KABANATA 6

188 9 0
                                    

•KABANATA 6:
Gusto kong Manigarilyo


Hindi ako makatulog dahil sa kakaisip at patuloy bumabalik sa utak ko ang nangyari kay Ma Melanie.

“Tulong. Tulong. Please! Parang awa mo na! Wag mo itong gawin nagdadalang tao ako ngayun!” pagmamakaawa ng babaeng basang-basa ng tubig ulan.

“Mas maganda siguro kung nagdadalang tao at kotsilyo ka!”

“Wag! Maawa ka!” muling pagmamakaawa ng babae.

Isang matalim at makintab na patalim ang bumaon sa tiyan ng buntis na babae. Ito ang dahilan para manghina at umagos ng dugo sa gabing 'yun.

“Tulong!” maikling saad ng babae pero isang patalim muli ang gumilit sa leeg nya at paulit-ulit pang bumaon sa ibat-ibang parte ng katawan nya ang patalim na makintab.

Walang awa syang pinaslang habang ang dugo'y humahalo sa tubig ulan.

Napabangon ako sa hindi matahimik na pag-iisip nakaupo ako sa kama pagkapa ko sa tabi ko wala dito si Stint kaya kinabahan ako at napuno ng negatibo ang aking isipan.

“Stint??? Stintley!!” pagtawag ko pero walang nagsasalita binuksan ko na ang moon lamp ko sa table na nasa tabi ng kama.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid at nabigo ako wala nga si Stint pero nakabukas ang bintana sa bandang gilid kaya agad na akong tumayo at pumunta dito.

Pagdungaw ko sa bintana lumabas ang masayang ngiti sa labi ko si Stint nakaupo sa bubong at nakayuko sa dalawang tuhod nya.

Napaisip ako ano kayang ginagawa ni Stint ng 2:00am na ng madaling araw dito sisikat na ang araw. Lumapit ako sa kanya at nilingon nya ako kaya napahinto ako mukhang narinig nya ang bawat yabag ko. Ngumiti ako sa kanya syempre para masaya.

Nakaheaphone sya at nakikinig ng kanta, binaba nya ang headphone nya at tumingin ng kakaiba sa akin.

“Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras? Halika na matulog na tayo!”

“Ang lamig kasi ng hangin at ang ganda pagmasdan ng langit, lalo na ang mga nagnining na stars,” mahinahon na sabi nya sa malamig nyang boses.

“Sige ba! Halika doon tayo sa masmataas at sasamahan kita!” pag-aya ko at tumango sya ng ituro ko ang hagdan para makapunta sa pinakabubong o rooftop.

Lumabas na rin ang magaang ngiti sa labi nya, siguro sa tagal na naming magkasama ngayun ko lang o this is my first time to see his beautiful smile na para bang hindi maalis sa aking isip ang itsura nya habang nakangiti.

Pinauna ko syang paakyatin sa hagdan at sumunod naman ako sa kanya nakaupo kami sa gitna ng rooftop at pinagmamasdaan ang thousands of stars sa langit.

“Ang ganda sa mata kapag pinag combined ang gold at black no?” tanong ko sa kanya at tumango na lang sya.

“Tignan mo my color blue doon oh!” saad ko ng mas lumapit pa ako sa kinaroroonan nya.

Nakangiti lang sya habang pinagmamasdan ang kulay asul na bituin. “Diba paborito mo ang color sky blue? Ako naman black! Ang ganda kaya kapag pinag-combine ang sky blue and black. Di ba?” tanong ko at tumango na naman sya uli.

Hindi ko alam kung ano ang mali sa mga sinasabi ko may hindi ba akong magandang nasabi para hindi nya sagutin ang bawat tanong ko aba Stint ahh, “Naku naman, magsalita ka naman hindi yung puro tango ka na lang dyan. Gilitan kita sa leeg eh!” tiningnan nya ako at pinagkunot noo.

“Syempre biro lang makakaya ko bang gawin 'yun sa'yo? Malamang hindi!” pabibo ko at ako na ang sumagot sa tanong ko! Pero sa tingin ko parang kaya kong gawin 'yun dati sa'yo pero ngayun hindi na kasi kaibigan na kita!

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon