Mabagal lang ang pagpapalakad ng kabayong sinasakyan ni Alden habang naglilibot siya sa Hacienda Rosalinda. Habang binabati ang mga trabahador na nakakasalubong niya.
"Magandang umaga, Sir Alden" malakas na bati ng matandang naglalakad pasalubong sa kanya.
"Magandang umaga din po sa inyo ka Jaime. Masyado yata kayong maaga ah?" Sagot niya dito
"Mabuti na yun sir, para makarami ng trabaho." Sagot ng matanda
"Ang sabihin mo, gusto mo lang magpasikat kay sir Alden para ikaw ang piliin niyang kapalit ni tata Andoy, para maging katiwala ng hacienda." Kantyaw ni Banjo na galing sa kabilang dako ng hacienda.
"Oh, eh, di ba ganoon din ang rason mo kaya ka maagang naririto sa tubuhan?" Ganting sagot ni ka Jaime
"Hindi, ah! Alam ko naman na mas dapat na ikaw ang maging katiwala dahil inugat ka na dito sa Hacienda Rosalinda." Inalis ni Banjo ang suot na salakot at bago humarap sa amo. "Magandang umaga ho sir." Bati nito
Nakangiti namang sumagot si Alden "Magandang umaga din Banjo,"
Natigil sa pag uusap ang mga ito ng marinig ang pagtawag ng isang lalaki na nakasakay sa kabayong papalapit sa kanila.
"Ano yun, Anselmo?" Tanong niya nang kaharap na niya ito.
"Ipinapasabi po ni yaya Malou na kung pwede ay umuwi kayo ngayon din." Sagot nito.
Medyo nagulat at nag alala ang binata. "Bakit? May nangyari ba kay lolo?" Mabilis na tanong niya.
"Naku, wala ho! May dumating po kasi kayong bisita." Ani Anselmo
"Nang ganito kaaga? Sino?" Tanong ni Alden
"Si Atty. Ballesteros po, sir. At may kasama pong babae." Sagot nitoIlang ulit inilibot ni Maine ang paningin sa kabuuan ng napakalaking sala ng napakalaking bahay na pinasok nila. Natatandaan niya na sobrang lawak din nang lupain na dinaanan nila papunta sa napakalaking bahay na ito.
"Magkape muna kayo," alok ng babaeng may dala ng tray.
"Salamat ho. Magkape ka muna," sabi ni Atty. Sa kanya. "Wala ka pang kain simula kagabi."
Ito ang nagdala kay Maine sa lugar na ito. Pagkatapos ng nangyari sa kanyang buhay, na realize niyang hindi na niya makakayang pangalagaan ang sarili. Sinuwerte lng siya na nadaplisan lang ng bala ng pagbabarilin ang bahay niya. Pero dahil nakaligtas siya, hindi iyon duon nagtatapos.
Kaya nagdesisyon siya. Kung mamamatay siya, mabuti nang maibulgar niya ang totoo para magkaroon siya ng katarungan ang mga taong naagrabyado ny Congressman at nang magkaroon din ng halaga ang magiging kamatayan.
Nakipagkita siya sa NBI agent na si Paolo. Ipinagtapat niya ang lahat ng nalalaman at sinabing handa na siyang tumestigo laban kay congressman Trivino. Ito ang nagdesisyon na itago muna siya sa isang lugar habang naghahanap ito ng iba pang matibay na ebidensiyang magagamit para masampahan ng kaso ang congressman. Sa isang lugar sa Negros siya dinala ng atty. Sa isang hacienda na kung sino ang may ari ay hindi niya alam.
"Nasaan ba si Alden, yaya malou?" Tanong ni Paolo sa babaeng naghatid ng kape sa kanila.
"Nasa paligid lang yun. Mula nang magstay dito yan ang naging ugali na niya ang mangabayo sa paligid ng hacienda tuwing umaga." Sagot nito. "Pero huwag kang mag alala babalik agad yun para sa almusal." Dugtong pa niya.
"Kagaya pa rin ba siya ng dati?" Tanong ni Paolo
Nagkibit balikat ang babae. "Parang ganun na nga." Sagot nito
"Meaning, wala pa din siyang balak bumalik sa dati niyang trabaho." Sabi ni Paolo
"Palagay ko talagang wala" sagot ni yaya malou
Napabuntong hininga nlng si Paolo
"Maiiwan ko muna kayo. Kailangan na makakain ng almusal at makainom ng gamot si Don Fausto." paalam ni yaya malou
Napasapo sa ulo si Paolo. "Si Don Fausto nga pala nakalimutan ko na siyang kumustahin." Sabi ni Paolo
Nasa kanyang pahingahan sa likod ng bahay. Maayos naman siya dahil laging nasa oras ang pag inom niya ng gamot." Sagot ng katiwala.
