Natigilan ako nang magtama ang aming mga mata.'Yung mata niyang madilim at may pagkamisteryoso kung tumitig na akala mo'y ikatutunaw mo. And I know that guy very well, it was Nick.
Napapailing nalang ako habang nakatingin sa kaniya. Nanatili naman siya sa kinatatayuan at bahagyang nilalaro ang kaniyang labi na animo'y pinipigilan ang pagngiti.
Dumaan na ang maraming taon ngunit wala parin siyang pinagbago. Naghuhumiyaw parin ang kanyang dating dahil siya ay matangkad at mayroong matikas na pangangatawan. Bumagay nga sa kaniya ang suot niyang puting longsleeve na nakatupi hanggang siko. Hapit na hapit kase ito sa kaniyang katawan dahilan upang makaagaw siya ng pansin.
Ang kilos, pananamit at bawat pagkibot ng kaniyang labi't panga'y talaga namang ang lakas makagwapo. Tumingin siya kaniyang relo, mukang may hinihintay. Noon ako ang dahilan nang pagtingin niya sa relo pero ngayon hindi na.
Hindi ko makakalimutan kung bakit ako hulog na hulog sa kaniya. He was the man of my dreams. I remember those days that I always wanted to be his wife. The one who will fix his tie if it is unfixed, the one who will cook for him and he is the only man that I want to be with yet I can't.
Dumeretcho ako sa direksyon niya upang makipag-usap muna bago sa pupuntahan ko. Kumaway ako sa kaniya upang makuha ang atensyon niya mula sa pagkakatingin niya sa relo. His furious eyes stared at me.At gaya ng dati'y kung sa paanong paraan nang pagtibok ng puso ko'y ganoon pa rin.
"Nice to see you again..."nakangising sabi niya.
Nagkibit balikat lamang ako sa kaniya. Bukod kase sa hindi ko alam kung paano mag-uumpisa sa aming conversation ay hindi ko talaga magawang magsalita. Parang gusto ko lang panoorin at pagmasdan kung paano ang pagkibot ng kaniyang panga. Napalunok ako.
"Kamusta?"
"Eto ayos lang.Buhay pa naman." sabi ko at binigyan siya ng natural na ngiti.
"Ako? 'Di mo tatanungin?" tanong niya
"Pft. Sige, kamusta ka?"natatawang tanong ko.
"Happy and contented pero mas masaya sana kung ikaw 'yung dahilan."nakakalokong sabi niya.
Isang iglap ay tila bang ang dating Nick ang kausap ko. "Hindi mo kase ako pinaglaban..."dagdag pa niya.
YOU ARE READING
#MCSSWC2018 | CLOSED
RandomThis is the SHORT STORY ENTRIES SECTION. All entries will be JUDGED ANONYMOUSLY. Your entries will be judged by our Panel Judges with the following criteria: (1) The Idea behind the Story - 20 Points (2) Structure/Plot of the Story - 20 Points (3)...