Nang sumunod na araw ay sinikap ni Maine na gumising ng maaga. Pero ganun pa din wala na rin si Alden nang lumabas siya ng kwarto. Nanghihinayang siya na hindi nito nakita na maaga siyang bumangon. Sigurado na hanggang ngayon, ang tingin pa rin nito sa kanya ay batugan at matakaw sa tulog.
Nagpunta siya sa likod bahay para sabayan si Don Fausto sa pagsalubong sa sikat ng araw sa umaga at sinaluhan na rin niya ito sa pag aalmusal doon.
"Hija, may hihilingin sana ako sa iyo." Pabulong na sabi ng matanda pagtapos nilang kumain.
"Ano po yon?" Tanong niya
"Pwede mo ba akong samahan papunta sa kuwadra?" Sagot nito
"Opo, wala pong problema. Pero makakarating po ba doon ang wheelchair n'yo?" Ani Maine
"Hindi, but Don't worry I can walk. Alam mo, kung tutuusin hindi ko naman kailangan ang silyang de gulong na ito. Kaya ko namang maglakad. Ewan ko ba sa mga tao dito kun bakit tinatrato nila akong parang lumpo." Ani Don Fausto
"Baka ho masama sa inyo ang maglakad." Sagot ni Maine
"Bakit naman magiging masama? Di ba't maganda nga iyon sa mga matatandang kagaya ko? Parang exercise ba." Sabi ng Don at tumukod sa armchair ng wheelchair at pinilit tumayo. "Ano? Sasamahan mo ba ako?" Tanong niya sa dalaga.
"Kung yun po ang gusto nyo eh." Sagot ni Maine
"Kung ganun eh tara na, pakitulungan mo lang ako sa pagtayo at alalayan sa paglalakad, okay na yun."sagot ng matanda
Ginawa niya ang gusto nito. Sa mabagal na mga hakbang, dinala niya ito sa kuwadra. Nag alala nga lang siya nang makitang medyi humihingal na ito.
"Naku, lolo! Napapagod na po yata kayo." Nag aalalang sabi ni Maine.
"Huwag mo akong alalahanin. Narito na tayo. Halika at ipapakita ko sa iyo ang aking si Pegasus." Sabi ng Don
Huminto sila sa harap ng isang malaking puting kabayo. Kumikislap ang mga mata ng matanda sa sobrang saya habang hinahaplos ang mukha ng kabayo. "Ito ang aking si Pegasus. Matanda na din ito kagaya ko. Pero noonh pareho pa kaming bat, madalas ko siyang sinasakyan at madalas kaming manalo noon sa mga horse racing tournaments na sinasalihan namin." Kwento ng Don.
"Jockey po kayo?" Namilog ang mga matang tanong niya.
"Oo. Mahilig kasi talaga ako saga kabayo. Pero minsan minsan lang akong mging hinete. Alam mo bang may anak itong si Pegasus? Tinatawag ko iyong Junior." Kwento pa niya.
"Talaga po? Siguro white din siya, ano ho? Alin po siya sa mga kabayong naririto?" Excited na tanong ni Maine
"Oo, puti rin siy. Pero wala siya dito. Siya ang kabayo ni Alden sayang nga at sa paglilibot lang sa hacienda niya iyon ginagamit. Magandang klase pa naman iyon. talagang pangarera." Ani Don Fausto
"Wala po siguro siyang balak na sumali sa mga horse racing tournaments." Ani Maine
"Ganun na nga. Kunsabagay, hindi ko naman siya kasing galing sa pangangabayo. Sa Manila kasi siya lumaki, doon siya pinag aral ng mga magulng niya. Ako naman, talagang ipinanganak, lumaki at tumanda na dito sa hacienda." Kwento pa ng Don.
Nagtagal pa ng mga kalahating oras sa kuwadra ang dalawa. Marami pa silang napagkwentuhan bago nakaramdam ng pagod si Don Fausto kaya nagyaya na siyang bumalik sa bahay.Nasa kwarto niya si Maine nang dumating si Alden. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ng kanyang kwarto ay boses nito ang una niyang narinig.
"Sinabi ko na sa inyong bantayan nyong mabuti si Lolo! Alam nyo naman na may katigasan ang ulo niya. Bilisan nyo, ang gamot niya!" Pagmamando niya sa mga natatarang mga katulong.
Nagmamadali siyang lumapit sa kwarto ni Don Fausto. "A - anong nangyari?" Walang kamalay malay na tanong niya.
Matalim na tingin ang isinalubong sa kanya ni Alden. Bigla nitong hinawakan ng mahigpit ang braso niya, iyon pa manding may sugat dahil sa pagkakadaplis niya ng bala ang nahawakan ng lalaki.
"Ikaw! Anong ginawa mo kay Lolo?" Matigas ang boses at nanlilisik ang mga mata na tanong nito.
"Ha? A- anong ginawa?" Gulat na tanong niya dito
"Sinabi sa akin ni Yaya Malou na sinamahan mo si Lolo sa kung saan. At pinatayo mo siya sa wheelchair!" Galit na sagot ni Alden
"H- hindi ko siya pinatayo. Kusa siyang tumayo at nakiusap na samahan ko siya sa kuwadra." Pangangatwiran ni Maine
"At sinamahan mo nga!" Humigpit pang lalo ang paghawak nito sa braso ni Maine, halos pilipitin niya ito.
"Minsan na siyang inatake sa puso at kapag naulit yon ay posible siyang matuluyan. Hindi mo ba yon alam ha!" Sigaw niya dito
"H- hindi ko nga alam. Sabi naman niyang kaya niya raw, eh." Sabi ni Maine.
"Hindi mo siya dapat na pinakialaman!" Binatak nito ang braso. "Hindi nga talaga nakakapagtakang malagay ka sa peligro ang buhay mo. Siguro likas talaga sayo ang pagiging pakialamera!" Galit na galit n sabi ni Alden
"N- nasasaktan ako, Alden" daing niya. Sa Sulok ng kanyang mga mata ay unti unti nang namumuo ang luha.
"Sir Alden, okay na daw po Si Don Fausto," sabi ng katulong na lumapit sa kanila. "Nakainom na siya ng gamot niya." Dagdag nito
"Pasalamat ka at walang grabeng nangyari kay Lolo. Dahil kung nagkataon, hindi ka lang masasaktan sa akin!" Pagkasabi niyon ay patulak siyang binitiwan nito bago iniwan.
Isa namang naaawang tingin ang iniwan ng katulong kay Maine bago ito sumunod sa amo.
Tuluyang pumatak ang luha mula sa mga mata ng maiwang mag isa. Kahit wala na ang kamay ni Alden sa kanyang braso ay parang nararamdaman pa niya ang pagkakabaon nang daliri nito sa kanyang laman. At dahil napakahapdi ng kanyang sugat, sinubukan niya itong sapuhin. Nang lumapat ang palad niya roon ay saka lang niya nalamang nagdudugo ito.
Humihikbi siya na hinimas himas ang braso nang lumabas si Yaya Malou. Alam nito kaagad ang naging engkwentro nina Maine at Alden kaya agad siyang nilapitan.
"Maayos na si Don Fausto, hija. Huwag ka nang mag alala." Ani yaya
Itim ang sleeve ng kanyang damit kaya hindi kaagad napansin ng babae ang pagkakabasa ng dugo ang kanyang braso. Pero nang pahiran niya ng likod ng kamay ang luha sa pisngi ay nakita nito ang kulay pula sa mga daliri nito.
"Ano yan?" Tanong nitong Kinuha ang kamay niya. "Dugo ito ah! A-anung ginawa sayo ni Alden?" Natatarantang sabi ng yaya
"Wala po, hindi ito kagagagawan ni Alden. Dati na po akong may sugat at bumuka lang ito." sagot ni Maine
"Bakit?" Tanong nito
"Nahawakan lang ho nang malakas ni Alden, yung braso ko malapit dun sa mismong sugat." Sagot ng dalaga
"Eh, di kasalanan nga niya. Halika sumama ka sa akin at nang magamot natin yan." Sabi ng yaya
"Huwag na po, huwag na," tanggi ng dalaga. "Meron po akong sariling panggamot, ako na lang po ang gagawa." Dugtong nito
"Sigurado kang kaya mo?" Tanong nito
"Opo," suminghot pa siya ng ilang beses at saka pinahid ang luha sa pisngi bago pumasok na sa kwarto.

BINABASA MO ANG
Set Me Free
FanfictionAlam ni Alden na nagiging unreasonable na siya sa madalas na pag susungit kay Maine, pero ito lang ang paraan para mailayo niya ang sarili rito. Eyewitness si Maine sa isang murder at itinatago sa kanilang hacienda ng kaibigan niyang NBI agent. ayaw...