Chapter Four

918 73 16
                                    

    Kinabukasan ay tinanghali na naman ng gising si Maine. Pero magaan na ang kanyang pakiramdam nang bumangon siya sa kama. Pati ang pamamaga ng sugat niya ay nabawasan na rin. 
   Pagkatapos niyang mag ayos ng sarili ay lumabas siya ng kwarto. Wala siyang nakitang tao sa sala kaya naisipan niyang lumabas ng bahay para sumagap ng sariwang hangin at makapagbilad sa hindi pa naman mainit na sikat ng araw.
   Naglakad lakad siya sa paligid ng bahay hanggang sa magawi siya sa bahagi na natatanaw ang kuwadra. Napahinto siya sa paglalakad nang makita roon si Alden kasama ang ibang trabahador.
  Ewan kung anung pumasok sa isip niya, basta naengganyo siyang pagmasdan ang binatang katulong ang ibang kalalakihan sa pagbaba ng mga bulto ng dayami mula sa truck papunta sa kuwadra ng mga kabayo. Nangingintab ang katawan nito sa pawis at kitang kita niya iyon dahil wala itong suot na pang itaas. At ang pawis na iyon ay tila tumutulong para lalong lumabas ang matitigas na muscles nito sa dibdib at mga braso nito.
  Ano kaya ang pakiramdam ng mapalapit sa kanya sa ganyan niyang ayos? Tanong ni Maine sa isip niya. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Ano bang pumasok sa kanyang utak?
    Nang muli siyang nag taas ng tingin ay nagulat siya. Ang dahilan, nakita niyang nakatingin na sa kanya si Alden. Dahil sa kahiya hiyang pumasok sa utak ay na conscious siya. Ang unang pumasok sa isip niya ay iwasan ang mga mata ng lalaki. Dali dali siyang tumalimod para lumayo pero dahil sa pagmamadali, hindi niya napansin na nasa tabi siya ng isa sa malaking pillars na sumusuporta sa bubong ng bahay. Bumangga doon ang braso niyang may sugat. Napasigaw siya sa sobrang sakit, napaupo siya. Hindi na rin niya napigilan ang mapaiyak. Pumikit siya dahil nagdilim ang kanyang paningin sa sakit na naramdaman.
  "Maine!" Narinig niyang tawag ni Alden sa kanya kaya napadilat siya. Kasabay ng pagtaas niya ng ulo, sumapo sa magkabilang balikat niya ang mga kamay nito. Nakayuko ito sa kanya at naging napakalapit ng mga mukha nila sa isa't isa.
   "Ano bang ginagawa mo? Bakit mo ibinangga ang braso mo sa poste?" Tanong nito na may pag aalala sa boses.
  "Hindi ko.... Alam na may poste, eh," Sagot ni Maine na napapangiwi pa s sakit.
  "Bakit hindi mo tinitignan ang paligid mo?" May inis na ang boses nitong sagot
  Muli siyang nagbaba ng tingin sa kawalan ng masabi. Ngayon, ang puntirya ng kanyang paningin ay nakatutok na sa dibdib nito na mas malapit sa kanya. Pawisan talaga ito pero hindi amoy pawis ang nalalanghap niya kundi amoy ng isang tunay na lalaki isang mabangong lalaki.
   Saglit ding nawala ang pansin ni Alden sa rason kung bakit nagmamadali ito sa paglapit kay Maine. Nang magtama ang mga mata nila kanina ay parang may kung anung humaplos sa dibdib nito. Magaganda ang mata ng dalaga, mapupungay ang mga iyon pero halatang balot ng takot at pag aalala. Sa ilang saglit na iyon napatunayan ng binata na kailangan nga niya ng kakampi, ng makakatulong at ng magbibigay sa kanya ng proteksyon.
  "Ano nang pakiramdam mo?" Tanong ng binata
  Parang nagising naman sa pagkakaidlip ang dalaga. "M- masakit ang braso ko." Sagot nito
  "Nagdugo ba ang sugat mo? Tingnan ko nga." Sabi ni Alden
  "N- no, hindi na kailangan. Hindi nagdudugo." Naiilang na sagot ni Maine
  "Halika" ani Alden at inabot nito ang kamay niya saka inalalayan siya sa pagtayo. "Masakit pa ba ang sugat mo?" Tanong niyang muli.
  "Medyo nawawala na." Sagot ni Maine
  "Mabuti naman kung ganun. Halika, pumasok ka na sa loob." Ani Alden
  Nailang siya sa pag alalay sa kanya ng lalaki at ipinagtataka niyang ginagawa nito iyon gayung hindi naman kailangan. Pero hindi niya magawang tanggihan ang gesture nito sa pangambang baka kung ano ang isipin nito. Isa pa, may kakaibang pwersa rin na pumipigil sa kanya para lumayo.
   "Dito ka muna sa sofa." Pinaupo siya ng binata. "Magpapahanda ako ng almusal para makakain ka na at makainom uli ng gamot. Para tuluyan nang gumaling ang sugat mo. Sa susunod mag iingat ka sa pagkilos." Saad ng binata.
  Napa buntong hininga na lang siya nang lumayo na ang binata sa kanya. Pero ang buntong hininga na iyon at napalitan ng ngiti paglipas ng ilang sandali. Nang dumating siya sa bahay na iyon ay napakasungit ng salubong sa kanya ni Alden. Tinanggihan pa nga siya nito na tumira doon. Pero ngayon ay napakabait  nito sa kanya.
   Nakonsyensya kaya siya o nagkamali lang talaga ako ng unang impression ko sa kanya?  Tanong ni Maine sa isip niya.

Set Me FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon