KABANATA 23

115 7 2
                                    

KABANATA 23:
Headphone sa Leeg


Nagising ako nang isang pagvibrate ng cellphone ang bumulabog sa bandang tyan ko dahil nakapatong pala sa tyan ko ang cellphone ni Stint.

Patuloy itong nagvabrate “Stint.” bulong ko sa ulo ni Stint habang nakayakap sya sa akin at nasa loob nang damit ko ang kamay nya.

Agad syang bumangon at kinuha nya ang cellphone nya sa loob nang damit ko at tumingala sya sa langit. Umupo rin ako sa tabi nya habang hinahanap ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

2:00am na sakto ang paggising namin. “Ayun yung blue star.” nakatingalang saad ni Stint sa tabi ko kaya agad akong napatingala at hinanap ko ang tinitingnan nya.

Habang pinagmamasdan namin ang star na yun napaisip ako at napatanong kay Stint. “Naalala mo noong araw na uminom tayo nang beer?” tanong ko kay Stint, tiningnan nya ako nang seryuso.

“Oo, bakit?” sagot nya na may pag hinga pa ng malalim.

“Tapos, Paggising ko ang sakit nang leeg ko tapos yung labi ko namamaga, Ibig sabihin ba hinalikan kita?” seryusong tanong ko at napansin kung napalunok sya.

“Oo, sabi mo kasi ‘Kiss me back Stint.” nakayukong saad nya. “Tapos kinagat mo dila ko, Hindi ko naman sinasadyang kagatin yang labi mo eh.” dagdag nya pa kaya napabilog ang mata ko.

“Hindi man ikaw ang first love ko pero ikaw ang first kiss ko.” napahinto ako habang sinabi ko ang salitang lumabas na lang bigla sa labi ko.

Natigilan si Stint at kitang-kita ko ang pamumula nang kanyang pisngi, Ang cute nya sobra.

“Ako? Ikaw yung first bestfriend, first hug, first kiss, first holding hand, first love and last ko.” sagot nya kaya napalunok ako hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil halos lahat nang first nya ay ako.

Alam ko yun simulat una pa lang ako na lagi ang inuuna nya. Siguro ako na ang pinakaswerting tao ngayun kasi nakilala ko sya at naging parte sya sa bawat kabanata nang buhay ko.

Habang pinagmamasdan kong namumula ang mukha ni Stint may bumalik sa isip ko na tanong kung bakit nakabukas yung zipper nang pantalon ko matapos naming manood nang porn.

“Teka! Matapos nating maghalikan noon, natulog na tayo di ba?” nagtatakang tanong ko sa kanya at napailing sya dahil mukhang hindi pa kami natulog baka may ginawa pa kami nun.

“Hindi eh, Hindi pa tayo natulog pero si Pryle nahilik na nang oras na yun, Hala! Tapos ikaw nagpasama ka sa aking umihi.” sagot nya kaya muling nangbilog ang mata ko.

“Matapos kong magpasama ano nangyari?” hindi ko alam kung anong klaseng sagot ang hinihintay kong lumabas sa bibig nya pero mukhang iba ata iniisip ko.

“Paglabas natin nang kwarto hindi natin mahanap ang Cr nang bahay nila, Tapos ikaw sobrang naiihi ka na kaya naisipan kong kunin ang flower vase na nasa lamesa.” pagsasalaysay nya habang nakangiti sya sa akin.

“Sa flower vase ako umihi.?” nagtatakang tanong ko sa kanya at natawa sya tsaka sya tumango. No way!

“Teka lang hindi pa tapos yung pagkukwento ko 'Curter.” aniya matapos nyang tumawa nang saglit.

Nakatingin ako sa kanya dahil naiilang ako, Nakakunot noo ako habang hinihintay ang pagtuloy nya sa serye.

“Habang binubuksan mo yung zipper mo kasi balak mo sanang umihi sa gilid nang pader pero agad akong lumapit at hawak ko ang vase, Tinapat ko ang vase sa itits mo bago ka paman umihi at yun nga doon ka umihi.” nakangiti sya habang nagkukwento hindi ko alam pero nakakunot noo ako habang nakikinig sa kanya.

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon