"Hindi ko girlfriend si Maine, bro." Nakangiting sabi ni Paolo nang mag usap sila ni Alden pagkatapos nilang mag breakfast.
Si Maine naman ay naglibot libot sa iba pang bahagi ng bahay. Pero dahil curious siya, naisip niyang sa malapit lang sa dalawang lalaki pumuwesto para marinig niya ang pinag uusapan nila.
"Ganoon? Bakit kasama mo siya?" Tanong ni Alden
"Kailangan, eh." Sagot ni Paolo
"Kailangan?" Balik tanong ni Alden
Pinatay ni Paolo ang sigarilyo niya sa ashtray bago nagsalita. "Eyewitness siya sa isang murder. At marami siyang nalalaman sa anomalyang ginagawa ng isang politician sa Manila. Her life is in danger. In fact, may nagtangka na sa buhay niya noong isang gabi lang." Paliwanag ni Paolo.
Kinapa ni Maine ang kanang braso na nadaplisan ng bala. May bandage iyun pero hindi nakikita dahil naka long sleeves na polo siya.
Samantala, tumayo naman si Alden at naglakad palapit sa bintana. Itinukod ang kamay sa pasimano kasabay ng pagsalubong ng mga kilay nito.
"She's willing to testify against Congressman Trivino," patuloy ni Paolo. "Dati niyang amo yon kaya marami siyang alam. Iyon ang nagtatangka sa buhay niya ngayon." Pahayag pa nito.
"She is the one who's putting her own life in danger then. Kung balak niyang magpakamatay, huwag mo na siyang tulungan." Inis na sagot ni Alden
Napakunot ang noo ni Maine sa narinig, hindi niya nakikita ang mga ito dahil may nakaharang na divider pero mahahalata sa boses nito ang galit.
"Huwag mong sabihin yan Alden," sabi ni Paolo. "Hindi niya ginustong malagay sa peligro ang buhay niya. Hindi rin niya gusto na may malaman siya sa anomalya ng dati niyang amo." Paliwanag muli ni Paolo
"kahit na may alam siya sa pinaggagawa ng kung sinumang taong iyon, kung mananahimik siya ay walang mangyayari sa kanya. Baka kaya siya pinagtangkaang patayin ay dahil nahalata ng kampo ng Congressman Trivino na yun na may tendency siyang dumaldal. Iyan kasi ang mahirap sa masyadong makati ang dila." Galit na sabi ni Alden
Nagulat si Maine sa narinig, pinigil niya ang sariling sugurin si Alden.
"Bro, hindi na iyan ang punto ngayon." Ani Paolo. "Her life is in danger and I have to protect her. Siya ang susi sa kalutasa ng isang kaso." Sabi pa ni Paolo
"And what brings you here?" Tanong ni Alden
"Alam mo kung bakit." Sagot ni Paolo
"Dito mo siya gustonh itago?" Tanong ulit ni Alden
"Ganoon na nga." Ani Paolo
"Bakit hindi mo siya ilagay sa safehouse nyo? Put her under witness protection program." Ani Alden
"Plinano ko na yan. Pero kinutuban ako ng masama. Maimpluwensya si Congressman Trivino pwede nilang malaman kung saan ko itatago si Maine. Delikado pa rin siya kung malapit lang siya sa Manila." Mahabang sabi ni Paolo
"Nag rely ka nanaman sa kutob mong yan." Ani Alden
"Remember minsan nang nagkatotoo ang masamang kutob ko. Marami na din akong nailigtas dahil dito." Sagot naman ni Paolo
Lumayo ang boses ni Alden sa pandinig ni Maine, nang muli itong magsalita. "Huwag na nating pag usapan yan." Sagot nito kay Paolo
"So, maasahan ko ba ang tulong mo?" Tanong ni Paolo
"Ayaw ko nang masangkot sa ganyan Paolo. Lalo na kung may buhay na nasa peligro." Ani Alden
"Hindi kita idadamay. Ang hinihiling ko lang sayo, hayaan mong dito muna si Maine pansamantala." Ani Paolo
"Kung malaking tao ang kalaban niya, kahit saang lugar siya pumunta hindi aiya safe. Who knows kung merong mga tauhan ang kalaban nyo na nakasunod sa inyo dito? Alam mo, ang magagawa mo para hindi malagay sa peligro ang buhay niya, sabihan mo siyang manahimik." Mahabang sagot ni Alden
"Bro, what you are asking me to do is a clear obstruction of justice. Alam mong hindi ko gagawin yan." Sagot ni Paolo.
"Kung ganun, I'm sorry. Pero di ko tatanggapin ang babaeng yan dito. Ayaw ko nang masangkot muli sa klase ng mga gulong pinapasukan mo." Tanggi ni Alden kay Paolo
Kung ayaw siyang tanngapin doon ni Alden ay hindi niya ipipilit ang sarili. Handa na siyang sumabat aa usapan ng dalawang lalaki pero mau nauna na sa kanya, isang matandang lalaki na nakaupo sa wheelchair.
"Kung kausapin mo itong si Paolo, parang hindi kayo naging magkaibigan." Sabi nito. "Kulang na lang ay ipinanganak kayo ng iisang babae para masabing tunay kayong magkapatid diba?" Dagdag na sabi nito.
"Lolo Fausto!" Masayang lumapit si Paolo at nagmano sa matanda "kumusta po?" Sabi pa nito
"Mabuti naman ako hijo. Narinig ko ang pinag uusapan ninyo nitong si Alden at huwag kang mag alala, payag akong manatili rito ang babaeng kasama mo." Mahabang sagot ng matanda.
"Lolo..." Protesta ni Alden
"Ako pa rin ang may ari ng bahay na ito kaya may karapatan akong tanggapin dito ang gusto kong tanggapin." May awtoridad na sagot nito kay Alden
"Pero, lo..." Sabi ulit ni Alden
"Ano pang ikakatwiran mo sa akin? Para kang hindi abogado ah." Galit na sabi ni Don Fausto at hinarap ang wheelchair kay Paolo "Ano na nga bang pangalan ng babaeng kasama mo?" Tanong ng matanda
"Maine po, Maine Mendoza." Sagot ni Paolo
Bahagyang pinalagpas ng Don ang wheelchair sa divider. "Halika, Hija. Huwag kang matakot sa narinig mo kay Alden. Ako ang may ari ng bahay na ito at ako lang ang pwedeng mag desisyon kung pwede ka rito o hindi. At ang pasya ko, pwede kang manatili dito."
Medyo nagulat si Maine. Hindi niya akalain na may nakakaalam pala ng ginagawa niyang pakikinig doon. Baka isipin ni Alden na ugali niyang makinig sa usapan ng may usapan.
Umirap siya. Bakit ba niya iintindihin ang sasabihin ng binata? Taas noong lumapit siya.
"G- Good morning ho." Bati ni Maine sa matanda.
" Kanina ka pa dyan?" Salubong ang kilay na tanong ni Alden.
Hindi siya sumagot, saglit lang na sumulyap lalaki.
Natawa ito ng alanganin. "Usyosera ka pala. Hindi nga kataka takang malagay sa peligro ang buhay mo." Galit na sabi ni Alden
"Stop it, Jordan!" Saway ni Don Fausto sa apo bago binalingan si Maine. "As I've said, you can stay here, hija, at ipanatag mo ang sarili mo dahil ligtas ka dito."
Kiming ngiti lang ang isinagot niya.
BINABASA MO ANG
Set Me Free
FanfictionAlam ni Alden na nagiging unreasonable na siya sa madalas na pag susungit kay Maine, pero ito lang ang paraan para mailayo niya ang sarili rito. Eyewitness si Maine sa isang murder at itinatago sa kanilang hacienda ng kaibigan niyang NBI agent. ayaw...