"Good morning," bati ni Alden pagpasok nito sa sala kinabukasan. Galing na ito sa nakagawiang pangangabayo sa palibot ng hacienda. Dinatnan niyang nag aayos ng bulaklak sa vase na nasa center table si Maine.
"Good morning to you too," nakangiting bati ni Maine.
"Umuwi ka para sa breakfast mo diba?" Tanong ng dalaga.
"Oo" sagot nito habang inaalis ang sombrero at inilapag sa ibabaw ng estanteng nasa sulok ng sala. "Ikaw, nag breakfast ka na ba?" Tanong ng binata.
"Hindi pa. Balak ko kasing hindi kumain. Para kasing mula dumating ako rito sa inyo ay wala na akong ginawa kundi kumain ng kumain. Pakiramdam ko nananaba na ako." Mahabang sagot ng dalaga.
"Hindi naman. Tama lang ang katawan mo. At madanda ka." Ani Alden.
Nagbaba ng ulo ang dalaga. Alam niyang pamumulahan siya ng pisngi dahil sa papuri nito.
"Mabuti pa sabayan mo ako."ani Alden
"S- sure." Nagtaas na uli siya ng tingin. "Teka, ako na ang maghahanda ng breakfast." Ani Maine
Nakangiting sinundan siya ng tingin ng binata habang papasok siya ng kusina.
Pero mayamaya ay napalis ang ngiti nito. Nababaliw na yata ako. Hindi ko dapat na kinukunsinti ang nararamdaman kong ito. Ang situation ni Maine ay tulad din ng situation noon ni Johanna.
Natigil ang pag iisip nito ng tumunog ang telepono na nasa sala. Inangat ito ni Alden. "Hello?" Ani Alden
"Alden, si Paolo ito," bati ng nasa kabilang linya.
"Paolo?" May kakaibang kabang naramdaman si Alden. Alam nitong may rason ang pagtawag ng kaibigan. "Napatawag ka?" Anito
"Hindi ko kasi macontact ang cellphone ni Maine kaya diyan ako sa landline nyo tumawag. Pwede ko ba siyang makausap?" Ani Paolo
"Nasa labas siya. Kung gusto mo ako nalang magsasabi sa kanya ng sasabihin mo." Ani Alden
"Sige. Pakisabing maghanda na siya dahil malapit na siyang sumabak sa tunay na laban." Ani Paolo
"Anong tunay na laban?" Tanong ni Alden
"Marami nang naglalabasang testigo laban kay Congressman Trivino. At nakumbinsi kona rin ang pamilya ng businessman na pinatay niya. As a matter of fact, kahapon ay naisampa na ang kaso sa korte." Ano Paolo
Napasimangot si Alden. "Talaga? Nalalapit na paa ang inyong tagumpay kung ganoon?" Aniya
"Bro, alam kong hindi mo gusto ang pagdadala ko diyan kay Maine. Pero mapapanatag ka na dahil susunduin ko na siya bukas." Ani Paolo
Wala nang salitang binitiwan pasi Alden. Hanggang sa magpaalamang kaibigan ay hindi na ito nagsalita.
"Breakfast is ready," sabi ni Maine na bumalik sa sala habang nasa aktong ibinababa ng binata ang telepono. "Sinong kausap mo sa phone?" Tanong ng dalaga.
"Si....si Paolo. Hindi daw niya makontak ang cellphone mo." Anang binata
"A-anong sabi?" Ani Maine
Tumayo ang binata "hind naman masyadong importante. Mamaya ko na sasabihin sayo, kumain muna tayo," anito pagkatapos ay nauna nang nagpunta sa kusina." Gusto kong ihanda mo ang mga gamit mo," sabi ni Alden nang bumalik sila sa sala pagkatapos kumain.
Napakunot noo si Maine sa narinig. Ipinagtaka niya na habang kumakain sila ay walang kakibo kibo ang lalaki, para bang napakalalim mg iniisip nito. Nag alangan siyang mag usisa. "B-bakit ipinapahanda mo ang mga gamit ko?"
"Dahil aalis ka na rito," ani Alden
"Bakit?" Muling tanong ng dalaga.
Tumalikod ito. " Iyon ang sabi ni Paolo." Ani Alden
"Kailangan na akong bumalik ng Maynila?" Tanong ni Maine
"Hindi!" Mabilis niyang tanggi. "Aalis ka rito pero hindi ka babalik sa Maynila." Ani Alden
"Kung ganoon, saan ako pupunta?" Tanong muli ng dalaga
"Sa.... Sa ibang lugar." Anang binata
"Pero bakit? Ano ba talaga ang sinabi ni Paolo?" Kinakabahang sabi ni Maine
"Sinabi niyanb kailangang umalis ka rito" hinawakan nitoang balikat niya. "Listen. Sa.. sa tingin ko may nakakaalam na sa mga kalaban nyo kung nasaan ka. Kailangan mong umalis dito para sa iyong kaligtasan" mahabang sabi ni Alden
Lalong kinabahan si Maine. "Hindi ba siya pupunta rito? Balak na ba niya akong pabayaan?" Naiiyak na tanong ni Maine
"Hindi naman siguro ganun. Baka wala lang siyang sapat na oras para puntahan ka rito kaya tumawag na lang siya." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Don't worry. Wala man siya, I am here, hindi kita pababayaan." Ani Alden
"Salamat" na touch siya sa concern na nasa boses nito. "Pero san ako pupunta?" Ani Maine
"Akong bahala" sagot naman ni Alden
"Sasamahan mo ako?" Tanong ni Maine
"Oo. Sinabi ko na sayong di kita pababayaan. Pero iyon ay nakadepende sayo. Magagawa kong protektahan ka kung magtitiwala ka sa akin?" Ani Alden
"Siyempre nagtitiwala ako sayo." Anang dalaga
"At sapat ba ang pagtitiwalang iyon para sumama ka sa akin?" Tanong ng binata.
Pinalipas niya ang ilang saglit bago tumitig dito at sumagot. "Oo, Alden. Kahit saan sasama ako sa iyo." Sagot niya
"Kung ganun, umpisahan mo nang pag aayos ng gamit mo. Aalis tayo ngayong araw mismo." Ani Alden
Tumango siya at pagkatpos ay nagpunta na sa kanyang kwarto.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng lalaki. Habang kumakain kanina ay pinag iisipan nito kung hahayaan nitong kunin na ni Paolo si Maine. Iisa ang nabuo nitong pasya pagkatapos nitong pakasuriin ang damdamin. Ayaw nitong mawala sa paningin ang dalaga o ang malagay sa peligro ang buhay niya.
BINABASA MO ANG
Set Me Free
FanfictionAlam ni Alden na nagiging unreasonable na siya sa madalas na pag susungit kay Maine, pero ito lang ang paraan para mailayo niya ang sarili rito. Eyewitness si Maine sa isang murder at itinatago sa kanilang hacienda ng kaibigan niyang NBI agent. ayaw...