KABANATA 5

217 11 0
                                    

•KABANATA 5:
Gusto kong Maguidance

Lahat kami kitang-kita ang ginawa ng lalaking nakamaskara kay Van. Napabuntong hininga ako bago hinigpitan pabalik ang hawak sa kamay ni Stint.

“aaa... Aaa.... Dali sa bintana. Deaths!” hindi malamang reaksyon ni Pryle.

Sinimulan ng umakyat ni Trayz sa bintana papuntang bubong ng unang palapag kahit na hirap. Napalunok ako ng naglakad palapit samin ang pumatay kay Van.

“Sige na Stint umakyat ka na!” suhesyon ko sa nakahawak nang mahigpit na si Stint sa aking kamay. Lumunok rin si Stint bago umakyat sa bintana, binitawan na nya ang kamay ko ng nakaakyat na sya.

Aaminin ko sya ang kauna-unahang nakaholding hands ko at hindi ko 'yun ikinahihiya.

Naglakad na palapit sa amin ang lalaking may maskara pero bago paman sya makalapit hinagis ni Pryle ang hawak nyang patalim sa lalaking nakamaskara ngunit hindi ito tumama, ngayun ako naman ang nabigyan ng tyansa para saktan ang taong nagtatago sa bungong maskara.

“Pryle umakyat ka na at bantayan mo si Stint,” suhesyon ko hindi na sumagot pa si Pryle dahil kunting hakbang nalang maaabot na kami ng malaking gunting na hawak ng taong nakamaskara kaya agad syang umakyat sa bintana.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kotsilyong kinuha ko mula sa kotse ni Pryle gaya nga ng ginawa ni Pryle sinubukan ko ring ihagis ito sa taong nakamaskara at ng naihagis ko ito nang laki ang aking mata ng nakitang tumusok ito sa balikat nya.

Ayun! One point.! Napangiti ako at tuluyan naring napaakyat ng bintana at nang lumingon ako nakita kong nakabuka na ang gunting at mukhang gugupit sa kaliwa kong paa pero huli na ang lalaking nakamaskara dahil nong sinara niya ang gunting naalis ko na ang paa ko. Kaso nadaplisan at napulit ang pantalon at ang kunting balat ko sa paa.


Pagkaapak ko sa bubong agad kong sinara ang bintana at nagulat ako ng nabasag ang bintana dahil ang patalim nang gunting ay tumusok dito kunting dangkal na lang at aabot ito sa mata ko kaya napaatras ako.

Paglingon ko sa likod ko isang hakbang na lang mahuhulog na pala ako kaya bago paman makasunod ang taong nakamaskara sinikap ko ng tumakbo sa kinaroroonan ng tatlo.

Nasa dulo sila ng bubong, nilingon ko muli ang bintana at nakita ko ang lalaking nakamaskara ng bungo ay paakyat na rin. “Ohhh!! No!!!” dinig kong buntong hiningang saad ni Pryle at napalingon ako sa mga katrupa at napasigaw “Bilis Baba!!! Talon na!”.

Nagmadaling tumalon si Trayz, habang ako ay tumatakbo dahil sa aking palagay nasa likod ko na ang gustong kumitil ng buhay namin.

Tumalon na rin si Pryle at si Stint na lang ang naiiwan, dinig ko ang tibok ng puso ko habang tinitignan o hinihintay ako ni Stint na makaabot sa kanya. Pagdating ko kay Stint agad kong hinawakan ang kamay nya ng mahigpit at sabay kaming tumalon  pababa.

Pagbaba namin sabay kaming napalingon sa taas at nakita namin na andu'n na ang killer.

Nagmadali kaming tumakbo ni Stint sa kotseng naghihintay samin ang kotse ni Pryle nasa loob na din ng kotse si Trayz na mukhang may balak pang makisama sa The Weird, Nerd and Death trupa ah.

Hindi ko mabuksan ang pinto ng kotse at kakatalon lang ng killer kaya nanginig ang kalamnan ko. “Bakit ayaw?” sigaw ko dahil tumatakbo na ang taong nakamaskara palapit..

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon