16

552 39 13
                                    

May program ngayon kaya buong umaga kaming walang klase. Nakakabagot na siya, at gusto ko na tuloy matulog na naman.

Ilang beses ko nang pinagsisihan na bakit pa ako pumasok kung wala rin naman palang klase, tsk. Kung nasa bahay lang ako edi sana ang payapa ko ngayon, makakatulog ako, makakabasa habang walang kahit anong ingay sa paligid ko.

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa mga naka-arrange na mga upuan dito sa covered court namin. Nasa tabi ko ang buong barkada ko, sina Jihoon, Seungkwan, Jeonghan, Seokmin.

Sa harap ko naman ay sina Minghao, kasama sina Chan, Soonyoung, Jisoo.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya ako napalingon dito. Si Seokmin pala. . . akala ko kung sino, hahaha.

"Bakit?"

Umiling siya.

"Inaantok ka na ba?" Tanong ko sa kanya pero umiling ulit siya.

"Grrrrr daw, sabi ng tiyan ko," sabi niya.

Ngumiti ako, at tumayo. "Tara, canteen," sabi ko sa kanya, at hinila siya patayo.

Umiling na naman siya. "Mapapagalitan tayo, hindi pa time ng recess," sabi niya.

"Hayaan mo sila, 'lika na," sabi ko.

Tumango siya saka tumayo. Sinamahan ko siya sa canteen, at dahil nagugutom na rin ako, nakilinya na rin ako.

Hiningi na ng babae ang bibilhin ng katabi ko, ako na ang susunod, nang biglang may tumabi sa akin. "Nakabili ka na, Seoks?" Tanong ko, at nilingon ko siya.

"Hindi pa, Woo," sagot ni Mingyu.

"Ah. . ." Sabi ko na lang, at hindi na siya kinausap pa.

"Anong sa 'yo, Woo?" Tanong niya.

"Bakit? Libre mo 'ko?" Tanong ko rin, at tumingin sa kanya.

Ngumiti siya. Aba, puta? Ngayon ngingitian mo 'ko?! Ngayon nilalapitan mo 'ko?! Ngayon kakausapin mo 'ko?!

Bakit, ha?! Bakit hindi si Minghao ang puntahan mo?! Gago ka ba?!

Gusto ko siyang sigawan, pero ngumiti ako, 'yong ngiting punong-puno ng tamis kahit na gusto ko na talaga siyang sapakin.

"Anong gusto mo?"

"Ibibigay mo ba?"

Mahina siyang tumawa. "Mm."

Pa'no ba 'yan? Iba nang nagmamay-ari? Maibibigay mo pa rin ba?

Umiling ako. "Huwag na, ano. 'Yong boyfriend mo ang ilibre mo."

"Bahala ka, minsan lang ako nanlilibre," sabi niya.

Gusto kong magpalibre. Pero 'di mula sa kanya. 'Di siya.

"Ano sa 'yo, iho?" Tanong ng babae sa akin.

"Sandwich po, at Chuckie," sagot ko.

Umalis naman ang babae, at bumalik din kaagad dala-dala na ang mga binili ko. Iaabot ko na sana ang pera, pero hinawakan ni Mingyu ang pulsuhan ko, saka inabot ang perang hawak niya.

"Hoy," bulong ko sa kanya.

"Ako po magbabayad no'n, at pakidagdag na lang din po ng dalawang bottled mineral water, at isa pang sandwich."

Tiningnan ko siya. "Mingyu." Gago ka talaga.

Nginitian niya lang ako. Kaagad naman akong hinila ni Seokmin kaya hindi ko na magawang magprotesta kay Mingyu.

Hinila niya ako pabalik sa inuupuan namin, at napatingin siya sa akin kaya niya ako tinaasan ng kilay.

"Ano?" Tanong ko.

"Ba't gan'yan mukha mo?" Tanong niya.

"Gwapo? 'Di ko rin alam," sagot ko saka na kinain ang sandwich ko.

"Ba't ka nakabusangot?"

Ngumiti ako. "'Di naman, a?"

Inirapan niya lang ako. "Bati na kayo ni Mingyu?"

"Nag-away ba kami?"

"Huwag mo ngang sagutin ng tanong ang tanong ko!" Sita niya.

Ngumiti ako. "Kaibigan ko pa rin siya, 'yon lang."

Tumango na lang siya, at sumuko na sa pag-uusisa sa akin. Nasa kalagitnaan ako sa pagkakain nang biglang umingay ang mga estudyante nang tumugtog ang 'Thinking Out Loud' ni Ed Sheeran.

Sakto namang nakita ko si Mingyu na lumapit kay Minghao. Inabot niya ang isang bote ng tubig na binili niya kanina at sandwich.

Narinig kong tumikhim si Chan na nasa tabi ni Minghao. "Lipat lang ako do'n kina Junhui hyung," paalam niya, at tumayo.

Pinigilan pa siya ni Minghao, pero ngumiti lang si Chan, at umalis. Umupo naman si Mingyu sa tabi niya, at nginitian siya.

Ayon na naman ang mga tuksuhan sa kanila. Syempre dahil magaling akong magpanggap ay ngumiti ako, saka sila sinabayan.

Tumawa lang ang dalawa habang patuloy na tumutugtog ang kanta na para bang nagmistulang kanta para sa kanila.

Parang nawala ang ang buong mundong nakapaligid sa kanila, at tanging silang dalawa na lang natitira.

Sumabay pa rin ako.

Pero hindi talaga, e, masakit. :)

Au Revoir ∞ MEANIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon