Mabuti naman ang mga sumunod na araw no'n. Umaayos na rin ang kalagayan ko, balik na ako sa pagc-cola at junk foods ko.
Kailangan ko raw mag-'healthy living' sabi pa ni Seokmin, pero nah, wala akong pakialam. E, ang sarap ng cola at unhealthy foods, bakit ba?
Nagsibalikan na ang tuksuhan sa amin ni Mingyu, hanggang sa umabot sa puntong pareho na kaming naa-awkward sa isa't isa.
Napapansin kong hindi na ako masyadong kinukulit ni Mingyu, at hindi na rin siya nagpapaturo sa akin.
Hinayaan ko na lang kasi pati rin naman ako, hindi ko na alam kung paano ko siya papansinin.
Pero itong araw ang hindi ko inasahan; ang araw na iiwasan niya na naman ako.
"May tampuhan ba kayo?" Tanong ni Seokmin sa akin, kaya ako napatingin sa kanya.
"Wala naman. Bakit naman kami magtatampuhan?" Tanong ko pabalik kaya niya ako nginisihan.
Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko dahil sa ngising 'yon.
"Wala akong sinabing pangalan, pero sinong iniisip mo, ha?"
"Manahimik ka nga, bwisit," sabi ko kaya siya tumawa.
Nasa tabi ko na nga pala siya ngayon kasi si Mingyu, ayon at lumipat sa upuang nasa harap, 'kala mo naman maliit na tao, 'di na tuloy ako makakita nang maayos dito.
Maya-maya ay pumasok na ang guro namin sa MAPEH, may ia-announce daw siya para sa performance task namin ngayong quarter.
"We're having our play," sabi ng guro namin.
"Shit," mura ko, dahil kapag play tangina, nakakapagod na naman nito.
"Now, class president, please step in front and start conceptualizing your play," sabi ng guro kaya naman tumayo si Seungcheol, at lumapit sa board.
Nagsitanguan na siya ng pwedeng ideas sa play namin. Sinusubukan kong hindi mapatingin kay Seungcheol no'ng pumili na sila ng mga actors at actresses para sa play.
"Mingyu? Pwede," rinig kong sabi ni Seungcheol. "Mingyu, ikaw raw ang lead."
"Ayoko!" Kaagad na pagprotesta ni Mingyu. "Props men ako!"
"Si Wonwoo naman kasama mong lead, e."
Awtimatiko akong napatingin kay Seungcheol, at napansin ko ring lumingon si Mingyu sa akin. Napalunok ako, at tumingin sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko, at umiling. "'Yoko!" Sigaw ko.
"Ang KJ niyo, guys!" Reklamo ni Seungcheol. "Okay. Mingyu, props men. Wonwoo, playwright."
"THE HELL, AYOKO!" Malakas kong protesta, at napatayo pa ako mula sa upuan ko. "May dalawang research pa akong aatupagin, wala na akong oras para sa script!"
"O, sinong aasahan namin sa script, ha?!" Sigaw rin ni Seungcheol sa akin.
Nilibot ko ang tingin sa silid, at naghanap ng pwedeng ipamalit sa akin. "S-Si. . . s-si ano, si Jihoon!"
"Music director si Jihoon."
"Si Seokmin!"
"Props men ako, gago!" Mura ni Seokmin sa akin.
Nginitian naman ako ni Seungcheol. "Lead or script?"
Napalunok ako. "W-Wala!"
"Lead or script?" Ulit ni Seungcheol.
Nararamdaman ko ang mga titig ng mga kaklase ko sa akin. "Okay, script!" Sigaw ko, at napaupo nang may simangot sa mukha ko.
---
BINABASA MO ANG
Au Revoir ∞ MEANIE
Short Storyㅡ in which they fell but deceived by uncertainty and mistrust. MEANIE | SEVENTEEN FANFICTION | TRYXEA_