Nagsusulat ako, pero biglang gumalaw ang armchair ko. Napakurap ako, at tumingin sa likod ko.
Sisitahin ko na sana si Seokmin na huwag sipain ang upuan ko, pero biglang tumunog ang bellㅡ hindi lang basta bellㅡ
Nanlaki ang mga mata ko, at lahat kami ay kaagad na nahulog sa sahig, saka nagsitaguan sa ilalim ng armrest namin.
Gago, lumilindol
Kasama ako sa Savers Club ng paaralan kung saan ang lahat ng miyembro ay awtomatikong kasapi ng Disaster Action Team o DAT.
Ang DAT ang rumeresponde sa tuwing may mga ganito, lindol, sunog at kahit ano. Nahahati kami sa iba't ibang grupo na naka-assign sa iba't ibang task.
Lahat kami ay dumaan sa mga training; First-Aid Training, Fire Training, Water Salvage Training, at kung anu-ano pang training.
At dahil lumilindol, kailangan naming mauna sa baba kaming mga DAT members para kaagad na ma-assist ang mga mag-aaral.
Hinintay kong matapos ang paggalaw, at nang natapos na, dali-dali akong tumakbo palabas ng silid, saka tumungo sa baba.
Bahagi ako ng Information Team kung saan ang team namin ang naatasang kumuha ng mga impormasyon. Kailangan naming malaman kung may kulang ba sa mga estudyante o may nawawala ba o kompleto silang lahat.
Nang kumalma na ang lahat ay nagsiupuan sila sa damuhan. Matapos kaming makatanggap ng signal na pwede na silang lapitan, nagsitakbuhan na kami saka kumuha ng impormasyon.
Sobrang lawak ng paaralan, at kailangan naming libutin 'yon para masiguradong nakunan na namin ng impormasyon ang lahat ng mga seksyon.
Natapos na rin ang lahat, mahina lang naman ang lindol, at sa wakas ay makakabalik na kami sa classroom namin.
Pawis na pawis na ako, tumatagaktak na ang pawis ko mula sa sentido ko hanggang sa panga ko, pagod na pagod na rin ang paa ko sa katatakbo kaya parang pagong akong umakyat papunta sa silid.
Nakita ko si Seokmin kaya ko siya nilapitan. Pareho kaming Info Team kaya pareho kaming pagod.
Sabay kaming umakyat, at nang makapunta na sa silid ay kaagad naming tinapon ang mga sarili namin sa armchair namin.
"Shit, ang sakit ng mga paa ko!" Malakas kong reklamo.
Tinaas ko ang mga paa ko, at pinatong 'yon sa upuang nasa harap, pero pinababa rin naman kaagad ng kaklase kong nakaupo ro'n.
"Okay ka lang? Naging runner ka bigla kanina, a?" Sabi ni Seungcheol sa akin.
Tumawa lang ako. "Kapagod nga, e. Argh, bakit ko ba piniling mag-DAT?"
Nagkibit siya ng mga balikat. Yumuko ako saka pinisil-pisil ang binti ko. Ang sakit talaga, gusto kong i-elevate ang mga 'to, argh.
Pero biglang may humawak sa mga binti ko. Napaangat ako ng ulo at nakita kong si Mingyu pala 'yon.
Tinitigan ko lang siya, pero namimilog na ang mga mata ko sa gulat. Umupo siya nang maayos, saka niya inusog nang kaunti ang upuan niya.
Ang upuan niya ang naka-slope sa akin, nakatagilid 'yon ng ilang degrees.
Gusto ko siyang pagsabihan kasi mapapagalitan siya kapag hindi nakalinya nang maayos ang mga upuan.
Gusto ko siyang tanungin kung anong ginagawa niya, pero wala. . . walang lumalabas sa bibig ko, ni hindi ko kayang buksan 'yon. Hindi ko kayang magsalita.
Itinaas niya ang mga binti ko, at inilagay 'yon sa mga hita niya. Yumuko siya, at umusog sa dulo ng upuan para maging mas komportable ang mga binti ko.
Napalunok ako. Gano'n? May boyfriend ka na? Tapos gagan'yanin mo 'ko? Mingyu, ano ba talagang trip mo sa akin?
"Pawis na pawis ka, dapat hindi ka nagpapahangin," sabi niya sa akin.
Do'n ko lang napansin na ang lakas ng hangin ng electric fan namin, at halos lahat ng hanging 'yon ay nasa akin.
"Magkakasakit ka pa," dagdag niya.
Napakurap ako habang tinitigan lang siya.
"Huwag kang tumitig, makinig ka," sita niya sa akin. "Punasan mo pawis mo."
Sumunod din naman ako, at kinuha ang panyo ko sa bulsa ko. Pinunasan ko nga ang pawis ko, pero hindi yata ako nauubusan ng pawis.
Pinagpapawisan pa rin ako, at gusto kong pumasok sa fridge o kahit anong pwede kong pagtaguan mula kay Mingyu.
"Masakit pa rin ba?" Tanong niya sa akin.
Napalunok ulit ako, at tumango. Hindi ko magawang magsalita, hindi ko kayang pagkatiwalaan ang boses ko dahil baka biglang mautal ako sa harap niya.
Tumango rin naman siya, saka minasahe ang mga binti ko.
Nakayuko siya, at napatingin lang ako sa kanya. May kung anong dabog at kabog sa loob ko na para bang may nagmamakaawang lumabas mula sa hawla nito.
Gusto kong itama tong mga paa ko sa mukha niya, bugbugin siya, at sakalin siya hanggang sa mamatay siya.
Brutal, oo, pero bakit ba? Nasasaktan ako, e?
Gago. May boyfriend na siya tapos gaganituhin niya ako? At ayaw ko 'yon, wala kayong pakialam kung ayaw ko dahil nakakasakit.
"G-Gyu, okay na," sabi ko na, at gaya ng inasahan ko, nautal nga ako.
Ibababa ko na sana ang mga binti ko, pero hinawakan niya ang mga 'yon. "Mamaya na. Pagpahingahin mo muna 'yan."
Tumango ako, at halos manigas na ako nang tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya.
Hindi! Sa tingin mo okay ako?! Hindi ako okay! Paano ako magiging okay kung gan'yan ka, Mingyu?!
Gago, bakit ba ang manhid mo?! Sana madapa ka, sana madulas ka, sana matumba ka! Kasi gan'yan kasakit, 'yong tatlong 'yon pinagsama, gano'n kasakit!
Lumunok ako, pero ngumiti rin. "Okay lang."
Tumango siya.
"Salamat, Kim," sabi ko.
Ngumiti siya. Puta, ayan na naman 'yang ngiti niya. "Welcome."
Pero Mingyu naman kasi, e. Kung wala lang naman kasi talaga, bakit mo pa ako inaalagaan?
Bakit. . . bakit ka ganito sa akin?
Bakit mo ba pinaglalaruan 'tong nararamdaman ko para sa 'yo, Kim Mingyu?
BINABASA MO ANG
Au Revoir ∞ MEANIE
القصة القصيرةㅡ in which they fell but deceived by uncertainty and mistrust. MEANIE | SEVENTEEN FANFICTION | TRYXEA_