ENTRY NO. 3 | CAPTIVATED BY UNO BY JAMIELAGRIMAS | #MCSSWC2018

44 3 5
                                    

Isang mainit na umaga ang gumising kay aly sa kanyang mahimbing na tulog ayaw pa sana niya tumayo mula sa kanyang higaan ngunit kailangan dahil unang araw ng eskwela ng araw na iyon, agad niyang inasikaso ang sarili at kumain ng umagahan para maag...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isang mainit na umaga ang gumising kay aly sa kanyang mahimbing na tulog ayaw pa sana niya tumayo mula sa kanyang higaan ngunit kailangan dahil unang araw ng eskwela ng araw na iyon, agad niyang inasikaso ang sarili at kumain ng umagahan para maagang makapunta sa kanyang eskwela. Si Aly ay ulila na sa kanyang ina at ama, siya rin ang nagiisang anak kaya't wala na siya kasama sa bahay maliban sa kanyang aso— si Panther.



Habang naglalakad si Aly papunta sa kanyang eskwelahan ay napansin niya ang mga tao sa kalsada na tila nagmamadali, tumatakbo, at parang may hinahabol yun pala ay may sunog na naganap sa building kalapit ng kanyang eskwelahan, hindi inisip ni Aly na malalate siya, tinulungan niyang pumunta sa isang ligtad na lugar ang mga bata at matatanda, ang mga ito'y labis na nagpasalamat nginitian na lamang niya ang mga ito at umalis na para makapunta sa eskwelahan, 'late na talaga ako' sabi niya sa kanyang isip nagmamadali na siya naglakad, dahil sa dami ng tao na tumatakbo ay may isang lalaking nabangga siya at tumilapon ang mga bitbit niyang papeles para sa eskwelahan. 



"Sorry miss, sorry talaga nagmamadali kasi ako yung pamilya ko kasi 'di ko pa nakikita, Pasensya na talaga" paghingi niya ng tawad kay Aly. 


Ngunit si Aly ay parang natulala, nabighani sa angking kagwapuhan ng binata. Tila ay parang nagslow-mo ang paligid— ang mga tao ay hindi na niya nakita, ang lalaking estranghero na lamang. This stranger captivated not only her attention but also her heart.


"Okay lang. Naiintindihan ko naman. Sana mahanap mo na sila. May dinala nga pala akong matatanda at bata sa banda doon baka nandon ang mga magulang mo." Sabi niya sa binata.


"Maraming salamat. Sana nga nandon sila." ngumiti ang binata ngunit nababasa niya sa mata nito ang labis na pagaalala sa sariling pamilya.


'Sana kasama ko pa din sina mama at papa' nalungkot siya ng kanyang maalala ang karumaldumal na sinapit ng kanyang mga magulang. Ang estranghero ay lumisan na at hinanap na ang kanyang pamilya, samantala si Aly ay malungkot na nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kanyang eskwelahan.


Agad nakarating sa classroom si Aly dahil nadin sa tulong ng school map.


"Goodmorning Class! I'm Miss Aly Bernardo your new adviser, pasensya na kung nalate ako, please introduce yourself one by one"


Samantala, si Uno ay kakauwi lang galing sa trabaho sa isang kompanya bilang isang Marketing Manager, nang makita niya nasusunog ang kanilang building wala siyang ibang inisip kundi ang mga magulang niya. Hanap siya ng hanap hanggang sa mabangga niya ang isang babae at tumilapon ang dala nitong papeles agad niya itong tinulungan at humingi ng tawad. Nasabi din ng dalaga na may dinala siyang mga matatanda at bata sa isang ligtas na lugar at agad niya itong pinuntahan.


Nakita nga niya dito ang kanyang mga magulang, agad niya itong niyakap.


"Nay, Tay, okay lang po ba kayo? 'Di naman po kayo nasaktan diba? Dapat po kasi tinawagan niyo ko agad para nakauwi ako agad" sabi niya sa kanyang mga magulang.


"Ano kaba Uno, okay lang kami ng tatay mo, buti nga't may nagdala samin ditong babae, alam mo bang sobrang ganda niya para ngang pamilyar siya 'di ko lang alam kung saan ko siya nakita. Siya nga pala, pano yung mga gamit natin? Matagal mong pinundar yun" sabi ng ginang kay Uno.


"Nay, wag mo ng isipin yun magpasalamat nalang tayo sa Diyos at ligtas kayo ni tatay." Muling niyakap ni Uno ang Ina at dinala na sila sa kotse para makapagcheck-in sa hotel para doon magpahinga.


Ang hindi nila alam si Aly at Uno ay magkababata, sila pa nga'y tinawag na childhood sweethearts, ngunit kinailangan umalis agad ni Uno dahil sa ibang lugar na nadistino ang kanyang ama, hindi din siya nakapagpaalam kay Aly dahil biglaan ang pag-alis nila.


'Sana magkita tayong muli' sambit niya sa kanyang isipan. Nararamdaman niya sa kanyang puso na dapat niyang makita muli ang dalaga. 'Siguro ito yung sinasabi nilang love at first sight'
Siguro nga love at first sight ang naramdaman niya sa oras na iyo, habang iniisip niya si Aly ay malakas ang tibok ng kanyang puso.


HABANG naglalakad si Aly pauwi sa kanyang bahay ay hindi parin maalis sa kanyang isipan ang binatang nakabangga niya kaninang umaga, tila parang kilala niya ang binata ngunit 'di niya matandaan kung saan at paano. Malapit na siya sa kanyang bahay ng makita niya ang binata malapit sa bahay niya, na parang may inaabangan.


'Sino kayang inaabangan niya?' tanong niya sa isipan. Nagpatuloy siya sa paglalakad ng mapansin siya nang binata at nilapitan siya.


"Uhm, Hi Miss, gusto ko lang sana magpasalamat sa pagtulong sa mga magulang ko" sabi ng binata sa kanya.


"Ha? Okay lang yun, ginawa ko lang naman ang sa tingin ko ay tama" nginitian niya ang binata.


"Paano mo nga pala nahanap ang bahay ko?" Tanong ni Aly sa binata.


"Ah, nagtanong-tanong ako kanina buti nga at may nakakakilala sayo doon." sagot sa kanya ng binata.


"Ah ganun ba, ako nga pala si Aly, Aly Bernardo" pagpapakilala niya sa binata.


"Ako naman si Uno Padilla, but just call me Uno" ngitian niya ang dalaga.


Magmula noon ay naging malapit na magkaibigan na sila at hindi lumaon ay naging magkasintahan, nalaman na din nila na magkababata sila. Lumipas ang tatlong taon ay nagpakasal sila at nagkaroon ng dalawang anak— isang babae at isang lalaki na pinangalanan nilang Stary 'Star' Padilla at Uno Padilla Jr. 'Dos'.


Hanggang dito nalang, hanggang sa muli :)


Nagmamahal,
Star Padilla

#MCSSWC2018 | CLOSEDWhere stories live. Discover now