Nakakainis! Dahil pagka-open ko pa lang sa messenger, puro ito chain messages galing sa kung sino. Noon hanggang sa text lang to eh. Tapos ngayon messenger na. Taray!
May mga pag di ko daw pinasa sa sampung tao, mawawalan ako ng lovelife. Wengya, pa'no ako mawawalan ng lovelife kung in the first place, wala naman talaga ako nito. Kagigil!
Meron ding sa fengshui, yung may pera na picture tas pag ipapasa, rarami daw pera ko. Kesyo daw year of the monkey, at ano pang zodiac yan. Nauto ako at pinasa ko rin naman yun ah? Ba't hanggang ngayon wala pa rin akong pera? Kaloka ha!
*ting*
"Hi, I'm Mark Zuckerberg The Director of facebook.
Hello everyone, it seems that all the warnings were real, facebook use will cost money.
If you send this string to 18 different..."
Tokwa naman oh! Di ko na binasa lahat, ang haba. Ito na nga ba ang sinasabi ko, lumalaganap na naman ang chain messages. Si Mark Zuckerberg ba talaga gumawa nito?
Mareplyan nga. Hahaha
("Okay Mark. :D")
Pffft. Ito ang nirereply ko kada may nagchachat sakin pero sa susunod, di ko na ioopen. Bahala sila dyan.
"SIS!"
"Ay Mark!" Muntik ko nang mabitawan yung phone ko dahil bigla ba namang sumigaw malapit sa tenga ko.
"Oy ikaw ha. Si Mark na naman iniisip mo. Tatlong taon mo na siyang crush huy. Mag move on kana sa crush mo. Di ka crush nun haha!" Wika ni Shen sabay sundot sa tagiliran ko.
"Hindi ah, naiinis lang kasi ako dahil andami na namang nagsisend sakin ng chain messages. May pa Mark Zuckerberg pa sila. Pag may magcha-chat talaga sakin ulit na "Hi, I'm Mark...", di ko talaga ioopen."
"Talaga ba Anya? Kahit si MARK yung nagsend?" Aba't idiniin talaga yung pangalan niya ah...
"Oo kahit si Mark yung magsisend, kahit pa gusto ko siya, di ko pa rin ioopen yun pag-..."
Hala! This can't be.. Di pwede 'to. Kakadaan lang ni Mark sa harap namin habang nag-uusap kami. No wayyyyyy! Narinig niya kaya yun?
YOU ARE READING
#MCSSWC2018 | CLOSED
CasualeThis is the SHORT STORY ENTRIES SECTION. All entries will be JUDGED ANONYMOUSLY. Your entries will be judged by our Panel Judges with the following criteria: (1) The Idea behind the Story - 20 Points (2) Structure/Plot of the Story - 20 Points (3)...