Nakita kong lumiwanag ang mga mata ni Seokmin. Pinilit kong hindi mapangiti, pero wala, e, hindi sumunod ang mga labi ko sa gusto ko kaya ayan at napangiti ako.
"Pakiulit nga, Woo, 'di ko narinig masyado, e," sabi ni Seokmin.
Mahina akong tumawa. "Gusto rin ako ni Mingyu, Seokㅡ"
Isang malakas at matinis na sigaw. Shit. Sana si Jihoon na lang pala ang sinabihan ko, edi sana hindi ganito kaingayㅡ
"Rin?! So gusto mo siya?!"
Tumango ako.
Sumigaw ulit siya, saka ako pinaghahampas-hampas sa mga braso ko. Hinawakan niya ako sa mga balikat ko, saka niyuyugyog.
"A-Aray, Seokmin, aray!" Sigaw ko.
Tumigil naman siya saka tumawa, 'yong tawang para bang demonyong kinikilig, oo, gano'n.
"Kailan pa, Wonwoo?! Jusko, bakla kaㅡ" at naputol ang pagsasalita niya dahil sa sarili niyang mga sigaw.
"Sinabi niya sa akin. . . kagabi," sabi ko, at ngumiti.
"E, ikaw?! Kailan mo pa siya gusto? Tangina, teka, seryoso ba 'to, Woo?"
Rinig na rinig ko ang kilig sa boses niya na para bang siya 'tong gusto ng taong gusto niya at hindi ako.
Tumango ako. "Ako. . . ewan. Matagal na."
Sumigaw siya ulit. RIP sa boses mo, Seoks.
Tumawa lang ako habang binubugbog niya na naman ako. "Baklaaaaa! Bakla ka talaga!"
Nginitian ko siya.
"Hala, hala, hala, ang landi ng ngiti niya, o," panunukso niya. Tumawa ako. "Kaya ba nagkausap kayo kanina?! Jusko, magkwento ka, papatayin kita, Jeon Wonwoo!!!"
Tumango ako, saka kinuwento sa kanya lahat. Kilala ko 'to, hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya maririnig lahat.
Kaya sinabi ko sa kanya lahat. Simula kahapon no'ng sinabi niyang may sasabihin siya, kagabi sa van at kung paano ako muntikang lumabas ng van para lang makapagpa-load, hanggang sa kanina no'ng nag-uusap kami.
Past dismissal na namin, pero nandito pa rin kami. Nauna nang umalis ang tatlo, sasabay na rin sana si Seokmin, pero pinilit ko siyang samahan muna ako para maikwento ko 'to sa kanya.
Siya muna ang pinagsabihan ko dahil alam kong madaldal 'yong tatloㅡ madaldal din naman si Seokmin, peroㅡ basta, siya lang muna ang sasabihan ko.
Tumili siya matapos, 'yong tiling tili talaga. Tinawanan ko lang siya habang pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante.
"O, tapos, ano na kayo ngayon?"
Nagkibit ako ng mga balikat. "M. . . U?"
"Okay ka naman sa gan'yan?" Tanong niya.
Kibit ulit ng mga balikat. Heto na si Master Seokmin sa kanyang love advices, patay ka na, Wonwoo.
"Nililigawan ka ba niya?"
Umiling ako.
"We can't rush on things we want to last forever."
Tumango siya sa sinabi ko. "Pero sure kang okay ka lang sa walang label?"
Ngumiti ako. "Love isn't about the labels. Okay lang ako hangga't siya."
"Alam mo namang mahirap ang walang label, hindi ba?" Tanong niya.
Tumango ako. No label means no commitment. Wala akong panghahawakang kahit ano kundi ang mga sinabi niyang gusto niya ako.
Ngumiti ako. E, ano naman kung walang kami? Basta, nagtitiwala ako kay Mingyu. 'Yon ang importante.
"Alam ko."
Ngumiti siya. "Okay. Basta nasabihan na kita. Pero alam ko namang makakaya niyo. Nakikita ko naman kung gaano ka kagusto ni Mingyu. Sana lang talaga hindi magiging problema 'yang pagiging 'no label' niyo."
Sana nga, Seoks. . . sana nga hindi aabot sa puntong kakailanganin namin ng label para magtagal. :)
"May tiwala ako kay Mingyu," sabi ko kaya siya ngumiti.
"Inlababo ka nga."
Tumawa na lang ako.
"'Di pa kayo uuwi?" Tanong ni Mingyu na bigla-biglang sumulpot.
Umupo siya sa tabi ko. "Kanina ka pa nandito?"
Umiling siya. "Kararating ko lang."
Napatango ako. Halata naman. Pawis na pawis pa siya, at halatang kagagaling niya pa lang maglaro.
"Pawis na pawis ka, uy, wala ka bang extra'ng shirt diyan?"
Umiling siya. "Okay lang, pauwi na rin naman ako, e," sabi niya.
Biglang tumikhim si Seokmin kaya kami napatingin sa kanya. "Hahanapin ko na lang si Jisoo, lovebirds, bye."
"Naglalaro pa si Jisoo, Seoks," sabi ni Mingyu.
"Ah, basta uuwi na kami, bahala siya."
Magkakapitbahay lang kasi sila kaya kapag walang kasabay na umuwi si Seokmin, bigla niyang hihilahin si Jisoo mula sa laro nila, at isasama sa kanya pag-uwi.
Tumayo si Seokmin kaya kami naiwan ni Mingyu. "Uuwi ka na ba?"
"Mm, gusto ko nang umuwi," sagot ko.
Tumango siya. "Tara, sasabayan kita."
"Peroㅡ"
"Sasabayan kita, at hindi ako tatanggap ng hindi," sabi niya, saka tumayo.
"Pero teka nga, wala ka ba talagang extra?"
Umiling siya. "Uuwi naman ako kaagad, okay lang."
"Bahala ka."
Ngumiti siya. "Aysus, nag-aalala na naman si Wonwon sa akin."
"Malamang, magkakasakit ka niyanㅡ"
"Okay lang talaga ako, pramis."
Tumango na lang ako, saka tumayo. Kinuha niya ang kamay ko, saka kami lumabas ng paaralan.
Sinabayan niya nga ako papauwi kahit na malapit lang naman ang bahay ni Mingyu rito sa eskwelahan. Nagpupumilit din siyang sumama kaya hinayaan ko na lang.
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nasa bus, at sobrang higpit na wala na yata siyang balak na bitawan pa 'yon, e.
Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko, kaya ako napatingin sa kanya. "O, 'di ba, pagod ka, pero sumama ka pa talaga. Kaya ko namang umuwi mag-isa."
Umiling siya. "E, sa ayokong uuwi kang walang kasama."
"Edi sana sinama ko na lang si Seokmin."
"Ayaw mo ba akong makasama, Wonu?" Tanong niya.
Ngumiti ako. "Gusto."
Tumango siya.
"Ayoko lang na naiistorbo kita," sabi ko.
"Hindi mo 'ko iniistorbo. Mas gusto ko pang samahan ka," sabi niya kaya ako ngumiti.
"Oo na po. Sige na, matulog ka na lang muna."
Tumango siya, saka pinisil ang kamay ko. Napangiti na naman ako, at pinisil din ang kamay niya.
Okay lang naman talaga kahit ganito, 'di ba? Alam ko namang hindi gagawa ng kagaguhan si Mingyu dahil nagtitiwala ako sa kanya.
Pero sapat na nga ba 'to?
•
I will go through as I have planned. Malapit na 'tong matapos. Pero may special chapters, opkors. ;)
Malapit na 'tong mataposㅡ malapit na malapit na ang epilogue, pero asahan niyong mahaba-haba ang special chaps. :>
Look forward sa epilogue, at sa totoong ending. Wink wink ;;;;>
BINABASA MO ANG
Au Revoir ∞ MEANIE
Kısa Hikayeㅡ in which they fell but deceived by uncertainty and mistrust. MEANIE | SEVENTEEN FANFICTION | TRYXEA_