Chapter 31- Super Girl

12K 317 26
                                    

Zoey's POV

Nakatulog ako paglabas nila Tito Tristan sa kwarto. But before siyang lumabas, he assures me na ligtas ang kambal ko. Ligtas sila.

Nagising ako sa boses ni Rome na parang nagkukwento.

"You're awake." Parang nakahinga siya ng maluwag pagkakita niyang dumilat ako.
"Yung mga bata?" Ang tanong ko sa kanya. He kissed my forehead at inusog niya ang bangko na inuupan niya. Kinuha niya ang cellphone at pinakita sa akin ang picture ng kambal na nasa nursery.
"They are beautiful." I said.
"I prefer handsome...hon." He replied smiling while filching the photos. He called me, hon.
Nagplay si Rome ng video... My twins are crying at natataranta ang nurse kung sino ang uunahing bigyan ng gatas.
"They are loud..." Rome is chuckling habang pinapanood namin ang video. A tear fell from my eyes.
"They are worth it." Wala sa sarili kong sagot.
"Yes they are..." He kissed me again on my forehead. And he dried my tears when he saw it on my cheek.

"Someone wants to meet you."
"Sino?"
"Pinsan ni Allie. Teka tawagan mo muna." Tumayo si Rome at lumayo ng kaunti sa kama.

"Beth, gising na siya." Yun lang ang sinabi ni Rome at pinatay niya agad ang tawag. Bumalik siya sa upuan sa tabi ko.
"Madami tayong dapat pag-usapan, Zoey. Pero kailangan mo munang magpalakas. Hindi ko kayang maghabol ng dalawang makulit na bata."
I smiled at the thought. Naiimagine ko sila, dalawang makulit na Ramirez.

Isa-isang nagsulputan ang mga kaibigan namin sa viewing window. Kumakaway sila sa labas. I tried to raise my hand and wave at them. Pumasok ang isang babae na medyo mapula ang kutis, nasa pagitan ang maputi at kayumanggi. Maamo ang mukha niya, wavy ang buhok at may kahabaan. Itim ang mata nya kagaya ng kay Allison.

"Siya si Beth." Pagpapakilala ni Rome sa kanya.
"Hi... Kamusta ka Zoey?" Nakangiting tanong nito.
"Okay naman." Sagot ko sa kanya. Nanghihina pa pero okay naman.
"Ilalapag ko lang ang kamay ko sa puson mo ha. Meron kang mararamdaman na mainit. Okay lang ba?" Tanong ni Beth. Tumango ako.

She places her hand at my abdomen and I feel instantly the heat she is referring.

"Masakit ba?" Tanong ni Beth.
Umiling ako. "Mainit lang." Sagot ko.

The heat spreads to my whole body. After few minutes, tinanggal ni Beth ang kamay niya saka ngumiti sa akin.

"You will be fine now. Huwag mong sasabihin sa doctor ang ginawa ko." She winked at me.
Hindi ko din naman alam ang ginawa niya. But I felt lighter.
"And you will have a daughter in the future, so..." She shrugged her shoulder.
Nanalaki ang mata namin ni Rome.
"No... Okay na kami. Thank you very much." Tanggi ni Rome.
"She still can conceive..." Beth insist. "I made sure her right ovary will not be affected."
"Hindi...okay na kami." Tanggi ni Rome.
Beth chuckled. "See you around Zoey." Lumabas si Beth ng room habang sinusundan ng tingin ni Rome.
"Thank you Beth." pahabol ni Rome. "No more after this." Bulong niya. Natawa ako ng bahagya.

Isa-isang pumasok sa kwarto ang mga kaibigan ko. They looked relieve that I am awake. Huling pumasok si Kuya. I sense Rome moved a bit.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi ang kalagayan mo?" May hinanakit na tanong niya.
"Bakit namamaga ang labi mo?" Balik na tanong ni Zoey.
Tinuro ni Trevor si Rome.
"I deserve it Zoey." He kissed my forehead.
"Magpahinga ka. Pupuntahan ko lang ang mga pamangkin ko." He murmured.

"Isa pa sa pag-uusapan natin yang kapatid mo na yan." Tinaasan ako ng kilay ni Rome ng tumingin ako sa kanya. He knew.
"Kaya magpalakas ka. Pahinga ka muna. I will be here pagkagising mo." My eyes started to close when I hear him whisper.
"I love you, Zoey." And he kissed my cheek.

The sleep took over and I dreamed of Rome riding with Dark Arrow with my two boys.

Zoey: the Road leads to Rome (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon