March.
YES! MARCH NA!!!! MARCH NA, AT IBIG SABIHIN NO'N MALAPIT NA ANG SUMMER, YES!!!
Kaunting kembot na lang at matatapos na ang klase. Kaya ngayon heto at abalang-abala kami sa clearance namin, pati na rin sa mga requirements.
Dalawang linggo na lang din exams na namin. Pagkatapos ng exams wala na kaming pasok, at babalik na lang kami sa araw ng recognition (kung gusto namin, at kung isa kami sa honors student).
"Kailangan daw ng folder ang clearance, mga bakla!" Anunsyo sa amin ni Seokmin.
Napamasahe ako ng noo. Bwisit naman, o, alam nilang gipit ako pabibilhin pa ako ng folder. Every barya counts, at kahit na sais lang 'yang folder, EVERY BARYA MATTERS.
Hindi mabubuo ang isang milyon kung walang isang barya!
Pero tumango na lang ako.
Tumayo ako, at aalis na sana nang hinawakan ni Mingyu ang pulsuhan ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa kanya. "Bibili ng folder. Wala pang folder 'tong clearance ko."
Tumango siya, at tumayo rin. "Tara, sama ako."
"Okay."
Umalis kami ng silid, at tumungo sa canteen, mabuti at may school supplies din silang binebenta.
"Ateㅡ"
"Ate, isang short folder," pagsingit ni Mingyu, at inabot ang pambayad niya.
Grabe, pakiramdam ko ang pobre-pobre ko dahil para sa isang folder lang, sais lang, ang inabot niya ay isang buong one hundred bill.
"May barya ba kayo? Umagang-umaga pa, mga iho, wala kaming pansukli," sabi no'ng nagtitinda.
"Ako na lang ho magbabayad," sabi ko saka kumuha ng barya mula sa wallet ko.
Kinuha niya naman 'yon saka binigay sa akin ang folder.
Tumingin ako kay Mingyu. "Barya lang sa umaga, Mingyu," paalala ko sa kanya.
Ngumiti lang siya, at napakamot sa batok. Tumingin siya sa nagtitinda ulit. "Ate, pahiram ng gunting. . . at stapler."
Tumango naman ang babae saka inabot sa amin ang gunting at stapler. Matapos ay pumwesto kami sa isang mesa sa kiosk na malapit lang sa canteen, saka namin inasikaso ang clearance.
Napansin kong kinuha niya ang clearance niya mula sa kanyang bulsa na tinupi niya ng dalawang beses.
Ang clearance namin ay kalahati lang sa laki ng isang buong short bond paper, kaya sapat na ang isang folder para sa aming dalawa.
Ginupit niya ang folder, at hinati ito sa dalawa. Kukunin ko na sana ang isang kalahati para idikit na sa folder ang clearance ko pero pinigilan niya ako.
"Ako na. Umupo ka na lang diyan."
"Ako na, Gyuㅡ"
"Ako na nga. Sige na, umupo ka na."
Bumuntong ako ng hininga, at tumango na lang dahil alam kong matatalo pa rin naman ako. Umupo na lang ako sa tapat niya, at hinayaan siya.
Sigurado akong nasabi ko nang malinis si Mingyu, at isa 'yon gusto ko sa kanya. Napakalinis niya na ayaw niyang nadudumihan ang kahit anumang bagay niya.
Kaya ko siya hinayaang asikasuhin ang clearance namin dahil malinis din siyang gumawa at kumilos, kapag ako niyan, panigurado hindi mapapantay ang pagkakagupit, at ang pagkakalagay.
Matapos ay tama nga ako, malinis nga.
Umalis siya para ibalik ang gunting at stapler canteen, saka niya ako binalikan.
Sana all. . . na kahit anong iwan babalikㅡ huwag na lang pala, kasi kung mahalaga at mahal ka naman talaga, hindi niya kailangang iwan ka dahil dapat hindi niya kaya 'yon. :)
Kung kaya ka niyang iwan. . . magduda ka na. :)
"Salamat," sabi ko nang matanggap ang clearance ko mula sa kanya.
"Welcome," sabi niya naman. "Tara, akyat na tayo. Baka hinahanap na tayo."
Tumango ako. Habang naglalakad ay bigla niya akong kinalabit kaya ako napatingin sa kanya.
"Mm, ano?"
"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong niya.
Umiling ako. "Wala naman, bakit?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"Okay. . ." Sabi niya lang.
Tumango ako. "Okay rin," sagot ko, at ngumiti.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, at naalala kong third floor pa pala ang classroom namin, kaya pala nagrereklamo na ang mga paa ko.
"Teka, teka, Gyu, ang sakit na ng mga paa ko," sabi ko, at tumigil saglit.
"Naku, mukhang may mamasahiin na naman ako nito mamaya," sabi niya, at mahinang tumawa.
Tumingin ako sa kanya. "Masahe raw, e, hindi naman 'yon masahe. Pipisilin mo lang naman binti ko. Mukha mo, Mingyu."
Ngumiti siya saka kinuha ang kamay ko. "'Lika na nga," sabi niya.
Nginitian ko na lang din siya, at saka umakyat ulit. Nang nasa pinto na sana kami, pinisil niya ang kamay ko, saka bumitaw.
Alam ko kung bakit siya bumitaw, at napangiti naman ako ro'n. Kapag papasok kaming magkahawak ang kamay, pagpipiyestahan na naman kami ng mga kaklase namin.
"Text kita mamaya, may sasabihin ako."
"Bakit 'di mo sabihin ngayon?"
Umiling siya. "Nahihya ako," sabi niya, at tumawa. Nahihiya nga siya, naririnig ko.
Pero bigla akong kinabahan. Anong sasabihin niya? Paano kung sasabihin niyang may gusto siya sa isa sa mga kaibigan ko?
Paranoid, Wonwoo! Hindi pa nga nasasabi, kung anu-ano nang naiisip mo.
"Hiya? Marunong ka pa rin palang mahiya?" Biro ko, at tinawanan siya.
Ngumiti lang siya. "Basta text kita mamaya. Dapat may load ka, dapat mag-reply ka."
"May load ako, huwag kang mag-aalala," sabi ko. "Pero ba't 'di na lang tawag?"
"Bakit? Gusto mo bang marinig ang boses ko?" Biro niya kaya mahina akong tumawa.
Paano kung oo, Mingyu?
"Okay. Maghihintay ako. Siguraduhin mong magugustuhan ko 'tong sasabihin mo."
Ngumiti siya, at tumango. "Sana nga magugustuhan mo."
Kahit ano naman basta galing sa 'yo gusto ko, e.
Basta huwag mo lang sasabihin na magpapatulong kang ligawan ang isa sa mga kaibigan ko dahil mapapatay na talaga kita, Kim Mingyu.
•
huwag kayong umasa, 'yon lang. :) dahil masakit ang umasa.
BINABASA MO ANG
Au Revoir ∞ MEANIE
Short Storyㅡ in which they fell but deceived by uncertainty and mistrust. MEANIE | SEVENTEEN FANFICTION | TRYXEA_