13

700 36 49
                                    

Nasa kalagitnaan kami ng subject naming sobrang boring. Sobrang hina rin ng boses niya kaya heto na naman ang buong klase at inaatake ng antok.

Hihikab na sana ako nang biglang may pumatong sa balikat ko. Napakunot ako ng noo saka lumingon sa bandang kanan ko.

Tsk. Knock-out na si Mingyu, at talagang pinatong pa ang ulo niya sa balikat ko.

"Hoy, mapapagalitan ka niyan," bulong ko sa kanya, at ginalaw-galaw ang balikat ko para magising si Mingyu.

Naramdaman ko siyang umiling, at humawak sa braso ko para pigilan ako sa paggalaw ng balikat ko.

May narinig akong tumikhim sa likod ko. "Bawal PDA," sabi ni Seokmin.

Hindi ko magawang lingunin siya dahil nasa balikat ko nga ang ulo ni Mingyu, pero pasikreto akong napakamot sa batok ko, saka itinaas ang index finger ko imbes na ang middle finger.

Narinig ko siyang tumawa, kaya napairap ako.

"Mingyu, hoy," bulong ko ulit sa kanya.

"Sshh, natutulog ako," bulong niya rin.

"Guguluhin ko 'tong buhok mo, sinasabi ko sa 'yo," pambabanta ko sa kanya.

"Mm."

Ginulo ko nga ang buhok niya, hindi naman siya nagrereklamo pero sa bawat panggugulo ko, tahimik niya naman kaagad na sinusuklay ang buhok niya.

Napabuntong na lang ako ng hininga, at hinayaan siya. Magdadarasal na lang ako na sana hindi kami mapansin ng kahit na sino dahil alam kong matutukso na naman kami, at na sana hindi kami mapapagalitan dahil alam kong madadamay ako.

Paulit-ulit akong napapatingin sa relo kong nasa kaliwang pulsuhan ko, at binabantayan ang paggalaw ng oras, pati ako inaantok na tuloy.

"Mingyu," bulong ko ulit.

"Mm?"

"Lalo akong naantok," sabi ko.

Tumango siya saka na naman kinuha ang kamay ko, at minamasahe ito. Pero nakakainis, lalo lang akong inaantok.

Hinayaan ko na lang siya, at sunod ay nahulog na ang ulo ko sa itaas ng kay Mingyu na nasa balikat ko. . . saka na nakatulog.

---

Nagising ako nang naramdaman kong gumagalaw ang nasa ilalim ng ulo ko. Napadilat ako, at napakusot ng mga mata ko.

"Sorry, matulog ka na ulit," sabi ni Mingyu, at hinawakan ang ulo kong nasa balikat niya na pala.

Umiling ako, at umupo nang maayos.

"Good morning, Woo," sabi niya sa akin, at ngumiti kaya ako napangiti rin.

Tumango ako. "Good morning," sabi ko. Napatingin ako sa harap, at nakitang wala na palang guro.

"Free time?" Tanong ko.

Tumango siya. "Yep."

Tumango rin ako saka pinwesto ang mga bisig ko sa armrest, at ang ulo ko naman sa mga bisig ko.

"Inaantok ka pa rin?" Tanong niya.

Tumango ako, nang biglang may humampas sa likod ko, at niyugyog ako. "Ano na naman ba?!"

"Hoy, bakla, nakita mo na ba 'yong 'I'm Not A Robot?'" Tanong ni Seokmin.

Nilingon ko siya, at tinanguan. "Mm, bakit?"

Au Revoir ∞ MEANIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon