"Cindy panget!"
"Cindy bungi!"
"Cindy tanga!"Napakagat labi ako at pinilit na magmukhang matapang ang itsura pero maya-maya ay nag-uumpisa ng tumulo ang luha ko dahil sa sinasabi ng mga kaklase ko.
"Hindi ako panget! Sabi ng mama ko ay kamukha ko si Cinderella!" Pabalik kong sigaw sa kanila habang kinakalikot ang tenga ko. Ganun kase 'ko kapag naiinis.
"Hunghang! Baka si bakekang!" Sumulpot sa tabi ko si Patrick at pinitik pa ang noo ko na nagpalakas ng iyak ko. Biglang gumalaw ang kamay ko at sunod ko na lang narinig ang pagiyak nya dahil...sinapak ko siya!
Sobrang yabang eh ang taba naman at kamukha si Patrick the Star!
"Cindy Maxine Marasigan! Lumilipad na naman ang maliit mong utak!"
"Asan po?!" Sigaw ko at napalingon sa buong klase nang magtawanan sila. Napakamot ako ng ulo na tumingin kay Ms.Sung na laging maSUNGit.
"Stand up and answer this!" Nakayukong tumayo ako at sinamaan ng tingin si Patrick na nakabelat sa'kin habang nilalakihan ang butas ng ilong.
Tumigil ata ang mundo ko nang makita ang naka sulat sa blackboard.
5x-3=2x?
5x-3=2x?
Ha?
"Goodmorning Miss. Sorry to disturb all of you but I'm the new transferee." Napatigil lang ako sa pag-iisip nang may anghell na pumasok sa aming munting silid-aralan kaya napa-upo ako.
"Oh,you may come in Mr?"
"Manzano." Lahat ata ng buong klase ay nakatingin sa maangas niyang paglalakad. Nasa langit na ba ako? Napatigil lang ako nang may kumalabit sa'kin at walang iba kundi si star.
"Laway mo tumutulo." Mabilis kong hinawakan ang labi ko pero...wala naman!
"Demonyo ka Patrick! Wala namang laway na tumulo!" Sigaw ko sa kanya at napakamot ulit ako sa ulo ko nang mapansin na nasa classroom pa pala kami at nakatingin ang buong klase sa'min kasama si Mr.Pogi. Aaminin ko,swerte nga ako.
"Gonzales at Marasigan,detention room now!" Mabilis pa sa pagong akong lumabas ng room at syempre naka sunod ang hunghang.
YOU ARE READING
#MCSSWC2018 | CLOSED
RandomThis is the SHORT STORY ENTRIES SECTION. All entries will be JUDGED ANONYMOUSLY. Your entries will be judged by our Panel Judges with the following criteria: (1) The Idea behind the Story - 20 Points (2) Structure/Plot of the Story - 20 Points (3)...