ANG PAGTATAPOS

246 7 0
                                    


ANG PAGTATAPOS NA’ MGA DEATHS AND GOOD LUCK'!

Soundtrack: All Time Low by: Jon Bellion

CURTER PoV.

Dahan-dahan kong kinumulat ang aking mata pero muli kong nakita ang mga puting bagay sa paligid ko parang minsan nakita ko na ang lugar na ganito dati.

Pagmulat ng aking mata agad may naglagay ng eyeglass ko sa aking mata. Sumalubong sa akin ang nakangiting si Cain habang kasama nya si Pryle. Teka nga'! Patay na ba ako? Bakit sila ang sumalubong sa akin?

Paano na si Stint? Paano na sya kung mawawala pa ako? Hindi pwede mahal na mahal ako ng taong yun eh'! Napakunot noo ako habang pinagmamasdan silang dalawa.

“Kuya' Mabuti naman at gising ka na!” tugon ni Cain sa akin at napailing ako.

“Si Stint?” seryusong tanong ko sa dalawa at agad silang nagtinginan.

Tinuro ni Pryle ang tabi ko o sa tabi ng kama may natutulog pala si Stint. “Teka nga patay na ba tayo?” kunot noong tanong ko at nagngitian silang dalawa na natawa pa ng mahina si Pryle.

“Ano ka ba Kuya' Curt'! Hindi pa tayo patay! Alam mo ba na napagkamalan ni Tito Kartner na ako yung kaklase kong nakituloy sa bahay at yung kaklase kong yun ay ang napatay nya. Kawawa nga ang sinapit eh.” natigilan ako sa pagsasalaysay ng kapatid ko, Totoo nga buhay kami dahil naamoy ko ang amoy imbornal na bunganga ni Cain.

“Ako? Matapos kong magkungwaring patay noong araw na umalis kayo! Domeretso na ako sa Hospital para agad magamot. Astig no?” sigang saad ni Pryle sa akin at agad nyang tinapat sa tyan ko ang kamay nyang nakakamao at agad ko naman itong sinuntok.

“Stint, Wag kang magalala' Ok na ako.” sweet na sabi ko habang hinawakan ko ang ulo nya.

“Ano ka ba' King'! Wag mo muna yang gisingin masakit ang ulo nya dahil nagdonate sya ng dugo para sa'yo.” napangiti ako dahil sa sinabi ni Pryle sa akin.

Hindi ko na naman alam kung anong klaseng pasasalamat ang ibibigay ko sa kanya ng dahil sa ginawa nya, Sa totoo lang mas lalo ko na syang nagugustuhan dahil sa mga efforts nya.

“Boss' Asan sina Pelegie, Master Echo, Bloves, Gerrence at Trayzzer?” tanong ko at sabay silang nagtinginan.

“Eh, Alam mo naman na si Stint gusto solo ka lang, Pinunasan ka nga nya ng basang dimpo kanina, Gusto nya kasi na kayong dalawa lang kaya nagpalipat sya ng kwarto. Tsaka wala kang dapat ikatakot Ok sila nandyan sila sa tabing kwarto magkakasama.” sagot ni Pryle na may pagkunot noo pa.

“Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa'yo, sa inyo, kasi hinanap nyo ang kapatid ko.” nakangiting sabi ni Pryle.

“Alam mo na?” kunot noong tanong ko. “Oo, Sinabi sa akin ni Stint at pinaDNA test ko agad, Ayun positive. Si Kuya Klecho nga.” Hindi ko alam na sa lahat ng tulong at panglilibre sa amin ni Pryle ay ganito kami nakabawi sa kanya ni Stint.

“Wala yun basta para kay 'Boss.” matigas na saad ko sa kanya.

“Kamusta na ang pamilyang Killer?” tanong ko uli kay Pryle, Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari sa magamang yun.

“Si Thalia patay na.” seryusong tugon nya kaya napangisi ako. “Si Tito Kartner ayun 50-50 na bantay na bantay sya ng limang pulis sa kwarto sa ibaba. Tapos yung video na binigay ni Stint sa mga pulis, Sinabi nilang nagkamali sila.” kalmadong saad ni Pryle.

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon