KABANATA 26

104 7 3
                                    

•KABANATA 26:
Ang ulo sa hagdan

Pagmulat nang aking mata sumalubong sa akin ang dalawang taong nagbabangayan kaya napakunot noo ako kagad habang nakahiga sa sofa.

“Ano ba hindi na bumabangon si Curter dahil sa ginawa mo, Alam mo hindi ka na nakakatuwa, Gerrence ah!” rinig kong galit na tugon ni Stint kay Gerrence na kaharap lang nya.

Tiningnan lang sya ni Gerrence nang masama dahil sa sinabi nya. “Bakit mo ba yun ginawa?” galit na galit na tanong ni Stint kay Gerrence.

“Nagawa ko lang yun kasi sabi nila ang gowa mo ang kumuha kay Thalia, Alam mo bang kasabay nang pagkawala nyo ay nawala na lang nang parang bula si Bhabe! Madaming nagsasabi na kasama nyo sya! Asan si Thalia?” seryusong pagbibintang ni Gerrence at sinisigawan nya pa talaga si Stint ah. Ako nga hindi ko sinisigawan nang ganyan yan! Wala syang karapatan.

“Kahit haloghugin mo ang buong bahay wala kang Thalia na makikita, Wala kaming pakialam sa girlfriend mo!” sambit naman ni Stint pabalik kay Gerrence.

“Ano ba kayong dalawa hindi ba kayo titigil ‘nakakahiya oh, Rence, Stint, Tama na yan' Kanina pa kayo nagsisigawan ah.” rinig kong pagsawata ni Bloves mula sa bandang likuran ko.

“Ilabas nyo si Thalia, Kung ayaw mo papatulugin rin kita gaya nang ginawa ko sa gowa mo!” rinig kong pagtakot ni Gerrence kay Stint kaya agad akong napabangon nang makita kong napaatras si Stint sa harap nya.

“Sige! Subukan mo, Mababasag ang bungo mo nang isang kalabitan lang!” buntong hiningang sabi ko habang nakatutok ang baril na hawak ko sa ulo ni Gerrence.

Nilibot ko nang tingin ang lahat, Si Pryle na kausap si Pelegie pero napahinto sila, Si Bloves na nakaupo sa silya, at si Trayzzer na mahimbing natutulog. Nakatingin silang lahat sa akin maliban nalang sa tulog.

“Curter, Huwag!” sabi ni Stint at naglakad sya palapit sa kinaroroonan ko.

“Nagbibiro lang ako, Hindi ko yun gagawin sa kanya” kinakabahang natatakot na sagot ni Gerrence sa akin.

Wala akong naririnig na humihinga o gumagawa nang ingay lahat seryusong nakatingin sa akin, Nang makalapit na si Stint dahan-dahan nyang binaba ang kamay ko na may hawak na baril.

Napahinga nang maluwag si Gerrence dahil sa ginawa ni Stint. “Pasalamat ka kundi tapos ka”

“Salamat. Sorry akala ko kasama nyo si Thalia, Umaasa akong makikita ko pa sya” malungkot nyang tugon at umupo sya sa sahig.

“Sinaktan ka ba nya?” kunot noong tanong ko kay Stint habang binubulsa ko ang baril.

“Hindi.” maikling sagot nya. “Umupo ka muna” dagdag nya pa.

“Wag kang magalala, Ok lang ako.” seryusong bulong ko kay Stint.

“Ah, kukunin ko lang ang pagkain” tugon ni Pelegie at tumayo sya sa kinauupuan nya.

“Klecho, Thank You pala sa Papa nyo at ginamot nya si Trayzzer.” pasasalamat ni Bloves kay Master.

“Walang ano man basta para sa kaibigan ni Pryle.” sagot nya at napatayo si Echo sa kinauupuan nya.

“Ilalock ko lang yung pintong malaki sa harap kasi pa dilim na.” pagpapaalam ni Echo sa grupo at umalis sya sa harapan namin na may hawak na kumpol nang susi.

“Stint, Asan nga pala si Pryle? Hindi nyo ba sya kasama?” nagtatakang tanong ni Bloves kay Stint na nakaupo sa tabi ko.

“Hindi. Hindi rin namin alam kung nasaan na sya.” ako na lang ang sumagot sa tanong ni Bloves kay Stint.

Patalim ni Curter (#wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon