Kapag minamalas nga naman ako, recess pa ang sumunod sa period na 'yon, kaya heto, kailangan kong lumabas na ganito ang mga mata ko.
Medyo namumula at namamaga pa rin siya, buti na lang at hindi ko naibuhos lahat ng sakit kanina kasi kung gano'n, malamang mugtong-mugto na 'tong mga mata ko.
No'ng natapos ang period kaagad akong tumayo, at aalis na sana ng classroom, pero nahawakan ni Mingyu ang pulsuhan ko.
Puta, Mingyu, Mingyu, Mingyuㅡ bakit ba puro na lang Mingyu?!
Huminga ako nang malalim saka pinunasan lahat ng luhang natitira sa mga mata't pisngi ko. Nilingon ko si Mingyu.
"Ano?"
"Bakit. . . ka umiiyak?" Tanong niya.
Bakit 'di mo itanong sa sarili mo? Pero, sabagay, hindi mo alam ang sagot kasi wala ka namang alam, e. Manhid ka kasi. Putangina mo.
Umiling ako. "Wala ka na do'n," pagsisinungaling ko. Paanong wala na si Mingyu sa rason kung bakit ako umiiyak kung siya mismo ang rason?
Magulo? Oo. Kasing gulo naming dalawaㅡ pero walang kami, 'yon ang lalong nagpapagulo.
Kaagad kong kinuha ang kamay ko mula sa kanya, at tumalikod. Dumiretso ako sa restroom, wala akong pakialam kung hahanapin ako ng mga kaibigan ko, pero gusto kong mapag-isa.
Mabuti at wala pang tao kaya do'n ko na pinagsususuntok ang pader hanggang sa nagdurugo na ang mga kamao ko.
"Wonwoo!" Sigaw ni Seokmin nang makita ako.
Shit, nahanap pa ako.
Kaagad akong inawat ni Seokmin, at tinulak papalayo. "Ano bang problema mo?!" Sigaw niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko siya, at lalabas na sana nang bigla niya akong hinila pabalik.
"Anong problema?! Sabihin mo, Woo! Anong nangyari?!" Sigaw niya ulit, at alam kong naiirita na siya sa akin. "Wonwoo, si Mingyu ba dahilan nito?!"
Gusto kong maiyak ulit nang marinig ang pangalang 'yon. Argh, nakakainis. Dati ang sarap-sarap pakinggan ng pangalan niya, pero ngayon ang sakit na.
Ang sakit na para bang ang pangalan niyang 'yon ang pinakamatalim na bagay rito sa mundo, at paulit-ulit akong nasasaksak no'n sa tuwing naririnig ko 'yon.
"Hindi! Hindi 'to dahil kay Mingyu!" Kaagad kong pagtanggi.
Sinungaling ka, Wonwoo. Hanggang kailan ka magsisinungaling?!
Ayokong malaman ni Seokmin, o ng kahit na sino na dahil 'to kay Mingyu; na dahil kay Mingyu kaya nasasaktan ako. Kasi ayokong malaman ng mundo kung gaano ako kahina.
Ayokong may makaalam na dahil sa tarantadong 'yon kaya ako nagiging mahina.
Si Mingyu lang? Iiyakan ko? Ang babaw. Ang babaw-babaw no'n.
Bakit ko naman 'yon gagawin? Dahil sa umasa ako? Dahil nahulog ako sa mga salita niyang wala namang laman at sa mga kilos niyang wala namang saysay?
Ang babaw, at aaminin ko, ang babaw ko. Oo, siguro kung makaasta ako para bang nagkaroon ng kami, siguro nga ang OA ko.
Pero hindi niyo alam kung gaano kasakit magmahal. . . nang walang kasiguraduhan.
Hindi niyo alam kung gaano kahirap ang magmahal sa taong akala mong kayang suklian ang ibibigay mo.
Hindi niyo alam kung gaano kasakit ang magmahal kahit alam mong hindi naman dapat.
Pero niyo alam kung gaano kahirap ang umasa sa mga bagay na wala lang naman talaga, e.
'Yon bang hinayaan mo siyang hawakan ka, at dalhin ka sa alipaap, pero no'ng nagsimula ka nang maging masaya sa mga ulap. . . bigla ka niyang binitawan, at hinayaang mahulog mag-isa.
Mabuti sana kung sa ibaba may naghihintay sa 'yong handa kang saluin. . . pero paano kung lupa lang? Ang sakit ng bagsak no'n.
"Hindi si Mingyu, okay?! Hindi si Mingyu!" Sigaw ko.
Nawala ang buhay sa mga mata ni Seokmin, at kalungkutan ang nakikita ko sa mga ro'n.
"Edi bakit ka nagkakaganito, Wonwoo? Akala mo hindi ko napapansin ang kalungkutan mo? Ang galing mong magpanggap, Woo, sobrang galing mo na nauto mo ang lahat sa mga ngiti mo," sabi niya.
Tinitigan ko lang siya.
"Pero hindi ako, Woo. Hindi ako na kaibigan mo simula pa lang no'ng mga bata tayo. Hindi ako," wika niya, at ang seryoso ng mukha niya.
Umiling ako, saka iniwan si Seokmin. Nagmamadali akong lumabas bago pa man ako mahawakan ulit ng kaibigan ko.
Nagpatuloy ang natitirang oras ng araw.
Hindi ko na kinakausap si Seokmin. At lalong-lalo nang hindi ko kinausap si Mingyu. Hindi ko na rin pinansin si Seungcheol, ang number one shipper namin.
Wala akong ibang ginawa kundi ang ikulong ang sarili ko sa mundo ko, at hayaan akong mag-isa ro'n.
Nagdaan ang mga araw.
Bumuti na kami ni Seokmin, hindi niya na ako tinatanong tungkol kay Mingyu o sa kahit ano na siya namang ipinagsasalamat ko.
Hindi na kami nagkakausap ni Mingyu. At hindi na ako umasang magkakausap pa kami.
Hanggang sa nalaman kong. . . hiwalay na sina Minghao at Mingyu.
BINABASA MO ANG
Au Revoir ∞ MEANIE
Short Storyㅡ in which they fell but deceived by uncertainty and mistrust. MEANIE | SEVENTEEN FANFICTION | TRYXEA_