XIX

428 21 0
                                    

Graduation.

Ito na ang araw na parehong hinihintay ko at kinakatakutan ko.

Nasama nga ako sa honor list gaya ng sinabi ni Mingyu, nagdilang-anghel, kaya ayon, nasa honor list ako.

Nang tinawag ang pangalan ko, umakyat ako sa stage kasama ang papa ko para tanggapin ang medalya.

Kinuha ni papa ang medalya, saka 'yon sinuot sa akin. Nang naisuot ko 'yon, hinanap kaagad ng mga mata ko si Mingyu, at nakita ko naman siya kaya ako napangiti.

Punong-puno ng galak at saya ang mga mata niya na para bang siya ang papa ko. Nakikita ko sa mga mata niyang natutuwa siya sa naabot ko ngayong school year.

Ngumiti siya nang malawak; isang ngiting mapagmalaki. Proud siya. Proud siya sa akin.

Gusto kong matunaw habang tinitigan siya. Gusto kong tumakbo sa kanya, at yakapin siya nang mahigpit, at sabihing salamat.

Tinaas niya ang isang hinlalaki niya sa akin, at pumalakpak, saka niya siniko ang katabi niya, saka may sinabi.

Nabasa ko ang mga labi niya, "Wonwoo ko 'yan." Natawa ako nang mahina, saka niya ako kinindatan.

Bumaba na ako ng stage matapos, saka na bumalik sa upuan ko. Lumingon ako sa likuran ko, at napatingin kay Mingyu na tatlong upuan pa ang layo mula sa akin.

Tinaas ko ang medalya ko kaya siya ngumiti, at pumalakpak. "Congrats, Wonu!" Sigaw niya kaya ako tumawa.

Tangina, kinikilig ako. "Salamat!" Sigaw ko.

Umayos ako ng umupo, saka hinintay na matapos ang seremonya. Umabot ito nang ilang oras, hanggang sa natapos na rin ito. . . sa wakas.

Nilapitan ko ang mga kaibigan ko, at niyakap silang lahat. Pinaulanan nila ako ng sandamakmak na 'congrats' kaya hindi mapawi-pawi ang ngiti mula sa mga labi ko.

Nakita kong papalapit si Mingyu, kaso bigla siyang tumigil nang dumating ang mga magulang ko't ang kapatid ko.

Natawa ako nang kaswal siyang tumalikod at umalis na parang walang nangyari. Hindi pa kasi siya kilala nina mama at papa.

Isa na rin siguro 'to sa mga rason kung bakit hindi ko pa siya masasagot. . . dahil hindi pa kami legal.

Kinunan ako ni mama ng litrato kasama ang mga kaibigan ko. Nasa tabi ko si Jihoon, at narinig ko siyang tumatawa.

"Napa'no ka?" Tanong ko.

Umiling siya. "Si Mingyu, pft."

Tumawa ako. Nang matapos ay nagpaalam ako kay mama na aalis muna ako't may pupuntahan sandali.

Hindi naman sila nagtanong, at kaagad na tinanguan ako. "Pupuntahan ko muna si Mingyu, kayo na bahala kay mama," bulong ko kay Jihoon at Seokmin kaya sila tumango.

"Sige, lumandi ka muna," bulong ni Seokmin kaya ako natawa.

Tumakbo ako kaagad, at hinanap si Mingyu. Nakita ko sina Soonyoung, Seungcheol, at Junhui. Tumigil ako saglit.

"Hi," bati ko.

"Uuuuy, congrats!" Sabi nila kaya ako ngumiti.

"Salamat," sagot ko. "Pero nakita niyo ba si Mingyu?"

"Mm? Nasa backstage yata? Nakita ko ate niya doon, e," sagot ni Junhui.

Ngumiti ako, at pinasalamatan silang muli bago pinuntahan si Mingyu. Natigil ako saglit nang makita si Mingyu kasama ang pamilya niya.

Napatingin siya sa akin, kaya ako ngumiti. Lumingon din ang kapatid niya sa akin kaya ko rin siya ningitian.

Ngumiti naman siya sa akin. Tangina, ang ganda ng ate niya, nakaka-straight. Lol.

"Sandali lang, ate, ha?" Rinig kong sabi ni Mingyu saka lumapit sa akin nang tanguan siya ng ate niya.

Habang naglakad siya palapit sa akin, napatingin ako sa kamay niya; may hawak-hawak siyang isang brown envelope.

Napakunot ako ng noo. "Ano 'yan?"

Nginitian niya ako, saka ako biglang hinila.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta," sagot niya kaya na lang ako sumunod.

Huminto siya, saka ko napagtanto na dinala niya ako rito sa likod ng building, kung saan siya nagtapat.

Napangiti ako. Hindi ko alam, pero talagang mahalaga sa akin ang lugar na 'to. Dito 'yon, e. . . dito kami nagkaroon ng pangalawang pagkakataon, kaya heto kami ngayon.

Inabot niya sa akin ang envelope kaya ko ito tinanggap, at tiningnan ang loob. Wow, tatlong blangkong bond paper.

"Uhm, ano 'to? Scam diploma?" Sarkastiko kong sabi.

Tinawanan niya ako. "Tingnan mo nang mabuti. Pinagpuyatan ko 'yan kagabi."

Sinunod ko naman siya at sinuri ang bawat papel. Dalawang papel ang walang sulat, pero nagulat ako sa ikatlo nang makitang may nakaguhit doon.

Mukha ko.

Natigilan ako saglit dahil jusko, ang ganda ng pagkaguhit, ang linis. Kahit na lapis lang ang ginamit niya, walang kulay o ano, ang ganda tingnan ng ginawa niya.

Nakuha niya, kuhang-kuha niya ang mukha ko.

Napangiti ako nang malawak, at napatingin sa kanya. "Kailan mo 'to ginawa?"

"Pinaplano ko 'yan no'ng nakaraang linggo pa, kaso nasimulan ko no'ng nakaraang araw, no'ng nag-away tayo, at kagabi ko tinapos."

Binalik ko ang mga papel sa envelope, saka yumakap sa kanya. "Salamat, Gyu," sabi ko, at humalik sa sentido niya. "Mahal na mahal na mahal kita."

Niyakap niya rin ako, at tumawa. "Mabuti nagustuhan mo."

"Syempre naman, pinaghirapan mo, e. At ang ganda," sabi ko.

Lumayo siya nang kaunti sa akin, sapat lang para mapatingin siya sa akin. Tinitigan ko siya, at nakita ko siyang ngumiti.

"Mahal na mahal kita, Woo."

Ngumiti ako, at sasagot na sana nang nilapit niya ang mukha niya sa akin. At nilapit niya pa. At lumapit pa.

Hanggang sa naramdaman ko ang lambot ng labi niya sa akin. . . naramdaman ko itong kumurba.

Ngumiti siya. . . habang ang labi niya ay nasa akin. Napangiti rin ako.

Nang humiwalay siya, nginitian ko ulit siya. "Mahal din kita, Mingyu."

Au Revoir ∞ MEANIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon