat pala tayo may pinagdadaanang sakit, tinik at patalim.

Matapos naming kumain nang tanghalian domeretso na ako agad sa kwarto at naiwan si Stint kausap nya si Pele sa ibaba, Ayun nagsusumbong kay Stint.

Naisipan kong pumunta sa kwarto ni Echo para kamustahin sya sa nangyari kanina dahil alam ko hindi nya ito ginusto, Magnanakaw laban sa magnanakaw lang kasi yung nangyari kanina eh. Hindi nga lang ako nakapaghanda na may mangyayari palang ganun kanina.

Pagpasok ko sa kwarto ni Echo nakita kong nakahiga sya habang nakabalot ng puting tela ang leeg nya. “Mukhang hindi ko na kayo masasamahan ni Prince, Pabalik sa Mom mo.” salubong nyang sabi sa akin habang hirap sya sa pagsalita.

“Aah, Ganun ba. Ok lang, Tutal naman alam ko na yung daan papunta doon eh.” sagot ko sa kanya ngumiti sya sa akin at tumango na lang.

“Basta ah, Balikan nyo ako dito at dalhin nyo ko kay Pryle, Baka mamaya iwan nyo na ako, King!.” natatawang saad nya na may paghawak pa sya sa leeg nya.

“Ney! Hindi ah. Kapatid ka ni Pryle kaya dapat makilala ka nya.” pagsangayun ko, Yun nga lang kung buhay pa sya pero mukhang malabo na eh.

“Ito ang patunay na babalikan ka namin.” napalingon kami kay Stint na may hawak na brown wallet nakumukuha sya ng kunting pera.

“Ohh, Ayan kumuha lang ako ng kunti sa pero ng kapatid mo, Wallet nya yan Master” nakangiting saad ni Stint nang ibigay nya kay Echo ang wallet ni Pryle.

“Tutal, Hindi na ako makakasama sa inyo sa pagbalik nyo sa Borgus Mental Hospital, Dalhin nyo to bilang protekta.” inaabot nya kay Stint ang baril na ginamit ni Stint kanina.

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon