KABANATA 4

289 12 0
                                    


•KABANATA 4:
Gusto kong Magpasagasa

Tahimik si Stint sa tabi ko habang pinaguusapan namin ni Thalia ang nakaraan. “May time pa nga na! Nahuli tayong nagkukupyahan di ba?” matawa-tawang saad ni Thalia. Ang totoo nan sya lang ang nangungupya at sya lang ang nahuli.

Ito naman ako nakikisakay sa trip ng may trip. Si Stint na wala ng ginawa kundi magheadphone at kumain alam ko hindi sya interesado pagdating kay Thalia.

Hindi ko man aminin sa The Weird, Nerd and Death Gruop na crush ko si Thalia alam ko ramdam ito ni Stint. Mga tingin nya palang kay Thalia, nihindi nga nya kayang kausapin si Thalia at si Bloves na parang may kakaiba kapag tinitignan nya si Stint kanina pa.

Basta bahala na! Hindi na ako magsasayang pa ng oras para pasukin ang walang kabuluhang buhay ni Bloves.

Napakaraming pagkain ang nakahain sa harapan namin. Lahat ng ito'y mga bagong pagkain at kakaiba pagdating sa akin. Dahil mga pangkaraniwang pagkain lang ang kadalasang inihahain ni Daddy sa bahay.

“Diba Curter, may time pa nga na nahulog ko yung palamig sa mga papel ni Sir Deiuaj, Hahahaha. Tapos hindi ko inamin na ako ang may gawa,” rinig kong daldal ni Thalia, kulang na lang ikwento nya ang buong buhay nya.

Ito si Pryle patuloy nakikipagtawanan kay Thalia na narealize ko lang na parang silang dalawa lang ang naguusap kasi si Bloves nakatitig kay Stint at si Stint nanonood ng nagluluto habang nakaheaphone.

Naa-out of place ako dito, para saan ba ang hapunan na to? Nakakawalang gana na! “Teka! Para saan pala ito?” naguguluhan kong tanong kay Thalia.

Nagtinginan silang dalawa ni Bloves, tinanggal naman ni Stint ang headphone nya ng makaramdam na may kakaibang katanungan ang nangyayari.

“Para to sa'yo! Curter!” lumunok si Thalia at tumingin ng maalwan sa akin. “Para mabalik ang dating tayo? Ang dating samahan natin. Namiss na kasi kita! Miss na miss na kita Curter,” malamig na bigkas ni Thalia.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil for the first time may taong nakakamiss sa akin.

Gusto nyang ibalik ang dating sinayang nya, paano na kung hindi na mababalik ang dati?


Ngumiti ako kay Thalia wala akong makisagot sa kanya. “Ang cute mo pala pagnakangiti ka! Lumalabas ang malalim mong dimples! ” pagpupuri ni Thalia sa akin tahimik lang ang tatlo at si Thalia lang ang nagsasalita.

Nakakahiya naman siguro kung hindi ako sasagot diba? Aba dapat magsalita ako. “Ahh, thank you!” nakangiti kong sambit kay Thalia. Dapat pala lagi akong nakangiti para mapansin at magustuhan nya ako.

“Kung para lang naman to kay Curt. Bakit mo pa kami sinama Thalia?” nagulat ako at si Thalia dahil sa sinabi ni Stint. Matapos ni Stint magsalita agad syang tumayo sa kinuupuan nya at naglakad na palabas ng restaurant.

“Teka' lang! Stint!!!” Pagpupumilit ni Thalia kay Stint ngunit huli na ang lahat dahil nakalabas na sya.

“Pagpasensyahan nyo na si Stint," paumanhin ko ng mahinahon kay Thalia at Bloves, naiintindihan ko si Stint alam ko ang pakiramdam ng nagseselos.

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon