07

666 44 54
                                    

Napamasahe ako ng noo ko dahil ito na ang pinakaayaw ko, Science Investigatory Project.

Nang pumasok ang guro sa silid ay kaagad niyang inanunsyo ang mga project titles na pasado sa kanya. Pero kapag minamalas nga naman ang buong klase, wala pang natanggap.

Kaya in-arrange niya kami by group, at nagsipuntahan naman kami sa mga kagrupo namin.

Nang makita ko ang grupo ko, lumapit ako, at umupo malapit sa kanila. Bumuo kaagad kami ng bilog para mapag-usapan namin ang aming project.

Ni hindi pa kami nakapag-title defense pero hindi na kaagad tinanggap ang project naming lahat.

Nagsiisipan na kami ng mga bagong project ideas, pero wala talagang nabubuo sa mga isip namin. Napabuntong ako ng hininga dahil sobrang sakit na talaga sa ulo ng project na 'to.

"May ideas na kayo?" Tanong ni Minghao na nasa tapat ko.

Napatingin siya sa akin kaya umiling ako. "Wala talaga, Hao, e," sagot ko.

Tumingin naman siya sa mga kasama namin. "Kayo?"

Umiling din naman sila. "Wala rin, e."

Napatingin ako sa katabi ko, saka ko lang napansing si Taehyung pala 'to. "Hi, Woo," bati niya pa sa akin.

"Hi, Woo mo mukha mo!" Sigaw ko sa kanya. "Kapal ng mukha mong magkalat ng fake news."

Tinawanan ako ni Taehyung. "Anong fake news?! May pruweba ako!"

Kinuha niya ang telepono niya sa bulsa niya, saka in-open ang inbox niya. Hinarap niya naman sa akin ang telepono niya, at nakita ko ang palitan namin ng mga mensahe.

Crush mo si Mingyu?! o.O

Oo, bakit?

Bigla akong napalunok. Aba't gago 'tong batang 'to, a?! D-in-elete niya ang dalawang mensahe sa pagitan ng mga 'yon.

Nanlaki ang mga mata ko. "Bwisit," bulong ko, at kaagad na sinipa ang armchair na inuupuan ni Taehyung.

Malakas naman siyang napahalakhak ng makitang naiinis ako. Paulit-ulit kong sinisipa ang upuan niya, pero natigil din ng may umupo bigla sa gitna namin ni Taehyung.

May hila-hila pa siyang armchair, saka pumwesto roon. Pinisil niya ako sa braso.

"Mingyu, ano na naman ba?" Sabi ko sa kanya, at nilingon siya.

Pero sa likod niya, nakikita ko ang nanunuksong mukha ni Taehyung. Umiling naman si Mingyu. Punong-puno ng pagod ang mukha niya.

Napatingin ako sa relo sa kaliwang pulsuhan ko. 11:37AM, twelve pa ang lunch break namin.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya, umiling siya.

"Pagod na 'ko, Woo!!!" Reklamo niya, at pinatong ang noo niya sa kamay ko, habang pinipisil niya pa rin ang braso ko.

Nang mapatingin ako kay Taehyung, pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil alam kong ilang segundo ngayon ay magsisimula na 'tong manukso.

"Ang sakit na sa ulo ng project, alam mo ba 'yon?!" Dagdag niya pa.

Tumango ako, at tinapik-tapik ang ulo niya. "Hindi lang ikaw, ano."

"Huwag mong guguluhin ang buhok ko," sita niya sa akin saka inayos ang buhok niya.

Nginitian ko siya. "Bakit ang strikto niyo sa mga buhok niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Nakakapagod siyang ayusin, sa totoo lang," sabi niya habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri.

"Ilang oras mo bang inaayos ang buhok mo?"

"Dalawa? Tatlo? 'Di ko alam," sabi niya. "Okay na ba?" Tanong niya naman sa akin.

Tinitigan ko siya, at ang buhok niya. Walang namang nagbago, e. Gano'n pa rin naman ang buhok niya. Gelled up, forehead exposure.

"Okay na," sagot ko. Pero mukhang hindi pa yata talaga siya makukuntento hangga't 'di niya makikita sarili niya.

Kaya niya kinuha ang telepono kong nasa mesa ko, at tinitigan ang sariling repleksyon. Nginusuhan niya ako matapos.

"Hindi pa naman maayos, e," sabi niya, saka ulit inayos ang buhok niya.

"Baliw, maayos na nga!"

Nang matapos na rin siya ay sinuri niyang muli ang sarili sa repleksyon niyang nasa screen ng cellphone ko, at nakita ko kung paano siya ngumiti nang makitang kuntento na siya sa ayos ng buhok niya.

"'Yan ang maayos," sabi niya sa akin at ngumiti.

Napakunot ako ng noo. "Gano'n pa rin mukha mo, ano," sabi ko.

Nagkibit siya ng mga balikat.

"Alam mo, may nabasa ako na kapag hahayaan mo ang isang taong guluhin ang buhok mo, ibig sabihin no'n espesyal siya sa 'yo," sabi ko.

"Pinaparinggan mo ba ako?" Natatawa niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi, a. Sinasabi ko lang. Baka magkakajowa ka sa susunod, tapos bigla niyang guluhin ang buhok mo, baka magtatampo 'yon kapag magrereklamo ka," paliwanag ko, at ngumiti.

Hinawakan niya ang pulsuhan ko, kaya kumunot ang noo ko. Pero ngumiti lang siya, saka pinatong ang kamay ko sa ulo niya.

"Edi guluhin mo."










hAYS ewan. nakakailang update na ako pagod na akoㅡ hahahaha

Au Revoir ∞ MEANIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon