Chapter 9- Kaymito

11K 319 17
                                    

Zoey's POV

Bakit kaya biglang naging ilag sa akin si Rome? Dati naman nakakapagkwentuhan kami.

"Zoey..." Tawag ni Jack sa akin ng makasalubong ko siya sa hallway pero hindi ko siya napansin.
"Ay Jack. Sorry. Ang lalim ng iniisip ko."
"Yung iniisip mo, nasa football field. Kalaroni Carlos." She winked at me and then left.

Diyos ko, ganun na ba ako kahalata kay Rome kaya umiiwas siya sa akin?!

Pagdating ko sa soccer field, wala namang tao. Nakakapagod pumanaog kaya naupo muna ako sa isang bench. Meron akong nadidinig na hagikgik ng isang babae. Hindi ko alam kung multo ba siya dahil wala naman tao sa paligid. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng huni. Hanggang sa mapunta ako sa tabi ng isang matandang puno. Nakasandal doon ang isang Grade 10 na babae habang hinahalikan ni Rome sa leeg.

Hindi ako nakakilos... Parang nagyelo ang paa ko sa kinatatayuan ko.

"Rome... ahhh..." sabi pa ng babae.
Ang nakapagtataka, hindi tumulo ang luha ko kahit nagsusumigaw na ako sa loob. Kahit sobrang sakit na ng nakikita ko, hindi pa rin ako makatinag.

Naramdaman marahil ni Rome ang bigat ng titig ko kaya tumingin ito sa gawi ko. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung paano babasahin ang mga emotion na nakita ko sa mga mata niya. At ayaw ko rin naman makita niya ang sakit na nasa aking mga mata.

Yumuko ako at iniwan silang dalawa sa likod ng puno malapit sa soccer field.

------------------------

"Kailan kayo uuwi sa Country Club?" tanongni Rome kay Gab.
Nasa kubol kami, kasama namin si London, Brook at Cailee. Napilit ako ni Rome na sumama sa kanya sa Vicente sa tulong ni Brook. Mas okay nga naman kung nasa Vicente ako dahil merong clinic dito na halos complete ng gamit. At nandito si Tito Tristan. Pwede nya akong mamonitor.

"Gusto mo na kaming umuwi?" Gab asked him back.
"Hindi ka makamove-on sa sipa na inabot mo kay Ate Cailee?" Brook taunted him.
"Buti nga iyon lang inabot mo sa akin." Nakaismid na sagot ni Cailee.
Nangingiti ako sa mga usapan nila.
"You really let us ride a horse back to Soledad." Cailee pointed out.
Nang-aasar na tumawa si Rome. Gone is the stiff, grumpy guy these past few days... He is nor carefree again. Always ahas a smirked on his face.
"Hindi lahat makukuha mo kapag gusto mo. Kapag nandito ka sa Vicente, susunod ka sa amo." Tinuro ni Rome ang sarili niya. Cailee rolled her eyes.
"Hindi sayo lahat ang buong hacienda. Kalahati lang ang sayo." Cailee replied.
"Nasa lupa pa rin kita." Rome answered mockingly.

"Palapit sa atin ang diary ng hacienda." Brook said to us. Natingin kami sa palapit na si Mang Tonyo na may dalang basket.
"Mga kids, buti at nandito kayo. Gusto nyo ba ng prutas?" Tanong ni Mang Tonyo. Nilapag niya ang dala niyang basket na puno ng iba't-ibanag prutas. Kinuha ko ang kaymito saka ko binuksan. Nakatingin sa akin si Rome.
"Gusto mo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya saka umiling.

"Maam Suwe, paborito mo ba yang kaymito?" Tanong ni Mang Tonyo sa akin.
"Zoey... Mang Tonyo. Zoey..." Pagtatama ni Brook kay Mang Tonyo.
Nakamot ng ulo si Mang Tonyo habang nagpipigil kami ng tawa. Naging biruan na namin na itama si Mang Tonyo sa pagbigkas ng mga pangalan namin.
"Su-we..." Pag-uulit ni Mang Tonyo.
Napahagikgik kami ni Brook. Naiiling si Gab sa amin.
"Mang Tonyo, si Cailee po saka si Gab." Pagpapakilala ko sa mga kaibigan ko.
"Kilala ko ang mga yan. Ang tatangkad nyo na. Bilis nyo namang lumake." Nakangiting bati ni Mang Tonyo sa kanila.
"At ikaw, alam kong nagtatagalog ka. Hindi mo ako maloloko sa asul mong mata." Biro nito kay Gab.
Nangiti si Gabriel sa kanya.
"Kamusta na Mang Tons?" Bati ni Gab. Mukhang kilala nga nila si Mang Tonyo. Ang diary ng buong hacienda kung tawagin namin siya. Lahat kasi alam, daig pa ang TV sa bilis magbalita ng chismis.
"Eto poge pa den." Nakangiting sagot ni Mang Tonyo.
Isa-isa silang kumuha ng prutas na nasa basket saka kumain.
"Hinde na ako dinalaw ng mga kumpare ko ah. Nakalimutan na ba ako?" May pagtatampong tanong ni Mang Tonyo.
"Busy lang sila. Ikaw kasi ang dumalaw sa kanila." Gabriel replied.
"At iwan ang walo kong anak kay Ana?" Balik na tanong ni Mang Tonyo.
Nanlaki ang mata ni Cailee. "Walo ang anak mo?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Naubos ko na ang kaymito na kinakain ko. Tiningnan ko kung meron pa sa basket pero mukhang merong kumuha ng iba. Tumabi sa akin si Rome saka inabot ang kaymitong hawak.

"Napapaglihiin mo ba?" bulong nito sa akin.
"Oo yata." I replied shyly. He chuckled.
"Sige magpapakuha pa ako." He answered. Natingin ako sa kanya saka ngumiti.
"Salamat." I replied.

Tumatawang sumagot si Mang Tonyo. "Oo ah. Walo sila."
"Gosh...Walo..." I replied on my mind...And so I thought. Rome heard what I said. Nasabi ko pala ng pabulong.
"And here I was, afraid of having one. Yet God gave me two." He commented softly.
Napayuko ako sa sinabi nya. Nahihiya pa rin ako na malaman ng iba na buntis ako. I don't know... Parang malalaman nilang nagsex kami... Ang weird kasi.

And Rome just admitted that he was afraid... I am afraid too... Having a child is not easy... Having twin is scary.

"Idol kita Mang Tonyo. Ang lakas ng tuhod mo." London joked at him.
"Sus... Maliit na bagay." Pagyayabang ni Mang Tonyo. Mukhang ang dami pang gustong itanong ni Cailee kay Mang Tonyo pero nagpipigil lang.
"Walo." Cailee mouthed at me.
Naiiling akong natawa. She looked scared...

"Dapat ay magsimula kayong mag-anak ng maaga. Sayang ang lahi nyo..." Sabi ni Mang Tonyo.
Nasamid ako sa sinabi niya. Naluluha akong umubo... Kulang na lang lumabas sa ilong ko ang kaymito.
Inabutan ako ng tubig ni Cailee. Rome is making circles at my back.
Natatawa si Brook, London at Gab... Well pati si Cailee at Rome.

Hindi siya nakakatawa... kapag nalaman ni Mang Tonyo na buntis ako, bukas na bukas din alam na ng mga tauhan ang nangyari. At napakalaking chismis noon.

"Maam Suwe, okay ka lang ba?" Manghang tanong ni Mang Tonyo.
Tumango ako habang nagpupunas ng bibig.

"Dapat sa inyo ay lumalabas ng hacienda ng magka-love life kayo. Maam Suwe, meron akong ipapakilala sayo. Yung anak ni Mayor." Kwelang kwela talaga si Mang Tonyo. Umiiling-iling ako sa kanya.
"Mang Tonyo gusto mong mawalan ng trabaho?" Sarcastic na tanong ni Rome.
Naglipat lipat ang tingin ni Mang Tonyo sa amin ni Rome. He still making circles at my back.
"Ay Señorito Rom, hindi ko alam na magkasintahan kayo ni Maam Suwe." Nakangiting sagot ni Mang Tonyo. "Kaya ka ba naglalaseng sa may manggahan noong isang araw ay dahil nagkaaway kayo?"

Napatakip na lang ang mga kamay ko sa mukha kong magtawanan sila... Nangunguna si London sa malakas tumawa.

—————————
A/N
Ang pagbabalik ni Mang Tonyo the chismoso... hahahaha

Zoey: the Road leads to Rome (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon