Chapter 6- Taming the Beast

10.8K 302 20
                                    

Rome's POV

"Buti naman at pinayagan kang sumama kay Cailee ng parents mo." I told Zoey ng pababa na kami ng eroplano sa Country Club. Sembreak namin at napagbotohan namin na huwag ng siputin ang intrams.
"Wala din naman ako gagawin sa La Union. Saka gusto kong makita kung maamo na ang kabayo ng daddy mo." She replied. Nililipad ng hangin ang hanggang balikat nitong buhok.
"Hindi na aamo yun." I answered. She shrugged her shoulder and went to the van that's waiting for us,

Kasama ko si daddy, si mommy at Brook sa kwadra ng maabutan kami ni Zoey. Ang kabayo ni daddy na Arabian Horse ay nagwawala. Akala naman namin ay maamo na ito. Muntik ng malaglag si daddy dito kaya pinapa-patay na nya.

" Hello." Zoey said. Nahinto ang nagwawalang kabayo.
"Zoey, huwag kang lumapit." Pagpipigil ko.
"Umamo na dati kay Zoey yan. Let her." Mommy said.
Nakangiting lumapit si Zoey kay Dark Arrow.
"How are you?" Tanong ni Zoey sa kabayo. Hinimas niya ang buhok nito. Himalang nagpahawak ang kabayo. Walang kumikibo sa amin. Wala nga yatang humihinga.
"What do you want to do? Do you want to run?" Parang tao kung kausapin ni Zoey ang kabayo.
Lumapit pa lalo si Dark Arrow kay Zoey. Tumingala si Zoey saka ngumiti. And that blasted horse put his head on Zoey's shoulder as if he is hugging her.
"Okay..okay...We will run. But I need you to steady so I can put saddle on you." Zoey said. Tumingin si Zoey sa isang sota saka humingi ng saddle.
"Don't move, okay?" Tanong ni Zoey kay Dark Arrow. As if naintindihan siya ng kabayo, lumuhod ito saka umupo. Nakangiting inilagay ni Zoey ang saddle. Tumayo si Dark Arrow saka tumingin sa kanya.
"Sure.. Let me get a helmet and we will run." Inabot ko kay Zoey ang helmet ko. Nakangiti niyang sinuot ito saka inakay palabas ang itim na kabayo. Sumunod kami ng hindi nagsasalita.
Niyakap pa ulit ni Zoey si Dark Arrow bago ito lumuhod sa harap ni Zoey. Umakyat si Zoey sa likod nito saka sila tumakbo.

She tamed the beast!!!
—————————————

"Señorito, hinde ka pa ba uuwe sa inyo?" Tanong ni Mang Tonyo sa akin. Ilang araw na akong natutulog sa kubo sa manggahan.
"Baka kase hinahanap ka na. Ano ba ang nangyare at naglalaseng kang mag-isa?" Usisa pa nito.
"Wala naman po. Trip ko lang mag-isa." Sagot ko naman sa kanya.
"Ganyan-ganyan din si Ser Tristan kay Señorita dati. Babae siguo ang dahilan nyan Señorito. Kukuha pa ako ng lambanog at ng magkakwentuhan tayo." Umalis is Mang Tonyoat naiwan akong mag-isa.

Ano ang gagawin ko kay Zoey? Napaka-insensitive ng mga sinabi ko. But I'm not ready to be a father... Lalo na ang magpakasal. Sabi ko sa sarili ko, I will be like Tito Audi or Tito Mark. Binata for life. Walang sabit, walang responsibilities... Walang magtatanong kung nasaan ako...Anong oras akong umuwi... Sino ang mga kasama ko.

I am enjoying my damn life too much... That is the only night I forgot to wear a condom... That only night with Zoey and then... few weeks later...boom... I am a fucking father... A father of a child.

After few minutes dumating si Mang Tonyo na may dalang galon ng lambanog, dalawang baso saka yelo.

"Señorito, gumagana nga pala ang nilagay nyong makita sa ilog. HIndi na hirap sa tubig ang pananim sa palayan." Pagbabalita ni Tonyo. Kahit papano, napangiti ako.
"Malaki na ang ikinaulad ng Hacienda buhat ng naglagay ka ng mga makena. Ang galing ng mga naiisep mo." Dagdag pa nito.

Si Zoey ang unang naniwala sa mga ginagawa ko. Kahit tinatawnan ako ni London at Brook. Sometimes my ideas were insane but when I shared it with Zoey it became feasible.

"Ano ba ang problema mo at nag-iisa ka dito?" Tanong ulit ni Mang Tonyo.
"Ilan ang anak mo Mang Tonyo?" Tanong ko sa kanya.
"Naku, walo lang." Sagot nito.
"Walo?...Walo!"  Nagulat ako sa sagot nito. Tumango si Mang Tonyo saka ngumiti.
"Kung hindi nga lang nahirapan sa bunso namin si Ana my labs, hindi kami hihinto." Pagmamalaki nito.
" Paano mong nabubuhay ang walo?"
"Simple lang ang buhay deto sa Hacienda. Magsepag ka lang hinde ka magugutom. Saka masarap madaming anak. Hinde ko maipalewanag ang saya ng malaman kong buntes noon si Ana sa panganay ko. Lalo na nung mahawakan ko siya. Iba Señorito. Iba ang saya ng isang magulang."
"Hindi sa pagmamayabang pero habulen ako ng mga babae dati..." Pagmamalaki ni Mang Tonyo.
Napatingin ako sa kanya.
"Totoo?" Tanong ko. Tumango siya.
"Pero nakakasawa ang maging playboy. Mas masarap sa pakiramdam ang may inuuwian kang isang babae na laging naghihintay sayo. Mas masaya kapag may nagtatanong kung kumaen ka na ba? Kamusta araw mo?"
Napatingin ako sa basong hawak ko.
" Maherap maging gwapo. Naku, ramdam na ramdam ko yan." Tinapik tapik ni Mang Tonyo ang balikat ko.
"Maraming babae ang gagamiten ka para sa katawan mo... Para sa pera... para kang trope... palamuti sa kanela... Ganyan na ngayon ang mga kabataan. Naku, takot sa relasyon. Hinde nila alam, masarap ang may asawa. Masarap pero mahirap pero napaka saya sa pakeramdam."

Nagkainuman pa kami ni Mang Tonyo hanggang sa mag-gabi at naisapan kong umuwi sa bahay. Kailangan ko ng maging harapin ang problemang ginawa ko.

——————————
A/N
Because I need to write this scene that is running on my head, so kaya merong
tayong UD. Enjoy

Zoey: the Road leads to Rome (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon