"Mahal kong Eros may nais nga pala akong sabihin sa 'yo." Nakangiti kong pahayag sa kaniya.
"Anong sasabihin mo sa akin mahal kong Psyche?"
"Mahal kong Eros nais ko lang sabihin na patawad." Sagot ko sa kaniya habang isa -isang pumapatak ang aking mga luha habang may malungkot na ngiti sa aking mga labi.
"M - Mahal ko hindi kita maintindihan, may nagawa ba akong mali?"
"Wala kang nagawang mali, patawad pero kailangan na kitang iwan." Kasabay nito ay ang siyang paghalik ko sa kaniya.
Matapos ang pinagsaluhan namin na halik walang lingon - lingon na iniwanan ko siya. Narinig ko pa ang pagmamakaawa niya na h'wag ko siyang iwan pero tanging isang salita lamang ang aking naging sagot at 'yun ay patawad.
~~~~~
Patawad.
Isang salita pero libo - libong sakit ang katumbas nito. Kumikirot na dibdib na tila tinutusok ng milyon - milyong karayom. Lumuluhang mata na tila isang malakas na ulan na walang tigil sa pagbuhos. Isang salita lamang pala ang makakapagpabago nang masayang samahan.
Totoo pala ang kasabihan na hindi lahat ng pagkakataon ay palagi tayong masaya. Tila ba kakabit ng salitang masaya ang salitang malungkot.
Sabi nga nila hindi ka totoong umiibig kapag hindi mo nararanasan ang masaktan.
Ngunit paano na lang kung isang araw bigla ka na lang maglaho. Tila ba isang bula na unti - unting nawawala. Alam mo ba kung ano ang masakit?
Masakit malaman na hindi mo na siya makakasama pa nang matagal. 'Yun bang gustong - gusto mo na palagi kayong magkasama ngunit hindi na pala maaari. Sapagkat kahit gustong - gusto mo na nasa tabi niya palagi ay hindi na pwede. Tila ba may oras ka na hinahabol na kapag hindi mo naabutan ay ikaw din ang magsisisi sa huli.
Pero wala na pa lang mas sasakit pa kapag iniwan mo ang taong iyong iniibig. Sabi nga nila masakit ang maiwan. Pero naisip ninyo ba na baka mas masakit ang mang - iwan. Tipong hindi mo alam kung may babalikan ka pa ba. At kung hinihintay ka pa ba niya, isa lamang 'yan sa aking mga kinatatakot na mangyari. Paano na lang kung sa aking pagbalik masaya na pala siya, masaya sa piling ng iba.
Nakatatawa man isipin pero paano na lang kung ikaw mismong ng iwan ay walang kasiguraduhan kung makakabalik ka pa. Hindi ko alam kung matatawa o magagalit ba ako sa sarili ko. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko, bakit sa dinami - dami nang tao sa mundo ako pa ang nakita niya? Naging mabait naman ako, matapat din ako sa aking minamahal. Pero, bakit sa akin pa nangyayari ang ganitong bagay?
Iisa lamang ang ating buhay kaya h'wag sana natin itong pabayaan. Hindi natin alam na may iba pala na nais mabuhay ng matagal pero hindi na maaari. Minsan nga hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng galit para sa ibang tao. Tila ba hindi nila pinahahalagahan ang buhay nila na porket naghiwalay lang sila nang kasintahan nila, nagalit lang sa kanila ang magulang nila at higit sa lahat hindi lang nila nakuha ang gusto nila gusto na agad nilang magpakamatay.
Kaya habang maaga pa ay isipin na natin ang mga bagay na nais nating gawin. Masakit man para sa 'kin pero kailangan ko siyang iwan. Iiwan ko siya hindi dahil ayoko na sa kaniya kung 'di iiwan ko siya para sa ikabubuti niya. Alam kong masasaktan siya sa gagawin ko pero wala na akong ibang paraan pa. Ayokong makita siyang nasasaktan habang kasama niya ako kaya kahit masakit iiwan ko siya.
Ang kaniyang mga yakap at ngiti ay pawang makikita ko na lang sa panaginip. Panaginip na ayoko nang magising. Ang emosyon na kanina ko pa na pinipigilan ay unti - unting nabubuwag. Ang mapupula mong labi na kay sarap kintalan ng halik. Ang siyang aking maaalaala sa aking paglisan.
Paglisan na wala akong kasiguraduhan kung magiging maayos nga ba ang kalalabasan nito. Aalis ako pero nangangako ako na hanggat kaya ko lalaban ako. Lalaban ako kahit alam kong imposible sa 'kin ang magtagumpay sa laban na aking tatahakin.
Mahal kita pero kailangan ko nang umalis. Paalam mahal ko pero hanggang dito na lang tayo.
"Mahal kita pero patawad."
Talaga pa lang mahirap kalaban ang tadhana. Ang tadhana na tila kay daya - daya. Ngunit lagi mo sanang iisipin na kahit iniwan kita mananatili pa rin sa aking puso ang pagmamahal ko sa iyo. Kaya nais kong sabihin sa inyo na ito ang aking kuwento, kuwento na kahit kailan ay hinding - hindi ko malilimutan.
Sino ba naman mag - aakala na ako 'yung ng iwan para magpagamot pero ako rin pala ang matitira na buhay sa amin. Oo tama kayo nang basa ako 'yung nabuhay sa halip na ang mahal kong si Eros. Ang buo kong akala ay wala siyang alam sa sakit ko ngunit nagkamali pala ako. Sapagkat una pa lang ay alam na pala niyang may sakit ako sa puso.
Ang sakit lang malaman na ang taong nagbigay pala nang puso sa akin ay ang minamahal kong si Eros. Si Eros na walang ginawa kung 'di isipin ang aking kalagayan.
Mukhang totoo nga pala ang kasabihan na hindi lahat nagkakaroon ng masayang wakas. Kagaya na lamang ng pagmamahalan namin ni Eros nagsimula sa masaya pero nagtapos sa malungkot na wakas.
Pero alam ninyo ba na kahit matagal na siyang lumisan nananatili pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya hanggang sa huli.
"I love you Eros, I love you my one and only Eros, I love you till the end."
Ako si Psyche Ramirez, lumipas man ang mahabang panahon ngunit hindi nawala ang pagmamahal ko kay Eros Salvador.
"I guess this is the end, muli na ulit tayong magkikita aking mahal." Kasabay ng dahan - dahan na pagpikit ng aking mga mata.
Wakas.
YOU ARE READING
#MCSSWC2018 | CLOSED
DiversosThis is the SHORT STORY ENTRIES SECTION. All entries will be JUDGED ANONYMOUSLY. Your entries will be judged by our Panel Judges with the following criteria: (1) The Idea behind the Story - 20 Points (2) Structure/Plot of the Story - 20 Points (3)...