Magalang na nagpaalam at mabilis na umalis at iniwan silang muli.
Inilagay naman ni Maine sa kandungan ang dala niyang bag at ipinatong duon ang mga braso. "Ang Don Fausto ba na iyon ang may ari ng Hacienda na ito?" Tanong ni Maine.
"Oo pero ang apo niyang si Alden ang namamahal sa ngayon." Sagot ng abogado
"Yung Alden ang kaibigan mo?" Muling tanong niya.
"Oo kaibigan na siya since high school. Sa manila kasi siya talaga lumaki at nag aral. Marami kaming napagdaanan ng taong yan." Kwento ni Paolo
"Sa trabaho? NBI agent din siya?" Tanong ni Maine
Umiling si Paolo. "Hindi. Pareho kaming abogado, pero sa NBI ako napunta samantalang siya ay sa korte nakikipaglaban." Paliwanag ni Paolo
"Humahawak siya ng kaso sa korte? Kung ganoon pwede niya tayong matulungan?" Tanong ni Maine
Ipinaalala muna nito sa kanya na baka lumamig ang kape niya bago ito sumagot. "Yes matutulungan niya tayo. Kaya nga dito kita dinala. Safe ka dito. Pero hanggang duon lang, I'm afraid, ang maitutulong niya sa atin." Paliwanag ni Paolo.
"Bakit?" Tanong nito
"Masaya na siya sa pagiging haciendero. Hindi na siya isang practicing lawyer ngayon. Sayang nga dahil isa siya sa mga bata pero magagaling na litigator bago siya nag decide na tumigil. Baka pamilyar pa sayo ang pangalang Atty. Alden Richards." Sabi nito
"Parang narinig ko na nga ang pangalang yan." Sagot ni Maine
"Alam mo bang minsan ay nadawit ako sa kaso ng sindikato na sinubaybayan ko, na set up ako noon, nilagyan ng cocaine ang compartment ng kotse ko at pati ako ay na accuse na pusher. Si Alden ang nakapagpawalang sala sa akin. Pero isa lang yun sa mga celebrated cases na naipanalo niya." Kwento ni Paolo
"Magaling pala siya. Pero bakit tumigil siya sa pag aabogado?" Tanong ni Maine
Muli ay napabuntong hininga ito. Nakahanda na siyang sumagot sa tanong ni Maine nang bumukas ang main door. Sabay silang napatingin dito, at nakita nilang papasok ang isang lalaking tila nagpahinto sa kanyang paghinga.Nagkamay at saglit na nagyakap ang magkaibigan. It's been a year when they last saw each other.
Si Maine naman ay nakabawi na sa pagkabigla nang makita si Alden. Matangkad ito, maputi, lumalabas ang magandang dimple nito kapag nakangiti.
"Bro, si Maine pala. Maine Mendoza," pakilala ni Paolo sa kanya pagkatapos ng kumustahan nilang magkaibigan. "Maine si Alden siya ang sinasabi kong kaibigan ko." Pagpapakilala niya dito.
Inilapag niya ang kandong niyang bag at tumayo. "Good morning, atty. Richards ." Sabi ni Maine
Ngingitian na sana siya ni Alden pero napakunot noo ito pagkarinig sa sinabi niya.
"Ah, sinabi ko sa kanya ang dati mong propesyon." Salo ni Paolo
Bumalik kay Maine ang tingin ni Alden pagkarinig sa paliwanag ng kaibigan. Pero wala nang bakas ng ngiti sa labi nito nang sagutin ang pagbati ni Maine. "Good morning din. Sa manila ba kayo galing niyan?" Tanong ni Alden
"Oo, sumakay kami sa pinakaunang flight papuntang Bacolod. Swerteng may nakita kaming truck galing doon papunta rito. Naki hitch kami." Paliwanag ni Paolo
"Hindi tama ang ginawa nyo. Alam mo namang may mga taong labas dito. Minsan bumababa ng bundok ang mga iyon. Paano kung sila ang natyempuhan nyo?" May galit ang tonong sagot ni Alden
"Well, safe naman kaming nakarating dito" sagot ni Paolo
Tumango lang si Alden bago tinawag si yaya malou at nagpahanda ng breakfast............................................
Thanks everyone for reading 😊
Sorry for the typos,
not proofread.

BINABASA MO ANG
Set Me Free
FanfictionAlam ni Alden na nagiging unreasonable na siya sa madalas na pag susungit kay Maine, pero ito lang ang paraan para mailayo niya ang sarili rito. Eyewitness si Maine sa isang murder at itinatago sa kanilang hacienda ng kaibigan niyang NBI agent. ayaw...