05

743 38 30
                                    

Kasalukuyan kong ginagawa ang assignment namin nang biglang pumasok ang kapatid ko sa kwarto.

"Hyuuuung!" Sigaw ni Bohyuk nang makatungtong siya sa kwarto ko.

Binaba ko ang ballpen ko saka tumingin sa may pintuan kung saan siya nakatayo. "O?"

"Hyung, pengeng one-whole," sabi niya.

"Nasa bag ko, kunin mo na lang," sabi ko saka binalik ang atensyon ko sa paggawa ng assignment.

Nakakabwisit na rin 'tong assignment namin sa History. Puro essay, ang tataas pa ng mga questions, 3 sentences pa naman ang minimum, at may 'bakit' at 'paano' pa.

"Hyung!" Tawag ulit ng kapatid ko sa akin.

"Ano na naman ba?" Tanong ko.

"May bago ka bang wallet? Grabe, yaman mo, hyong," sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko, at napatingin sa bandang kama ko kung saan nakapwesto ang bag ko. Nando'n si Bohyuk, nakaupo habang itinataas ang isang pamilyar na wallet na alam kong hindi akin kundi kayㅡ

"Mingyu!" Sigaw ko nang maalalang nasa akin pa rin pala ang wallet ni Mingyu.

"Mingyu? Kay Mingyu hyung 'to?" Tanong niya.

Aba't paano niya nakilala si Mingyu?ㅡ Sabagay, iisang paaralan lang pala ang pinapasukan namin. Malamang makikilala niya si Mingyu.

"Daming pera ni Gyu hyung, a?" Sabi niya habang sinusuri ang wallet ni Mingyu.

Maka-hyung 'to parang close na close niya si Mingyu.

"Huwag mo 'yang pakialaman!" Sita ko sa kanya saka kinuha ang telepono kong nasa mesa para i-text si Mingyu.

Hoy, baliw! Nasa akin ang wallet mo, hindi mo nakuha kanina. Ano na? Akin na lang 'to? Sent.

Binaba ko ang telepono ko sa mesa, at ilang segundo lang ay nag-vibrate ito. Bilis maka-reply ng kumag, a? Palibhasa game player kaya ang bilis mag-type, memoryado na ang keyboard, e.

Binuksan ko ang messages ng telepono ko, saka bumungad ang reply niya sa akin.

Sa 'yo na muna 'yan. Ikaw na tagahawak ng kayamanan ko. Hahahaha.

Napatawa ako bigla sa 'kayamanan'. Baliw. Ang offensive no'n, kasi wala akong kayamanan, kalusugan ko lang, pwee. Hindi rin pala kalusugan, sa payat kong 'to.

Kim Mingyu, kunin mo 'to, ano ba!!! Hindi mo alam 'yong kaba ko sa tuwing kasama ko 'tong wallet mo! Paano kung may magtangkang nakawan ako?! Paano kung bigla akong maholdap sa daan?! Sent.

Naghintay ulit ako ng reply niya, at tangama.

At sa tingin mo talaga may gagawa ng krimen para sa 'yo? Ulol, wala!!!

Mahina akong napatawa, at kaagad na nag-type ng ire-reply ko.

Huwag na huwag mo 'kong kakausapin bukas, gago ka. Akin na rin 'tong wallet mo, hindi ko na 'to isasauli. Sent.

Nag-reply din naman siya kaagad matapos. Aysus, para namang matitiis mong hindi ako nakakausap.

Magt-type na sana ulit ako nang nag-reply na naman siya.

'Di ko kasi kaya, e. Hahahaha.

Muntik na muntik ko na talagang matapon ang telepono ko nang mabasa 'yon. Gusto ko biglang sugurin si Mingyu at ipalamon sa kanya ang buong wallet niya.

Ew. Hahahaha. Ewan ko sa 'yo. Sent.

"Hyung, mapupunit na mga labi mo kangingiti, hyoooong!" Sabi ni Bohyuk, at saka na lumapit sa pintuan.

May dala-dala na siyang isang sheet ng papel, at kinawayan ako.

"Ba-bye! Mag-aral ka muna!" Bilin niya saka padabog na sinara ang pinto ng kwarto ko.

Inirapan ko lang siya saka bumalik sa pagsusulat, nang nag-vibrate ulit ang telepono ko. Binaba ko na naman ang ballpen ko, at kinuha ang cellphone ko.

Text galing kay Kim Taehyung.

Napabuntong ako ng hininga saka napamasahe sa noo ko. Ano na naman bang kailangan nito at ako na naman ang kinukulit?

Hoy, Wonu! Pakopya ng assignment!

Wow?! With exclamation marks?! Aba't siya pa ang galit?! Siya pa talaga ang galit?!?!?!

Ayoko nga! Magsikap ka mag-isa mo, hoy! Sent.

Nag-vibrate na naman ang cellphone ko, at ngayon ay text na ni Mingyu ang natanggap ko.

Basta, sa 'yo na muna 'yan. Hindi ka mahoholdap, huwag kang mag-aalala. Walang magtatangkang mangholdap sa 'yo.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako, mapapanatag ba ako, o mao-offend. Pero wala, e, natawa ako. Aba't ang gago nito, iniinsulto pa talaga ako?!

Bahala ka sa buhay mo!!! Hindi ko na 'to ibabalik, gagamitin ko 'to! Bibili ako ng maraming-maraming album, pagkain, bahala ka!!! Sent.

At sunod naman ay text ni Taehyung.

Crush mo ba si Mingyu? o.O

Bigla akong napanganga, at paulit-ulit na napakurap, nagbabaka sakaling mali ang nabasa ko o baka magbabago pa ang laman ng mensahe kapag kukurap ako.

Pero hindi, e. Gano'n pa rin.

Gago ka ba?! Malamang hindi! Sent.

Nang nag-text ulit si Taehyung. Papasok ka bukas?!?!?!

Oo. Bakit? Sent.

Tapos nag-text na naman si Mingyu. Bahala ka rin!

Tapos si Taehyung ulit. gASPS?!?!?!

Argh, bahala silang dalawa! Nakakainis, gumagawa pa ako ng assignment! Bahala sila! Binaba ko na lang ang telepono ko, at nagpatuloy sa assignment ko.

Dahil alam kong may kokopya sa akin bukas, tatapusin ko 'to. Mga bwisit talaga.











us2 q na 2 tapusin, lam niu ba un? 😂

Au Revoir ∞ MEANIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon