10

637 45 39
                                    

Kinabukasan, malamang, gano'n pa rin.

Natutukso na naman ako, nakakabwisit na talaga. Tukso nang tukso, hindi nila alam anong magagawa ng tukso, e! Argh, nakakainis.

Pero dalawa na kaming natutukso kay Mingyu ngayon; ako at si Minghao.

Kahapon kasi ganito. . . matapos no'ng ano. . . 'yong ano nga. . . 'yong yakap ni ano. . . ni Mingyu sa akin, binago nila ang laro.

Truth or truth. Kasi wala na raw nagt-truth kaya gano'n. At naturo si Minghao.

Tinanong siya kung sino raw ba ang nagugustuhan niya sa klase. At hindi na nakakapagtaka kung si Mingyu na naman 'yon. At si Mingyu nga.

Kaya ayon. Gyuhao. :)

Umupo na si Mingyu sa tabi ko, at late na naman siya kahit na walking distance lang ang bahay niya mula sa paaralan.

"Late ka na naman?" Sabi ko sa kanya kaya niya ako nginitian.

"Oo, e," nahihiya niya pang sabi.

"Dahil nag-aayos ka na naman ng buhok mo?" Tanong ko.

Napatawa siya. "Siguro. Parang gano'n na nga."

"Grabe ka, gaano ba dapat kaayos ang buhok mo, ha? May pinopormahan ka ba kaya conscious ka palagi sa buhok mo?" Pag-uusisa ko, at tinaasan siya ng kilay.

Umiling siya. "Wala, a! Malamang aayusin ko sarili ko, ano."

Ngumiti ako. "Kunyari ka pa, pinopormahan mo lang si Minghao, e," biro ko, at mahinang tumawa.

Hindi niya na ako sinagot no'n.

Inuulit ko, mahiyain si Mingyu, ayaw niyang nasa kanya ang buong atensyon ng maraming tao. Kaya matapos no'ng kahapon, sobrang-sobrang pinagpawisan siya na tinawanan ko naman.

At ngayon ayan, hindi pa rin siya komportable kapag tinutukso siya sa kahit sino. Mas gugustuhin niya pa sigurong walang papansin sa kanya.

E, paano rin naman kasing hindi siya mapapansin? Kung gan'yan siya? Mabait, gentleman, malinis, maayos, maaliwalas. At. . . cough kung gan'yan ang mukha niya cough.

Tinapik ko na lang siya sa balikat niya.

Maya-maya ay nagsimula na ang klase. At kasisimula pa lang ng araw ay inaantok na ako, walangya.

"Ah, shit, ang sarap matulog," bulong ko nang narinig kong bumuhos ang ulan.

Ito talaga ang pinakaayaw ko kapag nasa klase, inaantok na nga ako, sasabay pa ang panahon.

Ang bango-bango ng ulan, at lalo akong naaakit na matulog. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko dahil lalo akong inaantok nang maramdaman ko ang malamig na hangin mula sa labas.

Pinatong ko ang noo ko sa ibabaw ng mga bisig kong nasa armchair ko para makatulog na, pero biglang may humawak sa kamay ko.

Tinaas ko ang ulo ko, saka tumingin sa kamay kong hawak-hawak na ni Mingyu. Nanlaki kaagad ang mga mata ko, at napalingon sa kanan ko.

"Akin na, para 'di ka makatulog," sabi niya, tila ba sinasagot ako na parang nababasa niya ang pagtataka sa mga mata't mukha ko.

Pinisil-pisil niya ang kamay ko, ang mga darili ko, at minamasahe ito.

"Aba? Nagmamasahe ka na pala ngayon?" Tanong ko sa kanya, at mahinang tumawa.

Ngumiti naman siya. "Hindi. Para hindi ka makatulog kaya ko 'to ginagawa. Ibalin mo ang atensyon mo sa kamay mo, hindi sa antok mo," sabi niya, kaya ako tumango.

Pero hindi ko naman masyadong naintindihan ang sinabi niya, may mali ata, e. Sa kamay ko? O sa kamay mo?

Nagpatuloy siya sa pagpisil ng kamay ko. Pinisil niya ang dulo ng mga daliri ko, inipit niya ang kamay ko sa gitna ng dalawa niyang kamay, at hahawakan ito nang mahigpit na mahigpit.

"Aray, Gyu!" Sigaw ko sa kanya. "Aba't nananakit ka na, a?"

Mahina siyang tumawa. "Sorry," sabi niya. "O, ano? Inaantok ka pa rin ba?"

Umiling ako. "Makakatulog pa ba ako kung ginagan'yan mo kamay ko? Grabe, ang sakit no'n."

Ngumiti lang siya. "Effective naman."

Inirapan ko siya. "Nasaktan naman ako."

Pinisil niya na naman ang kamay ko, at minasahe ito na para bang pilit niyang inaalis ang sakit no'n kahit na nawala na rin naman kanina pa nang bitawan niya.

"Sorry," ulit niya.

"Pero salamat," sabi ko, at ngumiti.

"Welcome!" Sigaw niya.

At nagpatuloy ang buong umaga. . . na nasa kanya ang kamay ko.











ang sipag ko talaga HAHAHAHAㅡ

Au Revoir ∞ MEANIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon