Nanginginig ang buong katawan ni Maine. Nangangatal pati ang kanyang panga sa takot habang palihim na nakasilip sa bintana.
Sinadya niyang pinatay ang ilaw sa loob at labas ng bahay niya. Sa kalsada lang medyo maliwanag. Konti lang ang inaabot na liwanag sa bakuran ng bahay niya na nagmumula sa poste na nasa labas ng bakuran ng bahay niya. Pero sapat na ito para maaninang niya ang sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay niya. Hindi bumababa ang mga nakasakay doon kaya nahalata niyang nagmamasid at nakikiramdam ang mga ito.
Oh my God! Padala kaya sila ni Congressman Trivino? Ang takot na takot na tanong niya sa isip niya.
Dati siyang staff ni Congressman Julian Trivino. Sa loob ng dalawang taong pagtatrabaho niya dito ay marami siyang natuklasang mga illegal activities nito na may kinalaman sa gambling, drugs at smuggling.
Nung una. Sa kabila nang nalaman niya ay pikit mata niyang ipinagpatuloy ang pagtatrabaho dito. Alam niya kasi kung gaano kahirap maghanap ng trabaho at lalong lalo na ang mawalang ng pinagkakakitaan. May bahay nga siya pero ito lang ang masasabi niyang kanya. Ito lang ang tanging naiwan ng nanay niyang ilang bwan pa lamang namamatay.
Pero ang huling pangyayari ang nagtulak sa kanya na kumawala na kay congressman Trivino.
Isinama siya nito nang makipag meet siya sa isang kilalang negosyante sa labas ng manila. Sa meeting na iyon ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo da pagitan ng congressman at negosyante. Kahit mabilis ang mga sumunod na pangyayari ay malinaw na malinaw na tumatak da isipan niya iyun. Nakita niyang kinuha ng congressman ang baril na nakasukbit sa beywang ng isa sa mga bodyguards niya at pagkatapos ay walang ayaw pinagbabaril ang kaharap na negosyante at ang kasama nito. Takot na takot siya noon pero ni hindi siya nakatili dahil sa takot niya sa kanyang amo.
Tumagal pa siya ng isang linggo sa pagtatrabaho. Isang linggong wala katahimikan. Puno ng takot at sumbat ng konsensiya. Ito ang nagtulak sa kanya. Para mag desisyon na lumayo na ng tuluyan kay congressman Trivino.
Pero hindi siya basta pinayagan na umalis. Tinakot siya nito at ng mga tauhan na huwag magsasalita ng anuman tungkol sa kanyang mga nalalaman. At yun naman. Talaga ang nasa isip niya. Para sa kanyang kaligtasan ay mananahimik siya.
Pero isang araw ay lumapit sa kanya si Atty. Paolo Ballesteros, isang agent ng NBI. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na may alam siya sa nangyaring pagpatay. Kinumbinsi siya nitong magsalita pero tumanggi siya.
Nakarating kay Congressman ang ginawang paglapit ng NBI agent at alam niya kahit wala siyang ibinunyag na kahit ano ay nanganganib na ang kanyang buhay.
At ngayon nga nasa peligro na siya. Dumikit siya sa pader at nagdasal. Maya maya pa ay naramdaman na niya at narinig na umandar palayo ang sasakyan nang sumilip siya sa bintana ay wala na ito sa harapan ng bahay niya.
Nakahinga ng maluwag si Maine. Siguro ay inakala ng mga ito na wala siya sa bahay. Abot abot ang pasalamat niya sa Diyos. Pakapa kapang umusad siya papunta sa kanyang kwarto.
Nasa bandang sala na siya ng bigla na lang siyang makarinig ng sunod sunod na putok ng baril. Napatili siya sa gulat. Narinig niyang nabasag ang salamin ng mga bintana niya. At kasunod ng pagkaramdam niya ng hapdi sa kanyang braso. Humampas ang katawan niya sa matigas na sandalan ng sofa na yari sa kahoy bago siya tuluyang nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.Hello everyone!,
Nandito nanaman po ako nag iistorbo sa inyo.☺ Pagpasensiyahn nyo na po ako.
Salamat po sa mga magbabasa ☺At salamat din po sa mga inspirasyon at mga idolo kong mga manunulat, kay inang reyna TheLadder89, sa mga sisters ko na sina NorikoTheGhost, danemmistyloydjames thank you guys 😘😘
BINABASA MO ANG
Set Me Free
FanfictionAlam ni Alden na nagiging unreasonable na siya sa madalas na pag susungit kay Maine, pero ito lang ang paraan para mailayo niya ang sarili rito. Eyewitness si Maine sa isang murder at itinatago sa kanilang hacienda ng kaibigan niyang NBI agent. ayaw...