ENTRY NO. 8 | FIRST AND LAST LOVE BY KITTYYUME | #MCSSWC2018

48 3 1
                                    

"Happy 1st anniversary sa atin, baby

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Happy 1st anniversary sa atin, baby." Saad ng binata sa kanyang kasintahan habang nagmamaneho ng kotse.


"Akalain mo 'yun? Isang taon na tayong magkasama." Saad naman ng dalaga.



"I love yo---" Hindi na natapos ng binata ang dapat niyang sasabihin sa dalaga nang biglang nabunggo ang sinasakyan nilang kotse sa malaking puno.



Niyakap ng binata ang kanyang kasintahan. Nang dahil sa ginawa niya ay sa kanya lahat napunta ang mga bubog na dapat sa dalaga mapupunta. 



Hinalikan ng binata ang noo ng dalaga at sinabing, "I'll come back, baby." Pagkatapos niya itong sinabi sa dalaga ay tuluyan na itong nawalan ng buhay.


---


Hindi ko man mamukhaan ang mga tao sa panaginip ko pero malakas ang kutob ko na kaming dalawa ni Ethan 'yun.



"Baby, gising na." Rinig kong sabi ni Ethan mula sa labas ng pintuan kaya napabangon ako. Pumasok si Ethan saka niya ako nilapitan. "Baby, ayos ka lang? Napanaginipan mo nanaman ba 'yun?" Tumango ako. "Don't worry baby, 'di kita iiwan." Sabi niya saka niya pinahid ang mga luha ko.



Tatayo na sana siya pero hinila ko ang laylayan ng damit niya. "Ethan...promise me that you will never leave me."



"Ofcourse baby, hindi kita iiwan. Paano ko magagawang iwan ang babaeng pinakamamahal ko? Kaya tumayo ka na diyan, may pasok pa tayo." 



"Ayoko. Ayokong pumasok."



"Anong sabi mo? Pakiulit nga."



"Ayokong pu---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong kiniliti sa bewang. "HAHAHHAHA. E-E-Ethan, t-tama na. HAHHAHHAHA." Patuloy parin niya akong kinikiliti, kahit na nasasampal ko siya at natatadyakan, tuloy parin siya sa pangingiliti sakin. "Oo na Ethan, p-papasok na ako." Pagkatapos ko itong sinabi ay tumigil na siya sa pangingiliti sakin.



"Pagkatapos mo ay pumunta ka sa dining area." Sabi niya at tuluyan na itong umalis.



Nagsimula na akong maligo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng school uniform, nag-ayos ng sarili at pinuntahan ko na si Ethan sa dining area. Nadatnan ko si Ethan na naka-apron. Haha, ang cute niya.

#MCSSWC2018 | CLOSEDWhere stories live. Discover now